Anastasia PoV:
Naging abala kami sa kakatingin nila Ma'am Celestine at Prof. Calisto sa mga pininta ko na naka display naman dito sa isang bakanting kwarto. Dito kasi namin tinatambak ang mga pinipinta namin mga naging project at pinag parktis'an namin. Pero yung iilan na akin naman mga naka sabit sa dingding sa labas at dito.
Palihim kong pinagmasdan si Ma'am Celestine.
Sa bawat pag haplos niya sa mga painting ko, ma's lumalakas naman ang pag kabog ng dibdib ko. Baka kasi hindi niya magustuhan ang bawat detalye at damdamin na isiniksik ko sa bawat obra. Pero sa kabila ng takot, masarap pag masdan ang bawat kilos ng kaniyang kamay sa mga painting ko. Na para bang isa isa niyang hinahanap ang kahulugan nito.
"Sabi na nga ba, speechless ka din Celestine nang makita mo na ang mga painting ni Anastasia, kami din naging ganyan din ang reaksyon namin sa tuwing makita namin ang mga painting niyang sobrang kakaiba." napapa ngising wika naman ni Prof, ang pag basag naman ng katahimikan naming tatlo.
"Ang- ang gaganda"
Nag lakihan at napatingin naman ang mga mata ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Ang kaniyang mga mata ay naglalarawan ng labis na pagkamangha habang nakatuon parin ang kaniyang paningin sa isa kong painting.
Sa tuwing bumabaybay ang kanyang mga mata sa bawat bahahi ng obra, parang isa talaga siyang eksperto sa bawat kulay at linya sa pag kakadetalye ng aking pininta.
"See' I told you, mapapamangha mo na agad ang director natin once na makita niya itong mga painting mo."
"Saktong sakto ito sa event mo, diba tungkol sa reincarnation ang concept niyo?" patuloy ni Prof
Reincarnation? sa isip ko at napatingin naman ako sa mga painting ko, ibig sabihin pala tungkol ito sa reincarnation tong mga naipinta ko na sa paniginip ko lang lahat ito nakikita. Bukod kasi sa imahinasyon ko, kung ano ang lumalabas sa panaginip ko pinipinta ko din ito.
Napasulyap pa ako ng tingin kay Ma'am Celestine.
Kitang kita ko parin sa kaniya ang pagka mangha nito habang nakatingin sa mga painting ko.
Nahuli niya naman ako na sa kaniya ako naka tingin, kaya agad ko naman binaling ang mga mata ko sa tinitingnan niyang painting.
"Napaka realistic ng painting mo hija, impressive."
Parang nabunutan naman ako ng tinik sa sinabi niya. Kaya palihim akong napa buntong hininga, kung kanina kinakabahan ako, ngayon naman kahit papaano guminhawa naman ang pakiramdam ko.
"Thank you po" naka ngiting sabi ko na lamang dito dahil pati ako di ko na din alam ang sasabihin ko.
"Bibihirang makuha ang kiliti ng isang Director na katulad mo Celestine, tanging kay Anastasia ka lang naging ganyan ha, last year wala kang kinuha ni isa sa student ko, pero ngayon tiyak kong meron na." kita ko din ang pag kagalak ni Prof.
Wala na talaga, feeling ko talaga pati tenga ko malalaki na din dahil sa mga papuring natatanggap ko sa kanila, pero di parin ako mapanatag sa mga mata ni Ma'am Celestine kapag nahuhuli kong nakatitig siya sa akin.
"So' paano ba iyan di tuloy na ang pagkuha mo kay Anastasia, Celestine?"
"Paano mo- ibig kong sabihin, magaling ang mga imahinasyon mo hija." hindi naman nito pinansin ang sinabi ni Prof, inirapan niya lang ito.
Gusto ko sanang sabihin na ang ilan dito ay galing sa mga panaginip ko, ngunit umurong naman agad ang dila ko. Baka anong isipan pa ng mga ito.
Napayuko naman ako, nag iisip ng idadahilan ko.
"Marahil nga binigla ka nitong Prof mo, di bale hija next week pa naman iyon kaya mapapaghandaan mo pa, pero aasahan kong sasali ka sa event ko hmm." sabi naman niya at hinimas ang balikat ko napa angat naman ako ng tingin sa kaniya.
Napatango na lamang.
* * * *
Celestine POV:
Sobrang napahanga nga naman talaga ako sa mga painting niya. Pweding isabay sa mga painting ni Salvador Dali isa sa mga sikat na pintor tungkol sa Reincarnation.
Ngunit may gumugulo sa isipan ko kahit anong pilit kong huwag pansinin ito, ito parin ang nangungunang pumapasok sa isipan kong pinag tataka ko naman.
"Parang pamilyar sa akin ang Anastasia na iyon, saan ko ba nakita?."
Napapahilot pa ako sa aking sintido dahil pinipilit kong isipin kong saan ko nga ba ito nakita.
"Okay lang po ba kayo Ma'am?" ikinabigla ko naman nang biglang mag salita ang driver si Manong Mervin. Kanina pa ata ako nito nakikita sa rear mirror.
"Yes' I'm,,,.. I'm okay, pagod lang ng kunti, nga pala, diretso na tayo sa Mansion."
"Sige po"
"Paki patay ng aircon."
Agad naman niyang I off ito.
Binaba ko na din ang bintana at binaling ko na lang ang tingin ko sa labas. At nilanghap ang sariwang hangin, kahit papaano nakakawala ng stress.
* * * *
Third Person
"Kamusta na po diyan?"
"Okay naman kami dito Hijo."
"Si Anastasia po najan na?"
"Wala pa dito, mamaya din nandito na iyon."
"Sige po update niyo po ako mamaya kapag nadiyan na po siya."
"Sige"
"Pero baka po ako pa nga talaga ang mauunang sa kaniyang dumating diyan."
"Baka nga siguro, kasi sabi niya ay pupunta pa ata iyon sa isang niyang Prof, hijo."
"Sige po"
"Sige, hijo ingat sa pag mamaneho."
"Opo salamat po tita."
* * * *
Anastasia POV:
Naisipan ko munang dumaan ng department store, para makapag pamili na muna ng pasalubong at kunting grocery sa bahay, kahit papaano naman nakakapag ipon naman ako para nga dito kapag napapauwi ako sa bahay.
Nag iisip na din ako kung paano ko sasabihin at kung papaano ko mapapayag sila Mama at Papa tungkol sa pag pipinta ko sa Maynila.
Iwan ko ba, ba't ayaw nila akong papupuntahin ng maynila, ang dami nilang dahilan kapag iyon na ang topic namin. Ito nga sanang pag aaral ko ang hirap pa nila papayagin.
Iniisip ko nga siguro dahil sa hindi naman nga nila ako tunay na anak, magiging pabigat pa ako sa kanila, pero kahit na hindi naman nila iyon pinapakita sa akin. Kaso gusto naman nila na sa ibang bansa na lamang ako mag aral. Ma's mabigat bigat na gastusin naman iyon.
Kaya nag sumikap ako na ako talaga ang gagastos sa aaral ko ngayon. Trabaho doon trabaho dito, at ang nag iisa at bukod tanging kong kaibigan na si Melisa ang lagi kong kasama sa mga rakit at sa tinatrabahuan ko.
Biglang tumunog naman ang cellphone ko.
"Tiyak na si mama na naman to, nag aalala na siguro dahil napatagal na ata ako dito sa pamimili ko."
"Sabi na nga ba eh" sambit ko
"Mama?"
"Nasan kana daw sabi ni Papa mo, para masundo ka niya kung nasa bayan ka na ngayon."
"Sakto po nandito na po ako sa bayan Mama, namimili lang po ako dito sa departmert store, saan na po siya banda?"
"Antayin mo ako diyan Nak, susundoin kita diyan ha."
rinig ko naman na sabi ni Papa
"Sige Pa,"
Pero kahit na tumututol sila sa mga desisyon ko, ramdam ko naman talaga na ang kanilang pangamba ay para lamang sa aking kaligtasan at magiging kalagayan ko to.