HANNA APRIL BRILLENTE Laglag ang balikat ko dahil wala akong masyadong nakuhang impormasyon kay Jake. Hindi ko alam kung pinagtatakpan niya lang ba si Gino dahil kaibigan niya si gago o totoo ang sinabi niya na wala siyang masyadong alam. Actually, may naisplok naman siya sa akin kahit papaano. Like, ‘yung pangalan ng ex nitong si miss nine years. Minzy. Iyon daw ang pangalan ng ex ni Gino na sobrang tagal daw nitong iniiyakan. Pero nang tanungin ko si Jake tungkol kay Minzy, hindi na siya masyadong kumibo. Ang sabi niya lang, siyam na taon daw na magkarelasyon ang dalawa at naghiwalay sila five years ago. Ang dahilan ng paghihiwalay na ‘yon ay hindi na binanggit pa sa akin ni Jake. Sabi niya, wala raw siya sa lugar para sabihin sa akin iyon. Hayaan ko na lang daw muna si Gino kung ka

