IRIS' POV "IRIS!" bulalas ni Steve at halatang gulat na gulat talaga s'ya. Pero mas nagulat ako! Akalain mong maalala ako ng mokong na 'to? "Where have you been?" tanong n'ya pero hindi ko pa rin s'ya sinagot. Gusto ko lang titigan ang mukha n'ya mula sa salamin. "Ano'ng nangyari sa inyo? Bakit hindi na kayo nakabalik?" Nang hindi pa rin ako sumagot ay pinaandar n'ya uli ang sasakyan. Akala ko ay sa kung saan kami pupunta pero dinala n'ya lang ako sa isang malapit na park. Nagmamadali s'yang bumaba at parang torong nakakita ng kulay pula. Now, I'm dead! Salubong ang kilay na binuksan n'ya ang pinto ng sasakyan sa kinauupuan ko. "Lumabas ka nga riyan dahil mag-uusap tayo." Sinunod ko naman ang gusto n'ya. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid at hinayaan ang panggabing hangin na du

