WHILE watching TV, panay ang sulyap ni Spencer kay Isla na abala sa pagpe-painting ng mga sandaling iyon. Naroon siya sa apartment nito, bagay na nakagawian niya. Kapag walang pasok, madalas silang tumambay sa apartment ng bawat isa. Madalas ay sabay din silang kumain. That became their routine since the day they promised to get through the tough days together. Isla is such an amazing woman, iyon ang isang natuklasan niya sa pagkatao nito. Noong una, ang akala niya, ito ang tipo ng fan na mangungulit. Pero hindi, sa halip, medyo ilag pa nga ito sa kanya noon at palaging nahihiya kapag nasa paligid siya. Mas naging close pa ito sa yumao niyang asawa. Pero ngayon na sila na lang dalawa, mas naging close at mas nakilala niya ito. Napaka-simpleng babae ni Isla

