One month later . . . HANNA’s POV ANIM na buwan na ang tiyan ko. Kung tutuusin ay p’wede na akong magpa-ultrasound para alamin ang gender ng baby ko. Pero mas pinili kong hindi muna dahil noong nakaraang linggo lamang ay nag-message sa akin si Gino at gusto niyang magkasama raw kaming pupunta sa OB ko rito sa probinsya kung sakali man daw na mag-decide akong alamin na ang gender niya. Gusto niya na sabay raw namin iyon malalaman. Me too. Iyon din ang gusto ko. Pero pinanindigan ko ang sinabi ko sa kaniya na two months ang ibigay niya sa aking panahon bago niya ako dalawin dito. So far naman, sa loob ng isang buwan na lumipas ay hindi niya ako kinukulit sa texts. Oo, nagte-text siya at nangungumusta pa rin. Pero sobrang dalang ko siyang reply-an. Kapag sobrang importante lang. May mga

