HANNA APRIL BRILLENTE Nang matapos kaming kumain ni Gino, naiwan ako sa kusina para maghugas ng plato. Siya naman ay nagpaalam na mauunang umakyat sa kwarto. Medyo nagtagal ako sa kusina dahil matapos kong maghugas ng pinagkainan ay nagwalis pa ako at nag-ayos ng tirang ulam sa ref. Saka ako lumabas para magtapon ng basura. Nang matapos na ako, saka pa lamang ako sumunod sa kaniya sa taas. Sa kwarto namin. At naabutan ko siyang nakatayo paharap sa bintana habang busy sa kaniyang cell phone. Bukas ang bintana namin kaya bahagyang nililipad ang kurtina roon na nakahawi sa magkabilang gilid. Nang isara ko ang pinto ay doon niya pa lamang ako naramdaman kaya napalingon siya sa akin. He smiled a bit. “Pahinga muna tayo. ‘Di ka p’wedeng mag-ride nang kakakain lang.” Pakiramdam ko ang namu

