CAELYNN
"Neil!" Madali akong umupo at inalalayan siyang tumayo. Bumagsak lang naman kami sa sahig. Ano ba 'yan!
Kaagad kong nakita na duguan ang likod ng kanang kamay niya na pinaggitnaan ng hintuturo at hinanlalaki niyang daliri. May nakatusok doong bubug!
Alam kong 'yan ang naramdaman kong humawak sa ulo ko. Teka, pinrotektahan niya ba ako?
"Neil, ang kamay mo," Alala kong turan habang nakatitig sa duguan niyang kamay. Medyo makapal pa ang bubug na nakatusok doon.
Kaagad niya naman itong tinanggal na parang wala lang. Napangiwi ako. Ang sakit no'n!
Napatitig ako sa kanya. Ngunit napahinto ako. Patay ang kanyang emosyon! Wala man lang ba siyang naramdamang sakit?!
Nilampasan niya ako ngunit mabilis ko naman siyang hinawakan sa braso.
"Teka, saan ka pupunta? Kailangan nating gamutin 'yang sugat mo!"
"Tss, malayo sa bituka. " Tumalikod siyang muli ngunit hinila ko naman siya pabalik.
"Hindi! Baka mapano ka!" Hindi ko na mapigilan pa ang mag-alala sa kanya. Napatitig naman siya sa akin.
Pinalambot ko ang aking mukha.
"Hayaan mo akong gamutin ka." Mahinahon kong sabi.
Hindi pa rin siya nagsalita at nanatili lamang na nakatitig sa akin.
"Pwede namang hugasan lang 'to."
"Neil!"
"Fine. I'm just going to wash this off first."
Tumalikod rin siya at nagtungo sa C.R dito sa office niya.
Sandali ko namang binalikan ng tingin ang mga nagkalat na bubug at kunting dugo roon sa sahig.
Napahinga na lamang ako ng malalim.
Tinawag ko ang janitress para maligpit agad ang mga bubug. Dumating naman ito at agad ring nailigpit ang bubug sa sahig bago umalis.
May janitres naman kasi rito, e. Bakit kasi ako pa ang gusto niyang maglinis dito. Hindi sana siya nagkakaganito. Tsk. Malaki talaga siguro ang galit sa akin no'n.
Naiwan muli kaming dalawa ni Neil rito sa office niya.
Nagtungo ako sa first aid kit box niya rito sa office. Kinuha ko doon ang bandage at betadine.
Prente na rin siyang nakaupo ngayon sa couch. Lumapit ako sa kanya at umupo na rin ako sa tabi niya. Mahaba naman itong couch niya rito.
Kinuha ko ang kanyang kamay. Napahinga ako ng malalim ako. Slit lang ang wound niya pero malalim ang sugat doon. Buti na lang dahil ito lang ang sugat.
Kung hindi niya hinarang ang kamay niya, siguro ay sa ulo ko tumusok ang bubug na iyon. Ang talas pa naman no'n.
Sinimulan ko nang lagyan ng betadine ang kanyang sugat. Naramdaman ko naman ang pagtitig niya sa akin.
"Ano na naman 'yang titig mong 'yan? Pinagnanasaan mo na naman ba ako?"
"Tsk."
Napangisi ako. Sinimulan ko na ring lagyan ng pangcompress ang sugat niya bago binalutan ng bandage ang kamay niya.
"Gusto ko palang magpasalamat sa ginawa mo. Kung hindi mo prinotektahan ang ulo ko, siguro ay tuluyan ng nagkasugat ang utak ko gaya ng mga naririnig ko sa tabi-tabi. Baliw daw kasi ako, may sugat daw sa ulo."
Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng gaan sa puso ko.
Dahan-dahan ko pa ring inikot ang bandage sa kamay niya.
"Gusto ko ring magsorry sa paghampas ko sayo. Nakarma yata ako."
Narinig ko naman ang paghinga niya ng malalim. "No. I'm the one who should apologize."
"Ah, oo nga. Ikaw pala itong nakarma." Sandali ko naman siyang tiningnan at nginisihan. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Joke lang."
Natapos ko ring balutan ng bandage ang kamay niya at marahan rin itong binitawan.
"Okay na 'yan. Ahm, tawagin mo na lang ako kung papalitan mo na 'yang bandage mo. Iyon na lang ang magagawa kong pasasalamat sayo." Tumayo na rin ako at humakbang.
"How come we never click?"
Napahinto naman ako sa kanyang sinabi. Nangunot ang noo ko. Madali akong napabaling sa kanya.
"Ha?"
Lumingon rin siya at tumayo. Lumapit pa siya sa akin kaya napatitig na rin ako sa kanya.
"Us. Bakit palagi tayong nag-aaway? Bakit ang init ng ulo mo palagi sa akin?"
Tinaasan ko siya ng kilay sa kanyang sinabi.
"Ikaw kaya itong palaging mainit ang ulo sa akin. Oh, Inaano ba kita? Ito, pinapapunta mo ako rito para linisan itong office. Taga linis mo ba ako? Hindi di'ba? Parang walang janitress ang opisina, e. Uutusan mo pa ako. Ikaw kaya itong inaaway ako." Pagsusungit ko sa kanya sabay pagcross ng arm ko.
"You're the one who started it,"
"Ah, ako? Ako na naman. Oh sige. Ako."
"Yes, you. It was you who started it." Seryoso niyang turan.
Nagsimula na namang uminit ang ulo ko. Pinipilit pa niya ang gusto niya, e siya nga itong na una.
"Mag-aaway na naman ba tayo?"
"'Yan, that is what I hate about you. Sumasagot ka."
"Alangan naman papatalo ako sayo." Pinanlakihan ko na siya ng mata.
Hinilot niya naman ang kanyang sentido at umiling.
"Just, go."
"Hmp!"
Tinalikuran ko siya at ibinalik ang mga gamit sa lalagyanan. Dumaan ako muli sa kanyang harapan ngunit napahinto naman ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Wait."
Pinangsingkitan ko siya ng mata. Ano na naman bang gusto niya? Akala ko ba 'just go'?
"I'm sorry." Naningkit pa rin ang aking mata sa kanyang sinabi. Sinuri ko kung totoo ba ito.
"I didn't mean too, you know. " Nanlambot naman ang aking mata sa dagdag pa niyang sabi. Mukhang sincere naman siya.
"I'm sorry, kung ikaw ang inutusan kong maglinis. But I will not say sorry to other things I did. Ikaw ang palaging nauuna."
Muli namang kumunot ang noo ko dahil na naman sa sinabi niya. Okay na sana, e. Ego talaga.
"Anong ako? Sige, sabihin mo nga. Paano?"
"Noong una tayong nagkita. You are so angry at me, I didn't even do anything to you."
"Anong wala? Muntikan mo na kayang akong sagasaan no'n."
"It was an accident. Hinampas mo pa ang baby ko car ko. "
Napanganga naman ako sa narinig ko. Baby car niya?!
"Mas mahalaga pa sayo ang baby car mo kesa sa buhay ng isang tao?!" Bigla naman tumaas ang aking boses.
"Hey, 'yan ka na naman. I mean, I'm a nice guy. I'm super nice, you know. Kung hindi mo sana hinampas ang baby car ko, I could have taken you to the hospital."
Sarcastic naman akong natawa sa kanya. Iba talaga ang lalaking 'to. Siya na nga itong may kasalanan sa akin, ako pa ang pinapalabas na masama.
"Ah, so, anong gusto mo ngayon? Gusto mong mag-sorry ako? E, ako nga itong muntik mong sagasaan noon? Ayaw ko! Sinu-swerte ka? Ikaw ang magsorry! May atraso kapa sa akin." Paalala ko sa ginawa niya kanina.
"Tsk." Umismid pa siya.
Tinitigan ko siya. Tila nahihirapan pa siyang banggitin ang salitang sorry! Taas ng ego!
Huminga siya ng malalim at pailing-iling pa. Tumingin rin siya sa akin.
"I'm sorry. "
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Yun lang?"
"Tsk." Umismid naman siya ulit. Napipilitan talaga!
"Ayts! Bahala ka na nga dyan!"
Nilampasan ko siya pero nahawakan niya naman muli ang braso dahilan para lumingon akong muli sa kanya.
"Ano ba-"
"I'm sorry. I really mean it. I didn't mean to almost hit you with my car. I was in a hurry that time, I think. I just didn't see you," napahinto ako sa kanyang sinabi. I can see the sincerity in his eyes.
"And I'm sorry for shouting at you, and for kidnapping you," Mahina naman akong natawa at napairap sa dagdag niyang sinabi.
"I'm sorry." Muli niyang saad.
Napatitig na ako sa kanya. Marunong rin palang magpakumbaba, e.
Napahinga ako ng malalim. Bahagya na rin akong ngumiti sa kanya. Madali pa naman akong kausap pag hindi lang ako dadaanin sa haras.
"I'm sorry rin kung hinampas ko ang baby car mo noon. E, nagulat ako, e. Mahal na mahal ko ang buhay ko tapos matatapos lang ng gano'n."
Napailing naman siya at napangisi sa sinabi ko.
"That is why you need to be careful."
Nakaramdam ako ng bolteheng biglang dumaloy sa aking katawan na siyang sandaling nagpawala sa aking ng katinuan. Pinisil lang naman niya ang kamay ko.
"I-I'm sorry rin kung sumasagot ako sayo o inaaway kita. Sinisigawan mo rin kasi ako. K-Kung alam mo lang, hindi rin ako nagpapaapi. " Napayuko ako at napakagat ng labi sa hindi maintindihan na dahilan.
Tumitibok ang puso ko ng malakas. Ang laki pala ng palad niya.
"So friends?"
Marahan niyang pinisil ang kamay ko na siyang nagpapikit sa akin ng sandali. Ano ba ito?
Madali akong tumingala sa kanya para hindi niya mahalata ang kaba ko. Nakita ko naman ang munting ngiti na sumilip sa kanyang labi.
"F-Friends." Nag-iwas agad akong ng tingin sa kanya. Ano ba itong nararamdaman ko?!
Ilang minuto rin kaming nanahimik. Hindi ko na siya kaya pang titigan. Alam kong nakangiti siya ngayon. Hindi ko alam pero nanghihina ako. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang palad.
Nagulat ako at mabilis tumingala sa kanya ng dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito!
Ilang sigundo akong napatitig sa kanyang ginawa. Masuyo niyang hinalikan ang aking kamay at may papikit-pikit pa siyang nalalaman. Ngumiti rin siya at tumitig sa aking mata. Natulala na lamang ako. Ang p-pogi.
Napailing ako. Marahan ko ring binawi ang aking kamay sa kanya dahil parang mawawalan na talaga ko ng ulirat nito! Diyos ko!
"A-Alis na pala ako. Nagugutom ako, e. Nauuhaw. Kailangan ko ng kape! " Madali akong lumalikod sa kanya at patakbong lumabas sa silid.
"Caelynn," Napahinto naman ako ng tinawag niya ako. Lumingon akong muli sa kanya.
Itinaas niya ang kanyang kamay na may balot na bandage at ngumiti sa akin.
"Thank you."
Parang hinaplos ang puso ko sa winika niya. Napangiti ako at tumango sa kanya bago tumalikod.
Hindi pa rin tumitigil sa pagtibok ang puso ko sa mga sandaling ito. Hindi ko akalain na titibok ito ng malakas sa iba namang dahilan na hindi ko maipaliwanag.
Nag-iinit ang puso ko sa ginawa niya. Mali lang ba ang pagkilala ko sa kanya?
Siguro ay nadala lang ako sa emosyon ko noon na tumagal nang mahabang panahon.
Masaya ako dahil narinig ko na rin ang sorry niya. Ayst! Kinikilig tuloy ako!
Hoy, Caelynn! Tigilan mo 'yan! Ehmmpp, ano ba! Hindi ko mapigilan, e!
Napatitig ako sa kanan kong kamay. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mainit at malaki niyang palad. Oh, no. This is bad!