HANNA’s POV O___O Wait. What? “I used to be one. Pero anim na buwan lang ang itinagal no’n. Then, naisipan ko nang magtayo na lang ng business. ‘Yung bar ang kauna-unahan kong naipatayo. Then 'yung resort." “Ibig sabihin . . .” Hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa kaniya. Medyo shock ako. Ni hindi sumagi sa isip ko na dati siyang piloto. “—Mrunong kang mag-drive ng eroplano?” He nodded proudly habang nakangiti. “Yes.” “So, ibig sabihin din . . . nakarating ka na sa langit?” Bahagya siyang natawa, at mukhang alam ko na kung bakit. Because of my stupid question. “I mean, sa itaas. Sa ulap," pagtatama ko. Nakasakay na kami pareho sa eroplano noong nag-honeymoon kami sa ibang bansa after the wedding. But it’s shocking na malamang nakarating na siya sa ulap na siya mismo ang nagda-driv

