CHAPTER 7: USB

2041 Words
Nakatulala ako sa canteen habang sinisipsip ang zest-o na hawak ko. Napakalma ko na rin ang sarili ko. Pero hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nangyare kanina. Ang paghalik niya sa aking kamay. Napakagat na lamang ako ng aking labi. Bakit siya gano'n?! Pafall ang loko! "Caelynn." Nawala ang ngiti sa aking labi ng marinig ko ang boses ni Nessa. Nakalapit na rin siya sa akin. "Bakit ganyan ang ngiti mo, ha?" Nginisihan niya na rin ako. "Wala." Bumusangot naman ako at muling sinipsip ang straw. Siya na lang ang naiwang team ni Ma'am Zera dito. Lahat kasi sila ay umalis na at nag-asawa na rin. Muntik na rin kasing lumubog itong kompanya dahil napabayaan ni Sir Nash. Buti na lang dahil nandyan si Neil at iba pang mga board members na may tiwala pa rin sa kakayahan ni Sir Nash. "Bakit parang kinikilig ka yata? May nangyare ba? May pa kagat-labi kapa kanina, ah. " Nakita ko na rin ang ulam at kanin sa tray na hawak niya. Ang sipag talaga nito sa trabaho kaya late na ring kumakain. "Nagkajowa kana ba?" tanong ko sa kanya. Sandali naman siyang natawa. Mukhang nagets niya na kaagad. Umiling rin siya. "Hindi pa. Wala naman sa isip ko 'yan. At tingnan mo nga ako, parang nanay na daw. Dalaga pa nga, lusyang na." Mahina niya pa ring tawa. "Sino namang nagsabi niyan?" "Mga...tabi tabi." Mahina naman akong napailing sa kanya. Binigyan ko rin siya ng ngiti. "Maganda ka. Kunting ayos lang at magiging ubod kana ng ganda." Napatawa na naman siyang muli. "Kalokohan mo. Namimiss ko tuloy sayo si Stacia. Si Z at Kara. " Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Napayuko na rin ako. Naging malapit niya rin kasi ang mga kateam niya. Tas ngayon, siya na lang ang mag-isa. "Nabalitaan mo ba ang nangyare sa kanya?" "Oo. Ngayon ko nga lang nalaman. Hindi ko akalain na naitago 'yon ni Nash ng matagal. " Nakaramdam ako ng guilt. Mahigpit talagang bilin sa amin ni sir Nash na itago ang nangyare kay ma'am Kara noon. Kunting tao lang ang nakakaalam sa nangyare. Though may rumors na lumalabas at link na nagsasabihing naghiwalay sila ni ma'am Kara, pero hindi naman 'yon sinagot ni Sir Nash. Siguro ay naniniwala talaga siya na hindi patay si Ma'am Kara, o nahirapan lang siyang tanggapin ang pagkawala niya noon. Pero may hiwaga rin kasi ang puso. Nalalaman nito kung buhay pa ba o wala na ang isang tao. Sa case ni ma'am Kara noon, maraming nakitang magpapatunay na namatay siya. Napalabas nila ito na wala na talaga siya. Nagagawa talaga ng kayamanan. Kayang bulagin ang mga tao. "Now that I know Kara is alive, hindi na ako naniniwalang aksidente ang nangyare sa kanya." "Paano mo naman nasabi?" "Think about it, biglaan ang pagsabog, at mismong floor pa niya nagsimula ang pagsabog at sunog, pero nailabas pa rin siya doon. It was planned all along. " Napatango ako. Tama. May ibang patient pa raw ang hindi nakalabas sa araw na 'yon sabi sa balita. "Pero sino naman ang gagawa no'n?" "Yan ang hindi natin alam. Mabait si Kara. Ang pamilya naman ni Nash ay mababait rin. " Napahinga kaming dalawa ng malalim. Wala rin kaming magawa kundi pakisimpatya. "Mauna na ako sayo, ah." Tinanguan ko rin siya bago siya umalis. Inubos ko na rin ang juice na hawak ko at madali na rin akong bumalik sa opisina ni Sir Nash. Alam kong wala siya roon dahil tinakas na naman siya ng asawa niya. Pumasok ako doon at inilagay ang mga documents na dala ko at inilagay sa cabinet dito. "Excuse me?" Mabilis naman akong napalingon ng may narinig akong boses ng lalaki. "Hi." Bati pa niya sa akin. Napahinto at napatitig sa lalaki. Matangkad ito, matangos ang ilong, maputi, maganda ang pangangtawan. May hawak rin siyang envelop. Sino kaya siya? Ngumiti ako sa kanya at madali siyang nilapitan. Itinaas ko ang aking kaliwang kamay. "Hi, sir. How may I help you?" Nakita ko pa ang pagtitig niya sa aking kamay sabay ngisi. Tinanggap niya rin ito. "Are you my best buddy Nash's secretary?" "Yes sir. Do you need anything from him? Pwede ko naman pong sabihin sa kanya. " "Actually yes. But it is very confidential." "Ah, ganon po ba. Ahm, wala po kasi si sir Nash ngayon, e. Tinakas po siya ng asawa niya. " Mahina naman siyang natawa. "You're funny." "What is life kung hindi natin mapasaya ang kapwa natin." Ngiting aso ko naman. "Now i find you cute." Kaagad na naglaho ang aking ngiti dahil sa kanyang sinabi. Pafall rin! Sorry hindi kita type. Pilit na lamang akong ngumiti sa kanya. Ano ba 'yan. Chick boy. "Ahm, ano po ba sana ang kailangan niyo kay sir Nash?" Muli kong tanong para makaalis na siya kaagad. "As I told you, It's confidential. At hindi ako ang may kailangan sa kanya, siya ang may kailangan sa akin." Nagngiting kalabaw naman siya. Napangiwi ako. Eh, anong ginagawa mo rito? "Can I sit instead?" Tinanguan ko naman siya. "Yeah, sure." Iginiya ko rin siya patungong couch. Prente na rin siyang umupo doon. Ipinatong pa niya ang kanyang kanang paa sa hita niya. "Baka pabalik na rin po sila sir Nash at Ma'am Kara mamaya. Nagdate po kasi sila." "His wife, ah. Ni hindi ko nabalitaan na kinasal na siya. Kilan sila nagkabalikan?" "Kahapon lang po." "Wow, I see. " Tumango-tango siya. Napangiti na rin ako. "And you?" "Po?" Nakatitig na siya sa akin na may kakaiba ngiti sa labi na hindi ko mapangalanan. Parang jinoke time yata ako nito. "Don't call me that. You can call Zane." "Zane. " Banggit ko naman sa pangalan niya, na siyang nagpangisi sa kanya lalo. "Your name?" "Caelynn," sagot ko naman kaagad. "Caelynn?" Tinaasan pa niya ako ng kilay. "Leah?" Patanong ko namang sagot. "Leah...?" Napakunot na ako sa aking noo. "May tinatago ka yata, e," wika pa niya ng hindi kaagad akong nakasagot. "Rhee. Caelynn Leah Rhee." Banggit ko sa buo kong pangalan. Well, wala namang nakakakilala sa akin dito, e. Kaya okay lang na banggitin ko ang buo kong pangalan. "Wow. Rhee family. Does your boss know who you really are?" Ngunit kaagad akong napahinto sa aking narinig mula sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata at nagsimulang tumibok ang aking puso. Kilala niya ba ang pamilya ko?! "The youngest daughter of a business tycoon. Manufacture gadgets, and who owns A/E companies?" Tuluyan ng bumagsak ang aking bibig. Paano niya akong nakilala?! "You are really good at hiding your personality; I give you credit for that, but You should be thankful to your brother, who asked me to hide your identity for a long time." "I-Ikaw ang kaibigan ni kuya Leo?" "At your service." Nagbow pa siya sa akin na para akong prinsesa. Napahawak ako ng aking dibdib. "Please, 'wag mong sabihin sa kanila ang totoo." "That can be rearranged. If you can give me a kiss." Napanganga ako sa kanyang sinabi. Mabilis na umakyat ang dugo ko patungo sa ulo. "Ano?! Bastos!" "Kidding." Ngising-ngisi naman siya. Mabilis kong kinuha ang unan na nasa kanyang tabi at mabilis itong hinampas sa kanya. "Sira ka!-ah!" Ngunit natapilok na naman ulit ako dahilan nagpagbagsak ko sa kanya. "Calynn!" Nanigas ako ng marinig ko ang boses ni Neil. Mabilis akong napalingon sa kanya at madilim na anyo ang bumungad sa akin. "N-Neil.." Tumibok ng malakas ang aking dibdib na parang may nagawa akong masama. "Oppss.." Sinamaan ko naman kaagad ng tingin itong lalaking 'to. Mabilis akong tumayo. "What the hell?" Nakalapit na rin sa amin si Neil at nagpalipat-lipat pa nang tingin sa amin. Umiling ako sa kanya ngunit tila ayaw niya akong paniwalaan. Teka, wala nga akong ginagawa! Napalingon na rin ako sa lalaking tumayo at hindi pa rin mawala ang ngisi sa labi niya. Bwesit siya! Pahamak! "Hey bud." Nagtaas pa siya ng kamay kay Neil. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay nitong walang hiya. "What are doing here, Zane?" Sandali rin silang nagkamay. "Oh, come on. Is that how you treat a friend who comes all the way from England just to give your brother this?" Itinaas niya ang envelop na kanina pa niyang hawak. Nakita ko naman na tila nagulat si Neil. "Is that-?" "It is." Ngisi pa nitong isa. Kinuha rin ito ni Neil. "Just how many days do you investagate this?" "Three days." Proud pang sagot nito. "That short time?" "Well, everything can do with money and force. " ngumisi na naman ito ulit. Kukunot ang buong mukha ko sa lalaking ito. Palaging may larong ngiti sa labi ang loko. "Ako na ang bahala dito. Thank you, man. We owe so much to you. " Muli naman silang nagkamay ni Neil. "Maybe you will change your mind after you discover what's inside of that....thing." Sumeryoso na rin ang mukha nitong Zane sa kanyang sinabi. "What do you mean?" Nangunot rin ang noo ni Neil. Kinapa niya ang loob ng envelop at may inilabas doong usb. "You'll know. See you, bud." Tinapik niya sa balikat si Neil. Bago pa siya tuluyan umalis ay binigyan pa niya ako ng makahulugang titig at ngisi. Pupunitin ko talaga ang mukha niya pag may sasabihin siya! "What did the two of you do?" Mabilis naman akong napalingon kay Neil. Nagsimula na ulit na dumilim ang mukha niya. "Huh?" "I saw you. Pumatong ka sa kanya." Pinukulan pa niya ako ng talim na titig na siyang nagpakaba pa sa akin. "A-Ano?! Hindi, ha! Binato ko siya ng unan tapos natapilok ako. " agad kong paliwanag. "I told you, you should be careful!" Nanlaki naman ang mga mata ko ng sigawa n niya ako. Kaagad na tumalim ang titig ko sa kanya. "Wag mo nga akong sigawan!" "Tsk!" Mabilis niya akong tinalikuran at nagtungo siya sa table ni Sir Nash at umupo doon. Hinabol ko naman siya kaagad. "Ano ba kasi 'yan?! Sinasabi ng lalaking yon, confidential daw 'yan. Secretary ako ni Sir Nash, I deserve to know what's inside that tiny thing." Sinimulan niya na ring buksan ang laptop ni Sir Nash na nasa lamesa lang nito. "Marites." Nagpintig naman ang tainga ko sa bulong nitong lalaki. Ano raw? Hindi ko na lamang siya pinansin. Nag-open rin ang window ng laptop at kaagad na bumungad sa screen ang nakangiting si Sir Nash at Ma'am Kara. Hindi ko talaga mapigilang mapangiti sa kanilang dalawa. "Ang ganda talaga ni ma'am Kara, no? Nandyan kaba sa kasal nila?" "Yea." Kaagad na rin niyang isinaksak ang usb sa laptop. May nag-appear doon na kaagad niya namang ni-click. Napatitig na ako ng mabuti ngayon sa screen. Video ang laman ng usb. "Ano 'yan?"comento ko pa. Cctv footage ito ng ospital. Maya-maya lang ay may nakita akong babae na lumabas dala-dala ang isang sanggol. Nakamask ang babae na may dalang sanggol. Diretso lang rin itong naglakad na parang walang. Next video naman na in-open ni Neil ay nasa underground parking lot ito. May nakita ako sa gilid na dalawang tao. Babae at lalaki tila nag-uusap. Mamaya lang ay may lumapit sa kanila. Ang babae na kaninang may dalang sanggol. May dala pa rin siyang sanggol ng makalapit na siya dalawang tao. Napakunot ang aking noo at pinagsingkit pa ang aking mata dahil tila kilala ko ang dalawang taong ito ngunit hindi ang babaeng may bitbit na sanggol. Parang si Ma'am Corazon- "M-Mommy?" Napahinto ako ng magsalita si Neil. Napatitig na ako sa kanya at kita ko ang namumuong emosyon sa mga mata niya. Kita ko ang paghigpit ng kamo niya. "It was mommy." Rinig ko ang hinanakit sa kanyang boses. Napatitig muli ako sa screen. Ano ba iyang ginawa nila? Teka, at sino ang sanggol na iyan? Nakilala ko na rin ang lalaking kasama niya. Si Mr. Luke Johnson na ngayon ay hindi na nagpapakita sa mga meetings sa office. Bakit may kinuha silang sanggol sa ospital? Biglang tumayo si Neil. Mabilis siyang umalis sa upuan. "N-Neil, saan ka pupunta?" Sandali naman siyang huminto. "I-I already called kuya. Dadating rin sila mamaya. J-Just give him the envelope." Naiwan na lamang akong tulala sa opisina ng tuluyan na rin siyang mawala sa aking paningin. Napatitig muli ako sa laptop. Bakit gano'n ang laman ng USB na iyan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD