Chapter Eleven

1179 Words
Anastasia PoV: Anong lugar na naman ba ito?!!!! Malabo ang paningin ko maraming taong nakapalibot sa akin, kinuyos ko pa ang mga mata ko ngunit di ko alam kung paningin ko nga ba oh sila na tanging parang mga naka blurd silang lahat. "Siya nga!!" "Siya nga!!!!" "Siya nga!!!" Lahat sila iyan ang naririnig kong binibigkas nila ng paulit ulit. Hanggang sa palakas na nga ng palakas ang mga boses nila na nakaka bingi naman sa pandinig ko. "Aahhhh!! Tumigil na kayo!!" sigaw ko naman at napa upong tinakpan ko ang mga teynga ko. Maya maya pa isa isa naman itong nag siwalaan na parang bula. Ngunit may isang lalaki naman ang papalapit sa akin. Na isa din na di makita ng maayos ang kaniyang mukha, pero ang pinag kaiba sa kaniya ay yung para bang nasisirang system na nag e-error dahil nag-hihiwa hiwalay ang buo nitong katawan. Ang kanyang mga mata ay nag lalabas ng kakaibang nakakasilaw na ilaw, at parang ang bawat hakbang niya ay nagdadala ng kakaibang hangin ng tensyon sa paligid ko. Kaya napayakap naman ako sa sarili ko. Ang pag hakbang ko ng paatras naman sa tuwing siya'y papalapit sa akin, mas lalong naman bumilis ang pag kabog ng dibdib ko at panginig ng buo kong katawan na bumabalot sa akin, tila isang palaisipang hinahanap ang kanyang pag kakakilanlan. Sa kabila ng kanyang malabong anyo, tila ang bawat bahagi ng kanyang katawan ay sumasalamin ng misteryo at kakaibang enerhiya. "Si- sino ka?!!" nginig na boses kong tanong dito, ngunit nag patuloy parin sa pag hakbang nito papalapit sa akin, na mas lalo ko naman binilisan sa pag hakbang ko pa atras. "Hu-wag!!.. huwag kang la-lalapit!!" ang pag angat ko naman ng mga kamay ko upang silbing harang ko sa pag lapit niya sa akin, ngunit ang gulat ko naman ng parang hangin lamang itong lumagpas sa akin. "A-anong??!!" Biglang litaw naman ng isang babae na nasa likuran ko halos naka handusay sa sahig. Di ko alam kung kanina pa ito na andito. "Huwag!! huwag kang lalapit!! please!!" sabi naman nito at tela ba ako naman ay nanonood na lamang sa kanilang dalawa. Dahil hindi pala ako ang puntarya nitong lalaki na ito kundi itong babaeng naka upo na sa sahig, nilingat ko naman ang paligid namin ang biglang pag babago naman ng kapaligiran namin na parang nasa isang bahay na kami. Ramdam na ramdam ko na talaga ang bigat at kakaibang tensyon dahil sa mga eksena na ito. Ang buong kwarto ay parang binabalot ng misteryo, at sa bawat sandali ay punung puno na ng tensyon na parang tila may lihim na nagtatago sa bawat sulok ng kwarto na ito. At napayakap pa ako sa sarili ko dahil sa pag biglang pag hangin naman sa buong paligid namin na nag dadala ng kakaibang aura na parang nag papahiwatig ng mga hindi pa nahahayag na pangyayari. At unti unti din pag sabay din ng dalawang katawan na ito sa hangin hanggang sa nawala ang mga ito. Kringg!! Kringg!! kringg!! Biglang pag alarm naman ng cellphone ko. Sa pag kakarinig ko ng tunog ng alarm, bigla akong nagising. Parang bumalik ako agad sa katotohanan mula sa kakaibang mundo ng aking mga panaginip. Ngunit ang kakaibang nararamdaman ko na dulot ng mga nangyayari sa panaginip ko ay nanatili sa aking isipan. Kaya napa hilot pa ako sa aking sintido saka dahan dahan bumangon umupo muna ako sa gilid ng higaan at pilit kong binabalikan ang mga bahagi ng aking panaginip. "Sa bawat pag lipas ng oras at panahon, mukhang mas lalong lumalaki ang bilang ng mga karakter sa mga panaginip ko." sambit ko habang hinihilot ko pa ang sintido ko. "Yung dalawa tao na iyon sinu sino naman kaya sila,." Naiintriga ako sa dalawang iyon kung sino-sino ang mga ito at kung anong papel ang kanilang ginagampanan sa kakaibang mundo ko. "Ang dalawang misteryosong nagpapakita, na para bang nagiging sentro ng aking atensyon, at gusto ko nang alamin kung ano nga ba ang kanilang koneksyon sa kakaibang kwento ng aking panaginip at ba't ako na andon, hindi kaya... Kring!!! kring!! kring!! "Ay palaka!!" sobrang gulat ko naman dahil biglang nag alarm ulit ang cellphone ko. Kinuha ko na nga ito para e off sa kakatunog at para din ma check kung anong oras na. "Naku po late na ako!!" sambit ko at mabilisang asikaso at ligo naman ako. At Madaling pag hakbang ko naman pag baba ng hagdan. "Kaylangan na natin siyang pakawalan dahil sa ginagawa natin sa kaniya, mas lalo lang natin siyang pinapahirapan mas lalo nating tinatali ang leeg niya dito." bigla naman akong napa hinto, dahil sa na rinig kong sabi ni Papa "Hindi naman natin siya tunay na anak kaya mas mabuting paalisin mo na lang siya dahil kapag nagka problima pa madadamay pa tayo" "Aray!! hindi naman masyadong masakit iyon!! tagaos laang hanggang likod ko" sambit naman sa isipan ko at napahawak pa nga ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko parang may tumusok na kung anong matulis na bagay dito, masakit po kasi. "Marina iyang bibig mo baka marinig ka ng anak mo!!" "Eh.. paano kung mangyari na naman ulit yong aksidente na nangyari nung nakaraan taon?" Teka ano daw? Aksidente? Sino?.. Yung aksidente ko ba ito last year?.. "Anastasia gising ka na pala, tara almusal na tayo." ang biglang pag sulpot naman ni kuya Felix na di ko napansin na nasa likuran ko na pala ito. "Ka-kanina ka ba diyan kuya?" "Hmm hindi naman, tara kain na tayo." umakbay pa nga ito sa akin "Ahmm' sa school na lamang po ako kakain kuya Felix late na po kasi ako" sabi ko na lamang at pilit kong pinipigalan na huwag gumulo ang mga luha ko. Na halata din siguro agad ni kuya na narinig ko ang usapan nila dahil di ko mapigilan na malungkot ang pag kakatuno ng boses ko. "Hmm hatid na kita" sabi naman nito. Bahagya naman akong tumango lumapit na muna ako kila Papa para mag paalam. Di naman ako nag pahalata na narinig ko nga ang usapan nilang dalawa ni Mama. "Papa pasok na po ako." halatang na bigla din ang ekspreyon ng mukha nito, naisip siguro ni papa na narinig ko ang usapan nila. "Kumain kana muna anak." "Sa school na lang po Papa nag mamadali na din po talaga ako." "Ahh ganon ba, oh heto pinagbalot ka ng Mama mo ng Sandwich kainin mo iyan habang nasa byahe kayo ha para magkalaman ang sikmura mo kahit papano." inabot niya iy "Opo pa, thank you Mama sa sandwich." lumapit din ako dito para humalik din sa pisngi niya ngunit pasimpling umiwas naman ito. Ngunit nag pumilit parin akong makahalik sa kaniya. Pag katapos nag patiuna na akong humakbang palabas. Dahil ramdam kona na mahapdi na din talaga ang mga mata ko na gusto na kumawala ng mga luha ko. "Alis na po kami Tito." Rinig na naman na paalam ni Kuya Felix. Ang sakit naman.. habang tumatagal lumalabas na ang tunay na kulay ng bahay na tinitirahan ko... na para bang padilim na ito ng padilim..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD