HANNA’s POV TATLONG BUWAN na ang lumipas simula nang isinama ako ni Gino pabalik sa bahay niya. Sa tatlong buwan na ‘yon ay maayos naman ang naging pagsasama namin. No fight. No issues. No other woman. At napansin ko na hindi na siya gabi-gabing umaalis para pumunta sa bar. Alternate na ang ginagawa niya. Kapag pumunta siya ngayong gabi, bukas hindi. Gano’n ang set up para may kasama raw ako sa bahay lalo na sa gabi. Naging maalaga rin siya sa 'kin. Mas naaalala pa nga niya ang schedule ko sa OB ko kaysa sa akin. Siya pa ang nagpapagayak sa akin para samahan ako. Hatid-sundo niya rin ako sa school at siya ang may gusto no’n. Hindi ko siya pinipilit. At may mga pagkakataon na lumalabas na kami para mag-date. Siya ang nagyayaya sa akin. At sa tatlong buwan na halos paghatid-sundo niya

