HANNA’s POV “Wow! It’s a girl!" Napatayo si Gino sa upuan niya at mas lalong nilapitan ang monitor. Tinuro sa kaniya ni doktora kung saan banda ang gender, pero kumunot ang noo niya at gano’n din ko. Hindi kasi namin pareho iyon ma-gets. But despite his furrowed eyebrows, his eyes filled with so much happiness, and excitement. For the first time in two months, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Ngayon ko lang nakitang masaya ang mga mata niya. Agad siyang lumapit sa kama na hinihigaan ko, hinawakan niya ang isa kong kamay and he planted a kiss on my forehead. “She’s going to be really beautiful, Hanna. Ngayon pa lang, sinasabi ko na, mas magiging mas maganda ang anak natin kesa sa anak ni Jake!" Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Para siyang batang nakikipagpustahan kung sino an

