KABANATA 3

1166 Words
"It's okay, maybe next time," turan nito at hinawakan ang dulo ng ibaba ng mukha ko. Nang maihatid kami ni Thelma sa bahay ay nabigla ako nang buksan ang bintana at abutan ako ni Fred ng puting sobre na may lamang pera. "Yasha, you are so special to me. I'm really-really sorry for what i did last day," wika nito at matapos abutan ako ng sobre ay dahan-dahan sumara ang glass window ng sasakyan nito. Nakatitig lamang ako nang umandar na ang sasakyan papalayo sa amin ni Thelma. "May datong ka na naman, Yasha. Akin na, bayaran mo na ako," wika nito habang ngumunguya ng chewing gum. "Ilang oras pa lamang nakakalipas nang pahiramin mo ako, sinisingil mo na agad ako." Nakangusong reklamo ko rito. "Malay ko ba na ihahatid ka ni Fredo ngayon, alam ko naman kailangan mo ang pera bukas para sa pagdalaw mo sa Mama mo,"wika nito. Nakatitig ito sa akin habang nag aabang sa sagot ko nang bigla at mabilis ako tumakbo sa harap nito. "Oy-oy! Yasha baliw! Bayaran mo na ako," sigaw nito habang nakangusong humahabol sa akin. Nang makapasok sa loob ng kwarto agad nilapag ang bag na dala ko, kumuha ng tubig sa fridge at uminom ng malamig na tubig. Sumulpot naman sa harap ko si Thelma at inagaw ang basong tubig sa akin at ininom,binalik nito sa kamay ko nang maubos. "Thelma," mahinang tawag ko rito. "A-alam mo ba ang pangalan ng anak na lalaki ni Fredo?" tanong ko rito. "Hindi 'e, pero ang alam ko student abroad iyon. Nag-aral at nagtapos iyon sa Singapore at ngayon abogado na ngayon," mahabang turan nito at napauwang ang labi kong nakikinig rito. "Wait, dalawa ang anak ni Fredo. Isang babae at isang lalaki at balita ko ampon raw ni Fredo' iyong anak niyang babae," dugtong ni Thelma at agad ko rin inabot rito ang basong tubig. "Okay, thanks. Good night," wika ko. Kinabukasan mahimbing ang tulog ni Thelma sa tabi ko, dahan-dahan ako bumangon at bumaba ng kama. Pinagmamasdan ko ito habang natutulog si Thelma, suot ang maikling cotton shirt habang suot rin ang manipis na sando. Inayos ko ang kumot nito at bumaling sa orasan na nasa dingding. Alas-singko na ng umaga, mabilis ako gumayak para maaga makarating kay Mama. Nang makabihis at makaalis ay nag bus ako para makatipid sa pamasahe. Nang makarating ay tahimik ko itong pinanonood sa habang nakaupo sa kama, dahan-dahan ako lumapit rito hanggang sa mapansin na ako nito. "Ate, nakita mo ba ang anak ko. Matagal ko na hindi nakikita ang Anak ko, nahiwalay kasi ako sa kaniya." Parang bata na saad nito. "Ma, ako ito. Si Yasha, ang Anak mo," wika ko. "Bata pa ang anak ko, maliit pa iyon. Hindi puwedeng ikaw iyon" wika nito at napatitig ako rito. May sakit sa pag iisip ang Mama ko, noong hindi pa ako nakapag trabaho sa club madalas ako mapaaway sa amin dahil sa Mama ko. Kung hindi ito tinutukso ng mga batang paslit ay binubugaw naman ito ng mga kapit bahay palayo sa kanila sa tuwing humihinto ito sa tapat ng bahay nila. Sobra akong nasasaktan, nadudurog ang puso ko habang inaalala ang mga nangyari sa amin ni Mama. Sinasaktan rin ito ni Papa sa tuwing nakakainom ng alak noon si Papa, dala ng alak at init ng ulo ni Papa noon. Nag aalaga si Papa noon kay Mama habang ako ay nasa paaralan, umuwi na lamang ako galing school ay puro pasa at bakas ang pananakit galing kay Papa ang mukha ni Mama. Ilang buwan pa lamang ako noon nang mag kasakit si Mama, tuluyan nasira ang pag iisip nito dahil hindi pinagamot ni Papa at hinayaan ang sakit ni Mama. Pinangako ko sa sarili kong ipapagamot ko si Mama sa oras na makapagtapos ako ng pag aaral at nakakuha ng magandang trabaho. Ilang oras pa ako namalagi kay Mama hanggang sa magpasiya na umalis na, binayaran ko na rin ang ilang bills nito at maintenance na gamot. Habang palabas ng Mental Hospital ay nag ring ang phone ko. "Hello," turan ko nang sagutin ang phone. "Yasha, where are you?" tanong sa linya. "Fredo?" sambit ko. "I'll pick you up, where are you?" saad nito sa kabilang linya. Nagbuntong hininga ako, ayoko sana mag pasundo rito. Ayoko pero mapilit ito kaya sa huli ay nag pasundo na rin ako at sinabi ang kinaroroonan ko. Habang nagmamaneho ito binalingan ako ni Fredo. "How's your Mom?" bungad na tanong nito. "Okay lang, nakakatuwa kasi maayos na siya ngayon. Iyon nga lang ay hindi pa rin ako kilala bilang anak niya," mahinang wika ko. "That's good and don't worry. She will be better soon," saad ni Fredo. Hinawakan ko ang kamay nito habang kapit ang manibela at nagsalita. "Salamat, Fredo. Dahil sayo napupunan ko ang pangangailangan ng Mama ko pati na pag aaral ko," wika ko. Inalis ang isang kamay sa manibela at hinawakan rin ang kamay ko. "All of this, Yasha. It's for you. I will do everything for you," wika ni Fredo na kina tahimik ko. Maya-maya habang tahimik nagmamaneho si Fredo ay nabigla ako nang biglang bumulusok sa harap namin ang isang Lamborghini na itim na sasakyan, pamilyar at parang nakita ko na kung saan ang ganitong sasakyan. Namangha ako sa ganda ng sasakyan na humarang sa daan namin at bumaba ang sakay nito. Suot ang puting suit shirt na hanggang siko at nakatitig ako sa magandang mukha ng lalaking ito. Nang lumapit ito at bumaling sa bintana at kinalampag ang bintana ng sasakyan ni Fredo. Nakilala ko ang lalaking iyon, tulalang pinanonood ko lamang ito mula sa labas habang galit kinakalampag nito ang bintana sa labas ng sasakyan. Binalingan ako ng tingin ni Fredo at nag buntong hininga ito. "Wait me here," mahinang wika ni Fredo at bumaba ng sasakyan. Mula sa labas ay nagulat ako nang biglang suntukin si Fredo ng lalaking nasa labas, agad nag madali akong bumaba ng sasakyan at pumagitna sa mga ito. "Hoy, tigilan mo iyan!" sigaw ko sa nag iisang lalaking Anak ni Fredo. "How dare you to treating me like that!" singhal nito at tinulak ako dahilan ng pagbagsak ko sa daan. Maya-maya ay nabigla ako nang bumunot ng baril si Fred at tinutok ito sa anak nito. "Fredo! Huwag! Anak mo siya!" sigaw ko. Napansin ko ang galit na pag sulyap tingin sa akin ng Anak ni Fredo at bumaling rin sa ama . "Diyan ka naman magaling hindi ba?! Ang manakit at saktan ang pamilya mo! Physical or emotion," wika ng anak ni Fredo. "Sino ba ang humarang sa atin at walang pakundangan na nanakit, hindi ba ikaw?" sikmat ni Fredo. "Reigan, hindi ka uubra sa akin. Kahit anong gawin mo. Kayang-kaya kitang patayin ngayon," mahabang saad ni Fredo na nagpabigla sa akin. "Do it! Do it whatever you want!" sigaw ng Anak ni Fredo. Agad ako tumayo at dahan-dahan pilit binaba ang baril na nakatutok sa anak nito,at binalingan ang anak nito. "Please, umalis ka na," pakiusap kong saad rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD