Chapter Seven

1112 Words
Anastasia PoV: "A-anong?!.... I-ikaw??!!... ay a-ako?!!.. Mag.. mag ka-mukha!!" Uyy Anastasia gising na!! boses ni Melisa Napatingala pa ako dahil hinahanap ko ang boses ni Melisa kung saan nanggaling. Ngunit di ko na ulit narinig pa ang boses niya kaya binalik ko ulit ang tingin ko dito sa kamukha ko. Na nanatiling lang din itong nakatayo at sa akin parin nakatingin. Lalong lumakas ang pag kabog ng dibdib ko at napa atras naman ako nang bahagya, ng humakbang ito papalapit sa akin. "Wag!!.. diyan ka lang!!.. wag kang lalapit!!" Na pinagtataka ko pa dahil pakiramdam ko hindi na ako nakatapak sa lupa. Ngunit lumapit parin ito sa akin, nanginginig na mga palad kong tinakpan ang mga mata ko upang hindi ko ito makita. Parang nabibingi na ako sa sobrang lakas ng pag kabog ng dibdib ko. Pinamiramdaman ko pa ito ng ilang minuto, parang wala na ito sa harapan ko, silip at dahan dahan kong tinanggal ang pag kakatakip ng palad ko sa aking mukha. Napa hugot naman ako ng malalim na paghinga nang wala na nga ito sa harapan ko. Saka ko lang din napansin na napaupo na pala ako sa damuhan. Kaya agad naman akong tumayo at pinagpagan ang pwet'an ko dahil may mga dahon dahon na dumikit. Ngunit napa hinto naman ako ng makardam ako ng kakaibang malamig na hangin naman sa may gilid ko, biglang panginig ulit ng katawan ko at napalunok na dahan dahan akong lumingon dito. Naka ngiting na naman itong nakatitig sa akin. Ang kilabot ng buo kong katawan ay sagad na talaga. Na parang walang boses na lumalabas sa lalamunan ko. Kaya todo bwelo pa ako para maka sigaw ng bunggang bungga. "Mamahhhh!!" sigaw ko na halos maputulan na ako ng ugat sa lalamunan ko ng ma's lalo pa itong tumabi sa tabi ko at akmang hahawakan pa ang mukha ko, ngunit pikit matang pag atras at niwasiwas ko naman ang mga kamay ko upang hindi ito makalapit lalo sa akin. Ngunit huli na dahil naramdaman ko na ang malamig na kamay niya sa pisnge ko. "Ahhhhh!!!" biglang tayo ko naman sa kinauupuan ko. "Aahh!!" nagulat din si Melisa sa sigaw ko. "Ayan na nga sinasabi ko ehh!! iidlip lang daw pero yung kaluluwa mo na naman lumakbay na naman kung saan!" Napalingat pa ako sa paligid namin pati din ang mga ka batch mate namin nagtataka din. "So- sorry" napayuko na lamang ako. "Jusko naman Tasia aatakihin na talaga ako sayo ehh! kunting kunti na lang talaga!" sabi pa nito habang hinihimas himas ang kaniyang dibdib. Ngunit pareho naman kaming dalawa na pigil na huwag tumawa. Pero, di parin talaga kayang pigilin. At napahagalpak na nga kaming dalawa sa tawa. Napapailing na lamang ang mga ka batch mate namin habang pinapanood kami pati din sila natatawa na din. O diba masungit lang po itong kaibigan ko pero, tandem po talaga kami sa kalukohan. Natapos ang lecture namin na iinisip ko parin yung panaginip ko kanina. Gusto ko man e share kay Melisa, baka ano na naman sabihin sa akin nitong isa na'to. "Uuwi ka na ba?" tanong nito pareho kaming nagliligpit ng mga gamit namin at isa isang nilalagay ang mga notebook at libro sa bag. "Hmm' pupunta pa ako sa office ni Prof. Calisto tatanung ko about don sa pag pipinta ko sa maynila." "Okay' mauna na ako sayo ha, bukas mo na lang ako ilibre ng lunch." kumindat pa nga ang lokaloka. "Ayyt! Kala ko naman nakalimutan mo na, hahah." "Ikaw na lang ang makalimutan ko huwag lang ang libre mong lunch hahah." "Grabi siya sa akin oh." "Siya sige na ba-bye na po" sabay beso naman nito sa akin. "Bye ingat ka, update mo ako ha" Bahagya naman na itong tumango at saka naunang lumabas na ng room. Sakto naman ng pag hawak ko ng cellphone ko para sana e check kung may message o missed call's ang pag tunog naman nito. Ang mama' "Hello Ma,? "Pauwi ka na ba anak?" "Hindi pa po pupunta pa po ako ng office ni Prof. Calisto after pa po, why po Ma may papabili po ba kayo." "Ahh, ganon ba wala naman, may bisita din kasi tayo na dadating siguradong matutuwa ka din." "Bisita? sino naman po?" "Basta dito na lang pag uwi mo, siya sige na ingat sa pag uwi anak ha." "Opo' bye na po Ma." Pagkababa ko ng tawag ni Mother madaling nagtungo na din ako sa office ni Prof, baka kanina pa nag aantay iyon sa akin eh. Nasa harapan na ako ng pinto mukhang may kausap pa ata ito. Di pa sana ako kakatok ngunit ang biglang pag bukas naman ng pinto, bumungad sa akin si Prof, at ang isang Ginang na mukhang napaka elegante nito sa suotan palang niya. "Oh' Anastasia kanina ka pa diyan? come in." "Hindi naman po kakarating ko lang din po." sabi ko naman at ramdam kong sa akin na nakatingin ang matandang babae kaya lumingon naman ako dito. Pinagtaka ko naman biglang kumunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. Di ko na lang ito pinansin nginitan ko na lamang ito at humarap kay Prof Calisto. "By the way Celestine this is Anastasia De Luna siya yong binibida ko sa inyong student kong magaling sa painting." "Anastasia this is Mrs. Celestine Gomez siya ang director ng Gallery pag pipintahan mo." Nanlakihan naman ang mga mata ko. "He-hello po nice to meet you po Ma'am." agad ko naman nilahad ang kamay ko upang makipag kamay dito, ngunit nasa mukha niya parin ang gulat, di ko alam kung gulat ba o parang minumukhaan ako. Mga ilang sigundo ata siyang ganon "Celestine okay ka lang ba?" takang tanong na Prof. sa kaniya. "Aumm' nice to meet you too Ms. De Lena." nilahad niya na din ang kamay niya at nakipag kamay na din sa akin. "Hmm' sakto nga din naabutan mo pa Anastasia si Celestine, napa aga na din ang pakikipag kilala niyo sa isa't isa." Napatingin ulit ako dito, iwan parang kakaiba ata ang inerhiyang nararamdaman ko galing sa kaniya. Kaya yumuko na lamang ako. "Siya ang student kong mag pi-paint para sa collection mo, malay natin maisasali pa sa Painting Auction ang ipipinta ng aking student na si Anastasia, sa tingin mo Anastasia kaya ba?" Ako na nabibigla parin sa mga naririnig ko. At napa angat naman ako ng tingin kay Prof. Calisto at napakamot pa ako sa batok ko. "Uhm' eh, di ko pa po kasi-" "Marahil ay binigla ka lang ng Prof mo hija, hayaan mo at next week pa naman iyon, kaya mapapag handaan mo pa." Naka ngiting sabi nito sa akin pero may ibang guhit sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD