AUTHOR NOTE'S:
Thank you for embarking on this literary journey with me. Writing this book has been an incredible experience, and I hope you find as much joy in reading it as I did in creating it
Dear Readers,
As you delve into the pages of this novel, I wanted to take a moment to share some thoughts on the theme that runs through its heart — reincarnation.
The concept of reincarnation has fascinated and inspired humanity for centuries. The idea that our souls are on a perpetual journey, experiencing different lives and lessons, adds a layer of mystery to our existence. In this story, I've explored the notion that our connections with others may transcend time, and the echoes of past lives can influence our present.
Habang nagsusulat po ako, nakahanap ako ng inspirasyon sa iba't ibang kultural at espirituwal na paniniwala na nagdiriwang ng paikot na kalikasan ng buhay at kamatayan. Ang mayamang tapiserya ng mga kuwento mula sa iba't ibang tradisyon ay humubog sa salaysay, at umaasa ako na ito ay pumukaw ng pagkamausisa tungkol sa magkakaibang mga pananaw sa reincarnation.
Ang mga karakter sa kuwentong ito ay nakikipagbuno sa mga kumplikado ng kanilang magkakaugnay na mga tadhana sa buong buhay. Ang kanilang mga pakikibaka, pag-ibig, at mga pagpipilian ay salamin ng walang hanggang sayaw ng mga kaluluwang naglalakbay sa malawak na tapestry ng pag-aral.
Nilapitan mo man ang ideya ng reinkarnasyon nang may pag-aalinlangan o paniniwala, ang pag-asa ko ay ang kuwentong ito ay nag-aanyaya sa iyo na pag-isipan ang mga misteryo ng buhay at ang posibilidad ng mga koneksyon na lumampas sa mga hangganan ng panahon.
I've included a section at the end with references to some books and philosophical works that delved into the concept of reincarnation. If you're intrigued, it might provide a starting point for your exploration of this profound and enduring theme.
Thank you for joining me on this journey through time and souls. May the idea of reincarnation linger in your thoughts as you turn the pages.
* * *
{Oh! nakakunot na ang noo mo sa pagbabasa ng author note ko wag mo munang masyadong seryosohin iyan ha' hehehe}
Note: Maghanda na ng Tissue o panyo sa tabi niyo dahil papaiyakin at papakiligin ko ulit kayo sa bawat chapter na babasahin niyo, depende sa kilig at emosyon niyo hehehe chaarrr!!!"
Mabalos po sa indong Gabos;)
Ang inyong mapanakit at mapagmahal na Author: Ms.Yaen:)
* * * *
CHAPTER ONE:
* * * *
Princess PoV:
"Ate?!!" tawag ko dito nakatayong nakatalikod sa akin ngunit di ito lumingon.
"Ate Lexien?!!" tawag ko ulit sa kaniya at mabibigat na mga paang humakbang ako papalapit sa kaniya na pinagtataka ko naman.
Nakakailang hakbang pa lang ako saka naman ito humarap sa akin at ngumiti ito.
"Princess?" naka ngiting tawag naman nito sa akin.
Agad naman akong yumakap dito ng makalapit na ako sa kaniya, ngunit wala akong naramdaman na katawan niya, parang yakap hangin lang. Kaya kumalas naman ako dito at tumingala sa kaniya.
Titig mata niya akong tinitigan at sabay hinaplos naman niya ang pisngi ko. Ang aliwalas na ng mukha niya, parang walang sakit, hindi maputla at balik sa normal na kulay na mapupulang labi at pisngi nito. Ngunit malamig parin ang kaniyang palad na humaplos sa pisngi ko.
"Ang.. ang lamig parin ng mga kamay mo Ate Lexien."
"Ahh.. alam ko na'to isang panaginip ko na naman ito... diba ate?.." nag umpisa na naman mag silabasan ang mga luha ko..
Sumeryo naman bigla ang mga mata nito saka dahan dahang humakbang ito palayo sa akin.
"Huhuhuh.... ate.?!!. sandali!!.. Dito ka lang!!.. huwag...huwag kang umalis!!.." Hagulhol at hirap ko nang sabi na parang maubusan na ako ng hangin sa dibdib ko
Ngunit di ito huminto nag patuloy lamang ito sa paglalagad.
"Ate?!... ang ate ko!!" mabilis na mga hakbang ang ginawa ko para makalapit ako sa kaniya.
Huminto naman at humarap ulit ito sa akin.
"Paalam kapatid ko." naka ngiting wika naman nito.
"Hindi ayoko...!!!" iiling iling na sabi ko naman at lalapit pa sana ako sa kaniya, ngunit bigla naman naging parang puzzle simula sa paa hanggang sa katawan nito at isa isang sumasabay sa hangin hanggang sa mawala na ito hanggang sa mukha niya nakangiti parin sa akin ay hinangin na din ito ng tuluyan.
"Hi-hindi!!... huhuhu ate?!!!... bum-bumalik ka!!!.." lakad takbo kong pilit kong inaabot ang mga pira-piraso niyang katawan na tangay tangay ng hangin pataas.
"Ate!!!... huhuhu" nanlatang napaupo ako sa damuhan.. na saka ko lang din napansin ang paligid kong puros mga bulaklak na para bang nasa malawak akong harden.
"Princess anak!! Gising!!"
Ang pag mulat ko naman ng mata ko.
"Nanaginip ka na naman." alalang sabi ng itay na biglang yakap ko naman dito.
"Itay.. ang ate... napanaginipan ko ulit siya huhuhu.."
"SShh. tahan na, excited lang ata ang ate mo na makita niya tayo ngayon."
"Malapit na tayo sa sementeryo." sabi naman ni Patrick na nagda drive.
Ito kasi ang araw na kinuha siya sa amin. At papunta kami sa puntod niya ngayon.
~ ~ ~ ~
Third Person:
"Ate?.. Kamusta kana diyan,,, tumaba ka na ba?.." sisinghot singhot na tanong ni Princess
"Alam mo ba ate limang taon mo na ngayon na wala.,, siguro naman tumaba taba ka na diyan.. tinupad ko na ang pangako ko sayo na di na ako pasaway kay Itay.. Kay Patrick na lang,. Oo ate.,, Nag katotoo nga ang hula mo na mag kakatuluyan kami ni Patrick."
"Hindi nga lang kami magkasundo ng kapatid mo lagi akong inaaway niyan" pabirong sabi naman ni Patrick
"Ano? ako pa talaga ha?!" singhal naman nito dito na may pag irap pa ng mga mata.
"Oh tingnan mo"
"Hahaha nag uumpisa na naman kayong dalawa, alam mo din ba anak, Lexien isa lang dapat ang sakit ko sa ulo ko eh, ang kapatid mo lang dapat eh dumagdag pa itong si Patrick."
"Nagsusumbong pa kayo sa bestfriend ko antayin niyong siuran kayo niyan mamaya pag uwi natin" pabirong wika naman ni Carla
"Teka asan na ba s i Leo?" Si Patrick
"Iwan ko don kanina pa iyon nag sa sasabi na on the way na daw siya, ngunit nauna parin tayo dito" si Carla
"Si kuya Marco mo kamusta na kaya iyon ngayon?" May pag alalang wika naman ni Tatay Rex
Natahimik at nagkibit balikat na lamang si Princess.
"Sana wala naman nang may mangyaring masama sa batang iyon." malungkot na sabi naman ni Tatay Rex
"Sana nga po, kasi malulungkot si ate kapag nakikita tayong nalulungkot" pero nangingilig na naman ang mga luha ni princess di mapigilan na huwag umiyak.
"Ate miss na miss na miss kana namin' akala ko... mumultuhin mo kami kapag nalulungkot kami,... sige nga!!,,... try nga ngayon diba itay... nalulungkot ka din diba?.,,,
"Princess?" gulat na bulaslas naman nila
"Para marinig ng ate at para... at para mag pakita naman siya sa atin ngayon!!... ang daya daya niya eh!!... huhuhu sabi niya.. sabi dadalawin niya tayo.. sa panaginip lang ehh gusto... gusto ko naman siyang makita... huhuh" hirap na hirap na wika nito dahil sa sobrang pag hagulhol sa kakaiyak.
Ang paglapit na lang ni Patrick at niyakap na lamang ito habang umiiyak pati din si Carla umiiyak na din, si Tatay Rex naman nanatili naka titig na lamang sa puntod ni Lexien na nangingilid na din ang mga luha.