NYX's POV "May balita na ba kay Nicole?" Si Autumn ang tinutukoy ko. Wala na kasi akong balita galing sa kanya kung ano na ang pinaplano ng taga-Monstré. Umiling si Yuwi. "Natanong mo na ba ang kapatid mo?" Sasagot na sana ako nang biglang lumitaw ang dalawang bampira sa harap naming tatlo! Kapag ganitong mga pagkakataon ay kusang kumikilos ang katawan naming nga lobo. Susugurin ko na sana ang dalawa nang sawayin ako ng kararating lang din na si Iris. "Don't! They're with me," mahina ang boses na saad niya pero hindi ko pa rin ibinababa ang sandata ko. "Nyx, please." "What happened to you?" Nag-aalala ako sa kalagayan ni Iris ngayon, may mga hindi pa naghihilom na sugat sa braso at kamay niya. May isa pa na mahabang pantal. "She found her weakness." The white-haired guy answered my

