Third Person:
"Oo... oo nga... ang... daya.. mo nga talaga besty.. huhuhu..." wika naman ni Carla
"Nasabi..mo pa nga... sa akin iyon!.., pero sana kapag... kapag ginawa mo man nga na... multuhin kami.. kaylangan....kaylangan yung maganda.. ka parin ha."
"Eh pilya si Lexien, sa kakaiyak niyong dalawa, baka mamaya niyan mag papakita siyang nakakatakot na mukha niya sa inyo kaya tumahan na kayong dalawa diyan." Ang pag dating naman ni Leo na may dala dala ding bulaklak.
"Tatay Rex" sabay tapik naman ng binata kay Tatay Rex sa balikat, ngumiti lamang ito sa binata at pag tapik naman nito sa kamay ni Leo na nasa kaniyang balikat pa.
"Leo naman eh!" singhal naman nung dalawa, natawa na lamang ang binata. At lumapit sa puntod ni Lexien.
"Hi' Lhex" naka ngiting bati naman nito at sabay hawak sa puntod ni Lexien. Saka niya din nilagay ang mga bulaklak dito.
"Kamusta kana?' Naririnig mo ba kami diyan? Sorry kung ngayon na lang ulit ako nakadalaw naging busy lang kasi, alam mo na... kumikitang pang kabuhayan heheh.. Huwag ka sanang mag tatampo ha."
"Tama nga naman kasi sila Lhex bisitahin mo naman kami huwag lang sa panaginip, meet up an lang daw kung saan mo gusto hahahh makapag pamasyal ba ulit kasama ka." pabirong sabi naman nito ang ma's lalong pang humagulhol ang dalawa.
Napalingon pa ito kila Carla na patuloy parin sa pag iiyak.
"Napaka iyakin parin nila no."
"Wag mong kakalimutan...ah hindi, basta lagi mo lang tatandaan na nandito kami na patuloy parin nag mamahal sayo.. Mahal ko miss na miss na kita.."
* * * *
Marco pOv;
Walang kapaguran ang mga luha kung dumadaloy habang titig na titig ang mga mata ko sa malaking TV. Pinapanood ko lang naman ang masasayang video namin ng mahal kong si Lexien habang masayang nag be- bake ng cake ito kasama si Maxien.
Ilang taon na nga ba ang nakakalipas? Ah' limang taon na nga pala... Pang limang taon na ngayon, at ito lang naman ang araw na kinuha siya sa akin ng taas.
Gigil at mahigpit na pag kakahawak ko sa bote ng alak saka tinungga ito.
Limang taon ngunit sariwang sariwa parin ang pag mamahal ko sa kaniya. Kahit anong pilit ko sa sarili na kalimutan siya di ko parin kaya.
"Hanggang ngayon punung puno ng pagsisisi parin ang puso ko sa mga nagawa kong kasalanan sayo mahal ko."
"Ayan! ganyan po kasi ang pag lagay ng icing sa cake Daddy Marco, look at Maxien"
"Like this ba umm... ayan meron na icing ang face ni mommy Lexien mo hahaha!!"
"Ahh! ganun pala ha ito din para kay Maxien! hahah"
Parang tinusok ng maliliit na karayom ang puso ko. Sobrang sikip na ang dibdib ko.
"Yung... mga... ngiti mo dito mahal ko,,... di halatang... di halatang may malubhang karamdaman ka, napaka sigla mo dito mahal ko..."
Nakaka ilang bote na ako, ngunit parang hindi kalasingan ang nararamdaman ko. Kundi Durog na puso..
Biglang litaw naman sa imahenasyon ko ang imahe niya. Ang pag lapit niya sa akin na may nakaka bighaning ngiti.
"Lex-lexien?... Babe please... please come back!!" mabaliw baliw na sambit ko at hinaplos ang mukha niya.
Hinayaan niya lang din na haplosin ko ang ang pisngi niya, di niya parin inaalis ang matamis na ngiti niya habang titig matang naka titig sa akin.
"I'm so...so.... sorry.. patawarin.. patawarin mo sana ako!" kahit ilang ulit ko man bigkasin iyon.. hinding hindi ako mag sasawang humingi ng tawad sa kaniya..
Mga ilang minuto lang.
Unti unting pag laho naman nito na parang natutunaw na parang nagiging maliliit na talulot at sumasabay sa hangin palabas ng bintana.
"Noo!!.. No!!.. Lexien.... bum-bumalik ka!!!" hagulhol kong tawag dito.. na halos mag kanda talisod ako sa pag hakbang ko sa kalasingan para habulin naman ang mga talulot na iyon ni Lexien.
Napaluhod na lamang ako sa sobrang panghina ng buo kong katawan nang tuluyan na itong makalabas hanggang sa di ko na ito maabutan, patuloy lang sa pag sabay nito sa hangin hanggang sa diko na ito masilayan.
"God!!... i miss... I miss her so much... pleasssse.... bring her.. bring her back to me pleaassss!!.. pleassee!!"
"Ang sakit parin... ang hirap.. ang hirap ng parusa mo sa akin!!... Bakit ang mahal ko pa!!... Bakit kylanangan pang mawala ang mahal ko para parusahan mo lamang ako?!!..."
Napalingon naman ako sa tabi kong mga bote na naka kalat sa sahig, May biglang demonyo na naman pumasok sa isipan ko.
Kinuha ko ito, at binasag iyon.
"Babe?... Lexien.. kung naririnig mo man ako... kung san ka man naroroon..?!!!"
"Gusto ko nang sumunod sayo...."
"Pero.. parang hindi ata tayo pag tagpuin mukhang... hindi ata ako makakapunta sa lugar kung san ka man naroroon, dahil ilang beses ko ng sinubukan gawin ang bagay na ito mukhang sinusuka ata ako ng langit pabalik ng lupa.. para magdusa."
"Pero... subukan ko ulit ngayon baka sakaling pwede na" Nag hanap pa ako ng malaki laking basag na bote at ng may nakita naman ako agad ko naman kinuha ito.
"Ang sir Marco mo?"
Rinig ko naman ang boses ni Mom.
"Nasa kwarto niya pa po ma'am"
"Hindi parin ba lumalabas?'
"Hindi parin po"
"Asan na ang susi ng kwarto niya, akin na dali!!"
Pag angat ko naman ng kamay ko upang ibabon ko na ang basag na bote sa dibdib ko ang biglang pag bukas naman ng pinto bumungad sa akin si Mom na nanlalakihan na naman ang mga mata nito.
"My God Marco!!!"
"Mom!..m Hayaan niyo na po akong gawin ito"
"No!! nahihibang ka na naman ano ba bitawan mo iyan!!"
Umiling lang ako
"I said put... it.. down!!" matigas na sabi nito
Lalapit na sana ito "Don't!! stay there Mom!!" ang pag angat ko ulit ng kamay ko ng basag na bote naka handa ng ibaon kung man gugustuhin ng kamay kong ibaon
Biglang napahinto naman ito
"Son! please don't do this, kung nahihirapan ka mas lalong nahihirapan ako alam mo ba iyon? Nahihirapan akong makita kang nag kakaganyan."
"Kaya nga po pilit ko na din mawala para-
"Anak?... alam mo ba kung... kung gaano ka sakit sa akin ang mga nangayayari sa atin, sayo ngayon... kaya please Marco itigil mo na ang ganitong pag uugali huhuhu ."
"Hirap na hirap na din ako huhuhu, hindi din... hindi matutuwa si Lexien sa ginagawa mong iyan!!"
"Mom'... kapag nawala na din po ako, di ka na mahihirapan pa."
"Ma-marco?!"
Inangat ko na ang kamay kong hawak hawak ang basag na bote at naka handa ng ibaon kung saan mang parte ng katawan ko ito ibabaon.
"Marco.... iba...ibaba mo... iyan!!" kitang kita ko ang panginginig niyang akmang lalapit pa sana ito.
Ngunit di ko na ito pinakinggan pa. Binaon ko na ang basag na bote sa akin dibdib.
"Marco!!!... Marco.!!"
Ang pag bagsak ko naman sa sahig at nanlalabong paningin kong lumapit si Mom sa akin.
Sorry Mom.. gusto ko nang makasama ang mahal ko... Mahal ko.. Lexien antayin mo ako.. Susunod na ako..
Sana pag tagpuin parin tayong dalawa ..