Prologue “`Wag ka’ng matakot, `di ako nangangagat.” `Yun ang una’ng-unang sinabi niya sa akin. “Gusto mo ba nito’ng dala ko’ng cake?” Lumapit ako at suminghot. Matagal ko na siya’ng nakikita. Madalas siya’ng kasama ni Dr. Webb. Pero kung si Dr. Webb ay amoy masangsang na alpha, ito naman ay... walang amoy. Pero may kakaiba sa kanya ngayon. “Nagpabango ka ba?” tanong ko sa kanya. Mukhang natuwa siya. Siguro dahil ngayon lang ako nagsalita. ”Pabango? Baka ang cologne ko. Mabango ba?” lumapit s’ya ng bahagya sa akin, at agad ako’ng umatras. ”Sorry, nabigla ka ba?” inilapit niya ang kaliwang kamay niya sa akin na nakalabas ang pulso. ”Birthday ko ngayon,” sabi niya, ”ipinagluto ako ng cake ng mga pamangkin ko, niregaluhan pa `ko ng cologne .” ”Anong amoy `yan?” tanong ko. ”Patch

