HINDI makatulog si Tanya na palakad-lakad sa balcony ng silid. Sa Montereal’s mansion sila nagpalipas ng gabi ni Taylor dahil naglalambing ang pamilya ni Taylor na dito na sila matulog. Maging ang mag-asawang Miller ay nasa isa sa mga guestroom ng mansion tumuloy. “Gosh, I'm engaged now,” usal nito na napangiting napatitig muli sa suot na diamond ring! Hindi niya lubos akalaing magpo-propose na si Taylor sa kanya ngayong gabi! Ipinagdarasal niya lang kanina na sana ay magustuhan siya ng pamilya ni Taylor para dito. Pero heto at hindi lang iyon basta natupad kundi– Taylor asked her to marry him! “He really mean it. Gusto niya akong makasama hanggang pagtanda namin,” usal ni Tanya na ibang-iba ang kinang sa mga mata. “Hey, sweetheart. Why are you here, hmm? Mamaya malamok ka pa dito e,”

