HANNA’s POV ANG huling tatlong crying emoji ni Luna ang halos hindi nagpatulog sa akin nang maayos. Kaya naman ngayon, halos hindi na ako mapakali. Hindi na ako makapaghintay na masundo siya sa kanila at isama rito sa bahay namin para makakuwentuhan. Ang totoo, ginawa ko lang dahilan ‘yung aso niya. Hindi naman talaga iyon ang gusto kong kausapin kun’di si Luna mismo. I was worried about her. It feels like something is off. Alas dies ng umaga ko siya pinuntahan sa kanila. Nagpasama ako kay Ate Ivy since parang kilala naman siya ni Luna. Nagtataka pa nga si Ate Ivy kung bakit gusto ko itong isama sa amin. Sabi ko na lang, susubukan kong kausapin nang kami lang. Tutal nasa bayan na si mama at papa, nasa grocery store namin. Baka sakaling magsabi sa akin si Luna kung kakausapin ko siya na

