Chapter Thirteen

1246 Words
Anastasia PoV: "Hayss! Sa wakas oras na ng uwian!!" Tanging nasambit ko at napa inat pa nga ako. Kakatapos lang namin mag linis sa isang restuarant isa na namang weekly routine namin ni Melisa tuwing martes. "Oo nga, kaylan ba tayo yayaman?" "Hahaha baliw na naman to." Yumupos naman ito sa braso at nag pabigat pa nga ang pasaway. Siguro lantang lanta din dahil sa pagod. "Mag asawa na lang tayo ng kano." Bigla ko naman "Sira ka!! ang mahalaga maging masipag at tiyaga lang ang kaylangan natin, basta't nagtutulingan tayo at nagtatrabaho nang maayos, malay mo, baka isang araw ay magtagumpay tayo sa ating mga pangarap." Napatingin naman ito sa at inangat pa nga nito ang gilid ng kaniya labi. "Woww ha!! Saan mo naman nakuha iyang mga salita na iyan. Napulot mo ba iyan dito sa tabi-tabi, asan meron pa ba?" alam ko na naman ang pi point nito. At kunway nag hahanap pa nga ang loka loka. Diba di po siya okay na kausap may pag ka salitik po talaga siya. "Alam mo' ang saltik mo talaga hahah." "Palit na tayo ng damit, meron daw bagong Cookies Shop sa bayan try natin baka masarap." Naku po mababawasan na naman po ang aking isasahod ko dito. sa isip ko naman "Wag kang mag alala ako na! Di po mababawasan iyang sahod mo. Libre na po kita." biglang sabi naman nito na nahalata naman ang pag kawalang imik ko bigla. Nag madali na nga kaming mag palit ng damit. At nang makuha namin ang sahod sa visor namin. Agad naman na nga kami nag tungo sa sinasabi niyang bagong bukas na cookies shop. "Jusko dhay!! Ang haba naman ng pila." "Bibili parin ba tayo?" "Oo nandito na din naman tayo, tsaka parang ang bilis lang din nila mag bigay ng order's sa mga costumer oh." at hinila na nga niya ako papunta sa pilahan, para makipila na din kami. Halos isang oras na pila. At sa wakas kami na ang sunod. "Ayys!! kaya pala mahaba ang pila dahil buy 1 take 1 pala ehh." "Opo ma'am." "Bale' lahat na po bang flavor pwede?" tanong ko naman "O-opo ma'am" sagot naman nito at iwan ba't kakaiba ang mga titig ng mga to sa akin. Di ko naman ma iwasan na makaramdam ng pag ka ilang. Kaya kinalabit ko na lang si Melisa at siya na ang hinayaan kong mag order, tutal naman libre niya naman ito. Habang abala si Melisa sa pag pili ng mga flavor ng cookies. Na aaninag ko naman sa sulok ng mga mata ko ang isa sa staff na naka titig parin sa akin, kaya lumingon naman ako bigla sa kaniya para huliin iyon at sabay nginitian ito. Ang pag lakihan naman ng mga mata nito. "Oh' Ito sayo Tasia." biglang abot naman sa akin ng dalawang box. "Thank you ng marami sa libre." "Hoy!! Anong libre pinag sasabi mo diyan naka lista po lahat ng mga binibigay ko sayo no!!" Natawa na lamang ako at siya naman pinandilatan lang ako ng kaniyang mahiwagang mga mata. Hahahah "Tingnan mo kasi ng maiigi Kamukha niya diba?!" Rinig naman na sabi nung babaeng staff at pag lingon namin sa kanila sa aming dalawa ito nakatuon ng tingin, iwan sa amin o sa may likuran namin. Kaya di na namin sila pinansin sa halip nag lagad na kami para maka alis na sa pila pag kabigay nito ng sukli kay Melisa. "Napano ka ba at panay lingon lingon kong saan?" iritang sabi naman ng isa na'to. Tumambay muna kami dito sa may park kung san malapit din yong Cookies shop. Para matikman na nga namin. Kaya din siguro pinilahan din talaga kanina bukod sa buy 1 take 1 sila eh masasarap pa ang mga to'. Napa buntong hininga naman ako dahil kanina pa ako lingon doon, lingon dito. Hinahanap ko kasi yong dalawang batang pulubi nakita ko kasi itong nanghihingi ng pag iba don sa mga naka pila sa cookies shop. Kaya balak ko sanang ibigay ang isang box sa kanila "Hinahanap ko kasi yung dalawang bata." "Ha? Bakit naman?" "Basta" at ayan na nga nakita ko na nga sila sa di kalayuan sa amin. Agad naman ako kumaway dito "Mga bata!!" tawag ko dito at nag tabuhan naman ito papalapit sa amin. "Oh' para sa inyo to hati kayo ha, kanina ko pa kayo hinahanap eh. Mag kapatid ba kayong dalawa??" "Opo" "Maraming salamat po ate." Ate?!!! may bigla um-echo naman sa kabilang side ng tenga ko ngunit ibang boses ng babae, na biglang pag kunot naman ng noo ko. Tumingin pa ako kay Melisa kasi akala ko siya, ngunit abala ito sa kakanguya. "Salamat po ulit" agaw naman ng atensyon ko nung batang maliit. Ngumiti na lamang ako dito. "Ang bait naman" sabi naman ng isa na'to "Sige ka kunin kana ni Lord." "Hoy!!!" sa gulat ko naman "Hahahha biro lang!!! Biro lang!!" * * * Habang nag lalakad ako patungo sa aming bahay, ang bawat pag hakbang ko, pakiramdam ko'y pabigat naman ng pabigat. Hanggang sa makarating na nga ako sa amin. Laglag balikat akong pumasok. Bukod kasi sa pagod sa school at trabaho sa restuarant. Nakakapahina pa ng buo kong katawan nang papasok ako sa bahay na ito, iwan ba't iyon ang aking nararamdaman simula nung narinig ko ang usapan nila mama at papa kaninang umaga. Para bang hindi na ako welcome dito sa tahanan na ito. Ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko ngayon nagiging mas mabigat pa dahil sa mga kinikilos na ni Mama ngayon, habang patagal ng patagal umiiba na pakikitungo nito sa akin. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kahirap itaguyod ang sarili sa gitna ng mga responsibilidad sa buhay. Nadatnan kong nasa sala silang tatlo. Ngumiti ako sa kanila, pilit ko parin tinatago sa kanila ang kalungkotan na nararamdaman ko. "Ma, Pa meron po akong pasalubong sa inyo." sabi ko naman at pinakita ang dala dalang isang box ng cookies. Kita ko naman ang pag katuwa ni Papa at ni Kuya Felix, ngunit si Mama walang ekspresyon sa mukha niya. Pero yung ngiti ni Kuya Felix biglang nawala, nang makita niya ang cookies na hawak hawak ko. Bakas ang pag ka gulat sa kaniyang mukha. "Bakit kaya?" sa isip ko Lumapit na nga ako, habang papalapit na ako sa kanila nasisilayan ko naman si Kuya Felix na para bang may kakaibang ekspresyon sa kaniyang mukha na parang may gusto itong itanong sa akin. Di ko na lang ito pinansin lumapit na ako kila Mama't Papa para magmano. Sa kabila ng pagmano ko kila Papa, pansin ko parin ang pananahimik ni Kuya Felix ngunit nakatutok parin ang kaniyang mga mata sa cookies na hawak hawak ko. "Pa' lagay ko lang po ito sa plato, meryenda po tayo." naka ngiting sabi ko. "Sige Nak, mukhang masarap iyan ah ang bango pa." "Saan mo nabili iyan?" tanong ni Kuya, Ayon di na makatiis na di mag tanong. "Sa bayan Kuya, may bagong bukas pong cookies shop don." Di na ito umimik, ngunit nakatuon parin siya sa cookies na hawak hawak ko. Bakit na naman kaya??" "Kumain ka na ba anak?" si Papa "Tapos na po" Si mama naman ay tinuloy na lamang ang kaniyang panonood. Nakakaramdam na ako ng sakit sa tuwing ganyan na si Mama sa akin, na mas lalo naman akong nahihirapan sa bawat sandaling ganito kaming dalawa. Nararamdaman ko na naman pag ngingilid na naman ang mga luha ko. At biglang pag sikip naman ng dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD