Fely's POV... "Fely..." muling tawag ni James. Dumekwatro ako at tinaasan siya ng kilay. "Unli ka boy?" Mabilis naman niyang naisara ang bibig at bumuntong hininga. "Fine. I'm sorry about that" Nagngingitngit ang ngipin ko. Sa totoo lang ay kanina ko pa siya gustong gulpihin kaso kailangan kong maging mabait. Mabuti na lang kahit papaano ay nahawa ako kay Juade na magkaroon ng pasensiya. Kabado siyang umubo bago bumaling sa akin. "Ahmm..gusto mo bang umorder ng pagkain?" Umiling ako. "Hindi. Magusap na lang tayo" Tumango siya, hindi parin nawawala sa kaniyang mukha ang kaba. "So.....bakit mo nga pala ako gustong kausapin? Kung makikipagbalikan ka muli, then sayang lang ang punta mo dito--" "No" kaagad na putol niya. "I'm not here to disturb you again and I'm not going to

