HANNA’s POV Nagising ako sa mahina ngunit sunud-sunod na pagkatok mula sa pintuan. Ini-lock ko iyon kagabi bago ako matulog. Habang si Gino ay hinayaan ko lang matulog doon sa sala, sa couch. Pero mukhang siya ngayon ang nambubulabog sa tulog ko. Ang plano ko pa naman sana ay maaga akong aalis sa bahay, ngunit mukhang naunahan niya akong gumising. Bumangon ako sa kama at sinuot ang tsinelas ko. Nakasuot ako ng sando at shorts. Kahit hindi pa ako nakakapaghilamos ay tinungo ko na ang pinto para pagbuksan siya. At tama nga ako, siya ang naroon at kumakatok. Saglit nagtama ang mga mata namin pero ako ang unang nag-iwas ng tingin. Tinalikuran ko siya at humakbang ako papunta sa banyo, para maghilamos. Naramdaman ko rin ang yabag niya papasok sa loob ng kwarto. “Hanna.” Hindi ako sumagot.

