HANNA’s POV ITO ang unang pagkakataon sa buhay ko na parang natakot akong pumasok sa sarili naming bahay rito sa probinsya. Dahil hanggang dito sa amin ay tila nararamdaman ko si Gino. I know he’s nowhere, but it feels like he’s everywhere. “Ano’ng gusto mong kainin?” tanong sa akin ni mama. Halos kararating lang namin. Nasa terrace pa ako at hindi pa tuluyang nakakapasok sa loob. Si papa rin ay nasa terrace pa, kasalukuyang naghuhubad ng sapatos habang nakaupo sa mahaba naming upuan doon. Simula kanina sa biyahe, nang tanungin ako ni mama tungkol sa mga narinig nilang pag-uusap namin ni Gino, at nang ipaliwanag ko iyon sa kanila ay naramdaman ko na ang ibang mood ni papa. Galit siya kay Gino. Ilang beses niyang minura si Gino habang nasa biyahe kami. Sinabihan niya rin ako na tama ang

