Fourteen years ago… MINZY’s POV Hindi ko siya kilala, pero aaminin kong nakaramdam ako ng awa sa kaniya lalo na at nakahiga siya sa maruming semento, sa gilid ng kalsada at umiiyak. Hindi ko alam kung nananaginip siya. Malamang iyon dahil mukhang tulog pa rin siya. Hindi man lang kasi siya gumagalaw. Gusto ko siyang gisingin at kausapin pero medyo ninenerbyos ako. What if sindikato siya? What if nagpapaawa lang siya para makuha ang loob ko and then isasama na niya ako sa isang abandonadong lugar at— Paulit-ulit akong umiling sa ideyang iyon na pumasok sa isip ko. Iyon din ang nagtulak sa ‘kin para lumayo na lang. Trust no one, Minzy. Pero… Nilingon ko ulit siya at muli ay nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga bago siya tuluyang lapitan at gisingin. Hindi ko alam kung ano’n

