HANNA’s POV USUALLY, pagdating ng seven ng gabi ay nasa bar na si Gino, pero kanina ay alas-otso ng gabi na siyang umalis sa bahay dahil siya ang nagluto ng hapunan namin. Kunsensya niya dahil hindi ko maikilos nang mabuti ang kaliwang kamay ko gawa ng sugat kong natamo sa pako. At habang kumakain kami kanina, sobrang awkward ng atmosphere. Halos hindi kami nagkikibuan, pero sinusulyapan niya ako at ang kamay kong nakabalot sa medical cloth, saka siya magbubuntong-hininga at muling bubulong para humingi ng sorry. Ilang beses niya iyon ginawa. Sa tuwing susulyapan niya ang kamay ko ay kasunod na agad ang salitang I’m so sorry. Habang nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame at nag-iisip, narinig ko ang pagtunog ng cell phone ko. Notification iyon sa f*cebook kaya agad kong tsinek. At m

