“WHAT’S this?” gulat na tanong ni Spencer matapos niyang ibigay dito ang relo na binili niya. “Wristwatch.” Matapos magpahinga at maayos ang gamit. Saka pumunta si Isla sa apartment ni Spencer para sabay silang mag-dinner at ibigay na rin ang mga pasalubong niya dito. “Alam ko pero bakit ka bumili nito? Ang mahal nito!” Inangat niya ang suot na relo na regalo din nito. “Bakit? Mahal din naman ‘to ah.” “Kahit na, birthday mo naman ‘yon.” Bumuntong-hininga siya. “Ayaw mo ba? Ibebenta ko na lang,” banta ni Isla, sabay agaw ng box ng relo. Agad nito iyon binawi. “Hindi, gusto ko.” Natawa siya nang isuot nito iyon. Pagkatapos ay ngumiti at niyakap siya. “Thank you. I appreciate i

