Chapter Ten

1090 Words
Anastasia PoV: "Kuya pag isipan mo na kung paano mo makukumbinsi sila mama." "Ayon!' Doon ako nagka problima, ako pa pala talaga ang mag iisip sa bagay na iyan." "Eh' syempre ikaw yong mag papaalam para sa akin ehh." may pag taas taas pa nga ng kilay kong sabi sa kaniya. Umangat naman ang gilid ng labi niya at inirapan ako. "Hello! ang hirap din po kayang mag isip kong ano idadahilan ko sa kanila." Biglang di naman ako maka imik at napa isip pa tuloy lalo. Napa buntong hininga na lamang ako. Dahil naramdam na naman ako ng pagka pangamba. "Tama ka nga kuya, medyo mahirap nga ang sitwasyon ko na ito. Kailangan ko din talagang mag-isip ng mabuti kung paano ko sila mapapayag." "Pero kapag ikaw na ang mag sasabi sa kanila tiyak na papayag ang mga iyon.Tsaka kasama naman kita doon sa maynila, diba?" Iwan ko ba, ba't biglang naging blanko naman ang mukha nito. "Pero parang kailangan ko rin sigurong mag handa ng tamang panahon at paraan para makumbinsi sila. Tyaka hindi ako pwedeng sumama sayo don." seryosong sabi nito na pinagkunot noo ko naman "Ngek!! bakit naman?" "Basta?" "Bakit nga?!" "Mag pa hinga ka na nga lang napaka daldal mo!" Sumimgaot naman ako at inirapan ko pa nga ito. "Sige na ako na lang ang kakausap kila Tita, matulog kana ginugulo mo pa ang pag iisip ko kung paano ko ba kakausapin sila tita eh!" sabi naman nitong tulak tulak ako papasok, hanggang sa makarating kami ng kwarto ko. "Good night kutong lupa, hmmm isa ka talagang kasing liit ng kuto na pino problima ko." Natawa naman ako sa sinabi niya, sanay na kasi ako na lagi niya iyon binibigkas ang mga katagang iyon. "Kuya ha' galingan mo" sabi ko naman na nasa pinto na ako ng kwarto Tumango naman ito, at pag sara ko naman, ngunit binukasan ko ulit ang pinto naka ilang hakbang na ata ito pag hinto niya naman at walang balak na ata lumingon sa akin. "Kuya Felix, Fighting!!" "Aba't tong-!!" saka ito lumingon na bigla ko naman sinara ang pinto, mahirap na baka masakal na ako nito. Si Kuya Felix na daw talaga ang naka gisngan kong bilang kuya sa buhay ko iwan iyon ang sabi nila Papa. Kasi bakit may DAW sa sinabi ko at bakit di ko alam? Na aksidente daw po kasi ako last year at nagka amnesia. Talaga as in lahat lahat nakalimutan ko. Hep!! balik na tayo kay Kuya Felix! Pamangkin po talaga siya nila Mama at Papa na kakarating lang din po ngayon galing Italy doon kasi siya nag tatrabaho kaya bwunan or taon bago siya makakauwi dito. Pero kila mama at papa na din daw talaga lumaki ito kaya parang mag kapatid na daw talaga ang turingan naming dalawa. Nung nag papagaling pa ako mula sa pagkaka aksidente ko, iniwan niya ang trabaho niya sa Italy para lang mag stay muna siya dito para alagaan lamang ako hanggang sa gumaling ako. Kaya siya na din talaga ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, bilang KUYA po ha." At bukod sa sobrang bait nito pinaka-maaasahang pa ito, na laging nandiyan para sa akin, higit pa sa kanyang kabaitan, nakakatuwa rin ang kanyang matalinong payo kapag problima na din ang pinag uusapan naming dalawa. Pati na rin sa kanyang walang-sawang pagmamahal at suporta sa akin, sa ibang bagay nga lang, pero isa din talaga itong tumututol kapag Maynila na ang usapan namin buti nga ngayon napa oo ko na ito. Na hanggang ngayon pala isipan parin sa akin, ano bang meron sa maynila at ganon na lamang sila kung tumanggi na huwag akong papupuntahin doon. Ayyttss!! sana mapapayag nga ni Kuya sila mama. Please... please.. please Lord!! bigay niyo na po sa akin tong opportunity na'to please po. Sana naman pumayag na sila mama at papa. Pabagsak na humiga ako sa kama, at nag pagulung gulong dito. Sa kakalikot ko nalaglag ko pa nga ang bag kong naipatong ko lang dito sa higaan. Agad ko naman kinuha ito ngunit di ko napansin na naka bukas pala kaya naglalaglag tuloy isa isa ang mga laman nito. Kaya isa isa kong pinulot ang mga ito, at nakita ko ang librong hiniram ko sa library na tungkol sa Reincernation. Dahil sa sobrang curious ko about sa Reincernation. Sumaglit din ako kanina sa library para nga humiram ng libro tungkol sa Reincernation na Lesson namin kaninang umaga "Oo nga pala babasahin pa kita" Inumpisahn ko na nga mag buklat buklat muna ng iilang pahina upang tingnan muna ang mga imahe na nasa libro. Ngunit nakakailang buklat pa nga lang nga ako, di ko naman maiwasan na hindi kilabotan sa mga imahe na mga nakikita ko sa libro na ito. Pero hindi ko pa ito binabasa ha pano pa kaya kapag binasa ko na ito. Napa hikab na nga ako sa antok. "Ayyss!! bukas na nga lang kita babasahin, inaantok na ako eh." Ni relax ko na nga ang isipan ko para makatulog na din anong oras na din kasi. Pero nakaramdam na naman ako ng kaba dahil sa mapapanaginipan ko na naman ngayon. Baka yong babaeng maputi na naman ang mag papakita sa panaginip ko huwag naman po sana. "Jusko Lord basta kayo na pong bahala sa akin ngayon gabi." * * * Third Person "Siguradohin mong hinding hindi makakatungtong iyang babaita na iyan dito sa siyudad!! Dahil kapag hinayaan mo iyan! tiyak na sa pangalawang pagkakataon kabaong ulit siya babagsak!" "Pwede ba!!... Manahimik ka na nga lang!!... Tigilan mo na si Anastasia!! Hindi siya si Lexien na kaaway mo!!!... Isa lamang siyang inosenteng babae na kamukhang kamukha lamang ni Lexien!!" "Ki hindi o siya man kaylangan parin siyang mawala dito sa mundo na'to!" "Nahihibang ka na nga talaga!!" "Talaga!!! dahil sa kaniya nag kanda leche leche ang buhay ko sa hayop na babae na iyon, na ang akala ko magiging okay na dahil patay na!! Iyon pala eh meron pang lumabas na kamukhang kamukha niya, kaya kaylangan na din natin siyang patayin dahil kapag nag kataon na naman na makita ni Marco iyan magiging baliw na baliw na naman iyon diyan sa impostora na iyan!!" "Sapat ng nandito siya sa pamilyang De Luna kaya huwag na huwag mong balakin pa iyang binabalak mo, kahit isa sa mga daliri mo huwag na huwag mong ididikit sa katawan ni Anastasia dahil ako na ang makakalaban mo!!" "Hahaha Easy... easy... kumalma ka na muna, huwag naman!! Basta usapan ay usapan kaya tumupad ka din,! Para walang kabaong diyan sa mga De Luna!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD