NANG lumabas siya mula sa arrival area, agad nakita ni Isla si Spencer na naghihintay. Agad siyang sinalubong ng ngiti nito pagkakita sa kanya. Nang makalapit, nagulat pa siya ng yakapin siya ng mahigpit nito. “Welcome back.” Natawa siya at gumanti ng yakap. “Thank you. Pero in fairness sa pa-welcome back mo, parang ilang taon akong nawala,” biro pa niya. Bumitaw ito at kinuha ang luggage niya. “It feels exactly like that.” Habang nagmamaneho, panay ang kuwento ni Isla sa mga naganap sa booksigning tour niya. Maging ang bonding nila ni Sibby ay kinuwento rin niya dito. Hanggang sa mapansin niya na tahimik lang ito. “Hoy, bakit hindi ka kumikibo diyan? Kanina pa ako kuwento ng kuwento dito. Hindi ka naman yata

