Juade's POV... "Mag ayos na kayo ni Fely parang awa mo na" Kumunot ang noo ko. Anong sinasabi nitong ex boyfriend ni Fely? Psh, kinaladkad niya ako papuntang gilid para lang sabihin yan. Hindi naman kami nagaway. "What are you saying?" Bumuntong hininga si James. "Ahm kasi may hininging favor sa akin si Fely" Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "So hindi ka niya napaglilihian?" Siya naman ang naguluhan. "Pinaglilihian?" Umiling ako. Mukhang hindi nasabi ni Fely na buntis siya. "Wala wala. So ano nga ulit yon? Anong favor?" Kumamot siya ng ulo. "I didn't mean to make you jealous. Katulad nga ng sinabi ko sayo kanina, humingi ng favor sa akin si Fely kaya naandito ako." lumunok muna siya bago muling pinagpatuloy ang sinasabi. "Sabi niya may alitan daw kayo kaya kung pwe

