Anastasya PoV:
Nanatili lamang akong tahimik habang binabaybay namin ang daan at naka dungaw sa bintana na hinahayaang humampas ang hangin sa mukha ko. Kahit papaano nakatulong na alisin ang kirot na nararamdaman ko ngayon.
Si kuya Felix naman naririnig ko naman na naka ilang beses nang pag buntong hininga nito, mukhang kumukuha muna siya ng bwelo bago niya ako kausapin.
Ngunit hindi pa rin ako nag sasalita, siya na lang ang inaatay kong basagin ang katahimikan naming dalawa.
"Hmm' about kanina huwag mo sanang mamasamain ang mga sinabi ni Tita ha." at ito na nga, sabi ko na nga ba na alam niyang na narinig ko ang usapan nila mama at papa.
Nananatili parin akong walang imik, naramdaman ko naman ang biglang pag bigat sa paligid ko. Oh ang damdamin ko lang ata at gusto ko lang talagang umiyak at humaguhol na kanina ko pilit itong pinipigilan.
Bigla naman nitong hininto ang sasakyan sa tabi. At hinawakan niya naman ako sa magkabilang balikat ko upang humarap ako sa kaniya, ngunit napayuko na lamang ako dahil ayokong makita niya akong umiiyak. Umiyak na nga ako kagabi tas ngayon iyak parin.. apakaiyakin ko kasi ehh!!
Sa kabila ng pagiging tahimik ko, ramdam ko na ngang ang pag patak ng mga luha ko sa pisngi, hindi ko na kaya pang itago.
"Look at me Anastasia... alam kong... alam kong medyo maselan ang usapan nila kanina, kaya sana'y huwag mong bigyan ng mabigat na kahulugan ang mga salitang binitiwan ni Tita Marina."
"Ano ba kasi... ano ba ang nangyari sa akin?... Gusto kong malaman Kuya Felix kung ano nga ba ang nayayari bakit... bakit ganon na lang sila kung pag bawalan akong pumunta sa malayo, pumunta doon, mapapunta man kung saan... lalo na sa Maynila?!"
Napa buntong hiniga na naman ito. At tila nag iisip pa ng sasabihin. Mga ilang sigundo pa.
"Iniisip lang nila ang kaligtasan mo Tasia, kahit hindi man nila itong madalas nasasabi sayo, alam ko at ramdam ko ang pag mamahal at pag mamalasakit ang bumabalot sa kanilang mga kinikilos at pangarap para sayo."
"Para sa pangarap ko? Eh iyon nga pangarap kong mag pinta sa isang gallery sa Maynila. Hindi nila ako pinapayagan, at ilang beses na silang ganon sa akin Kuya huhuhu." hagulhol ko na nga diko na mapigilan ang damdamin ko.
Biglang niyakap naman niya ako, hinimas himas ang aking likod.
"Nag aalinlangan lang sila tita dahil sa kanilang pag aalala at pangangaba para sayong kaligtasan. Gusto lamang nilang mapanatili kang ligtas."
Umangat naman ako ng tingin sa kaniya.
"Bakit... bakit ba kasi Kuya ano ba kasi ang nangyari sa akin at ganon na lamang kayo sa akin kung mag alala ay sobra? Na aksidente nga ba talaga ako o sinadyang ma aksidente ako?"
Biglang di naman ito di naka imik at umiwas ng tingin sa akin. Sa halip Inistart na lang niya ulit ang makina ng sasakyan.
"Kuya Felix?" tawag ko naman dito
"Saka na tayo mag usap tungkol diyan, male late kana diba?"
Biglang lakihan naman ng mga mata ko at napatingin pa ako sa relo ko.
"Ayytt! oo nga pala dali kuya bilisan mo malalagot na naman ako sa prof ko nito eh!!"
"Ang daldal mo kasi eh!" natatawang napapailing na sabi naman nito.
Gusto ko na nga din sanang e kwento sa kaniya yung mga napapanaginipan ko ngunit dahil nga kanina. Nakalimutan ko na tuloy e kwento dito.
Hanggang nga sa makarating na kami sa school. Madaling paglakas ko ng kotse niya..
"Kuya ba-bye na ingat sa pag uwi!!" sigaw ko na lamang dito.. At lakad takbo ang ginawa ko upang makarating sa room namin.. Sakto naman pagpasok ko kakalapag lang ata ni Sir ng mga gamit niya sa lamesa.
"Peww!! muntik na naman sana masermonan"
"Muntik na ah'... muntik ka ng masermonan na naman ni Sir hahahah." syempre ang loka loka kong kaibigan na naman na si Melisa. Pinandilatan ko naman ito ng mga mata ko, at ginaya niya din naman ako.
"Okay ka lang ba Tasia?" biglang tanong naman ni Milesa.
Kakatapos lang namin sa huling Lecture namin kaya nandito kami ngayon sa Canteen kumakain.
"Ha?!! ahmm' oo ayos lang ako." sabay subo
"Hmm' hindi ka okay... kilala kita uyy!! Napapansin ko na naman iyang mga mata mong pilit na naman tinatago iyang kakaibang bigat na titig."
Hayss! di ko din talaga pwedeng itago dito sa best friend ko ang kalungkotan na nararamdaman ko.
Humugot muna ako ng malalim na pag hinga at napayuko na lamang ako. Dahil ramdam ko na naman na unti-unti nang nagsisiunahan ng mga luha sa aking mga mata.
"Hmm' parang hindi yata ako makakasali sa competition, Melisa." malungkot na sabi ko.
"Ano?!!.. Sayang naman!! Bakit?!!" tanong niya, napa angat naman ako tingin sa kaniya at kita ko naman ang panghihinayang niya.
"Mukhang di na naman ako papayagan nila mama at papa." ani ko
"Na naman?!! Bakit naman nila ginagawa sayo iyan lagi na lang silang tumututol sa pagtahak ng landas para sa pangarap mo." "
"Aray sobrang lalim naman ng salita iyan" sa isip ko
Nag kibit balikat na lamang ako. Biglang pag hampas naman nito sa balikat ko.
"Aray ang sakit naman non!!" inda ko naman habang hinihimas himas ko ang balikat ko.
"Ano ka ba?!! Hahayaan mo na lang ba sila na laging ganon sayo?!!"
"Hmm, nirerespeto ko lamang po ang kanilang mga desisyon." sabi ko na lamang, bagamat mayroon paring bahid ng pang hihinayang at kirot sa puso ko.
Wala eh, kaylangan ko parin unahin ang pag sunod ko sa kanila, bilang pagpapakita parin ng pag unawa sa kanila.
"Na naman?!! Ipilit mo na iyan Anastasia dahil sayang ng lahat ng pinag hirapan mo!"
"Hmm try ko parin silang kausapin."
"Isama mo ako, ako ang kakausap sa kanila. Ah hindi tara na puntahan na natin sila ngayon!!" matapang na sabi pa nito na kinalaki ko naman ng mga mata dahil tumayo nga ito at kinuha ang kaniyang bag.
Naku po seryoso nga talaga siya.
"Hoy!! Wag na!! Ako na lang... Baka awayin mo pa sila eh!!..." habol ko naman sa kaniya
"Kakausapin laang eh!" sabi pa nito
Biglang napahawak naman ako sa kamay niya upang pigilan ito.
"Hindi ako na lang Melisa hmm."
"Tsskk!! Sige na nga lang. Pero kapag hindi ka parin nila pinayagan ako na kakausap sa kanila hanggang sa mapapayag ko sila."
Bahagya naman akong tumango.
"Kasi sayang na naman ang opportunity kapag di mo pa nakuha iyan."
Bigla ko na lamang itong niyakap, na kinagulat naman niya.
"Thank you talaga at meron akong kaibigan na katulad mo." sabi ko, ngunit pinagtataka ko parang nangyari na itong eksena na ito dati pa.
"Sus!! nang bola pa nga ang loka loka na'to. Alam mo namang para iyan sa pangarap mo at kapag yumaman kana saka na kita huhuthotan para yumaman akong ng walang kahirap hirap diba mind set ba... mind set hahahah!!"
"Ayon don ako nalugi ng 10 hahahah." ang ingay na nga namin sa canteen dahil sa tawanan naming dalawa.
Ang sarap lang din talagang meron kang kaibigan. Biyaya at nagbibigay ng saya at pag susuporta sa isa't isa.