Anastasia PoV:
Tutok na din ako sa pakikinig ng explanation ni sir. Dahil nagsi active na naman ang mga brain cells ko tungkol sa reincarnation. Habang abala na din ang mga kamay ko sa pagsusulat ng mga sinusulat din si sir sa white board.
"Mamaya babasahin ko kayo ulit pag uwi." iwan ko ba at parang iiganyo ata ako dito sa topic namin ngayon. Masyadong interesting.
"Kaya ito ang pinag aaralan natin ngayon, dahil gusto kong i pinta ito ni Ms. De Luna."
Biglang laki naman ng mga mata ko sa bigla.
"Po?! a-ako po?" nautal pa nga na tanong ko kay sir.
Natawang tumango naman ito.
"Yes' dahil ikaw ang napili namin na mag pinta para ilalagay sa isang Gallery sa Maynila next week, at gusto ng mga Directors ay tungkol sa Reincarnation ang ipipinta mo."
"Wooohhhh!! congrats Tasia!"
Yung kaninang tahimik at mga seryoso kami dahil sa lecture ni sir biglang sabog naman ng ingay ngayon. Rinig ko naman na sigawan ng mga ka batch namin, at palakpakan ng mga to'.
Marahan na siniko pa nga ako ni Melisa.
"Uyy Tasia congrats po, you made it!" wika nito
Ako na hindi parin makapaniwala.
Nanatiling nakatitig lamang ako kay Sir na nag liligpit na ng mga gamit niya. Pagkatapos niyang mag ligpit, naka ngiting humarap ulit siya sa akin.
"Good luck sa presentation mo Ms. De Luna mamaya na tayo mag usap pag katapos ng sunod kong lecture sa kabilang section." sabi nito saka lumabas ng room.
"Hmmp! I'm so ingit naman sayo Tasia." ang biglang pag yakap naman ni Melisa sa akin.
Ngunit kumalas naman ito kaagad at kunot noong akong tinitigan.
"Uyy! para ka naman naging statwa na diyan, wala ka nang kibo."
"To-totoo ba?... isa ako... isa ako sa mag pipinta at ilalagay nila sa Gallery?" ulit ko
"O-oo teka di ka ba nakikinig kanina kay Sir?!!"
Bigla ko itong niyakap
"Di ba ako nanaginip Melisa, totoo ba ito ha?!!" inalog alog ko pa ito
"Ahh aray Tasia naman ehh! oo nga totoo po ito, hello nandito ka po ngayon sa totoong pangyayari. Hindi po ito panaginip ito pa nga oh!" at bilang kinurot pa nga ako nito sa tagiliran.
"Aray!!"
"Hahaha o ano naniwala ka na hindi ito paniginip mo lang."
"Nilakasan mo naman sa pag kurot eh, may galit ka talaga sa akin eh no!" himas himas ko ang tagiliran ko.
"Hahah oo meron nga kaya ilibre mo naman ako ng lunch niyan ha."
"Hmmp!! sige na nga lang."
"Uyy!! dapat kami din Tasia" sabay singit naman ng isa namin ka batch
"Sige, tara na!" agad ko naman na sagot, nanlakihan naman ang mga mata nito.
"Yon ohh!!" nag appear'an pa nga ang mga pasaway.
"Basta kayo mag babayad!"
Biglang pag simangot ng mga to'.
"Ayytt!! wag na lang pala!" sabay tawanan naman kami sa sinabi nung isa.
Bumalik naman kaming dalawa ni Melisa sa pag kakaupo.
"After natin dito saan next plan mo?" part time job tinutukoy nito.
"Hmm' uuwi muna ako sa bahay pinapa uwi ako mother eh alam mo naman one week na akong di umuuwi sa amin."
"Eh paano niyan, ipapaalam mo sa kanila na ikaw ang mag pipinta para sa isang gallery sa Maynila, syempre kaylangan mo din pumunta doon."
Yung excited kung nararamdaman na palitan naman ng kaba.
"Hmm' Oo nga eh, pero mamaya ko na iisipin kung paano ko sasabihin iyan kila Mama, iidlip po muna ako."
"Hindi muna po ako papasok mamaya sa bar." sabi ko pang humikab pa nga ako dahil sa antok, kulang sa tulog gawa nga ng part time ko sa bar bilang waitress.
"Okay, ako na lang mag sasabi kay Ma'am visor kapag hinanap ka niya, para makapag pahinga ka din."
Bahagya naman ako tumango at sinubsob ko ang mukha ko sa desk.
"Gisingin mo ko kapag na andiyan ang sunod na prof natin ha."
"Uyy! baka mapatulog ka naman tulog mantika ha! malalagot ka na niyan talaga."
"Hindi po, I idlip lang po ako."
Rinig ko pang napa buntong hininga ito at tumahimik naman na ito. Kaya ako naman mas lalo ko pang inayos ang posisyon ko sa pag kakaupo ko para kumportable ako naka subsob sa desk. At tinakpan ang isang libro sa mukha ko.
* * * *
Marco PoV:
"Antayin moko sa baba ng lupa mahal ko.. doon tayo mag kikitang muli.."
Paulit ulit na umi echo sa isipan ko ang mga katagang iyon.
"Kung totoo man ang pag balik mo maghihintay ako. Aantayin kita mahal ko."
"Anak' hanggang kaylan ka magiging ganyan?"
"Hindi na po ngayon?"
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Makikita ko siya, sinabihan niya ako sa panaginip ko na antayin ko daw siya dito sa lupa."
Napatuptop naman ito at titig mata niya akong tinitigan, nangingilig na naman ang mga luha niya
"Mom?' huwag na po kayong umiyak dahil magiging okay na po ako."
"Marco anong-
Napakunot noo naman ako sa kaniya dahil iba ang expression nito imbes na saya, hindi.
"Mom? baka iniisip mo nababaliw na ako?"
Napailing naman ito at humaplos sa pisnge ko.
"No' hindi Marco nagulat lang ako sa sinabi mo."
"Naniniwala din po ba kayo na bumabalik ang patay I mean paano kung muling mabuhay nga si Lexien?"
"Baka Reincarnation ang tinutukoy ng iyong anak Mrs. Buenaventura." sabi naman ni Doc
"Reincarnation?" ulit ko
"Pero sa mga sabi sabi lamang iyon hijo, ginawang kwetong alamat para sa mga bata." ang Mom.
"No mom' malinaw na malinaw ang pakakasabi sa akin ni Lexien sa panaginip ko, babalik siya... babalik ang mahal ko."
"Marco?"
* * * *
Anastasia PoV:
"Si-sino ka?!!.."
Tanong ko sa Babaeng naka talikod sa akin na abala sa pag pipitas ng bulaklak sa tabi ng malaking puno.
Pinag masdan ko pa ito ng maigi, mahaba ang buhok at naka puting dress ngunit hanggang tuhod lamang ang haba. Biglang kilabot naman at panlalamig ng buo kong katawan.
"Naku isa pa atang white lady ito, jusmeyo" nakapag krus pa nga ako, lumingat pa ako sa kabuuan ng paligid namin, namangha na naman ang aking mga mata sa nakikita ko ngayon. Para akong nasa paraiso sa sobrang ganda ng lugar. Napapalibutan ng mga bulaklak at amoy na amoy ko ang bango nito. Maraming paru-paro.
Panaginip na naman ito, pero ngayon kakaiba na hindi madilim na nakakakot na panaginip. Ngayon maliwanag na at ang malaking puno na iyon, iyon yung puno na nasa panaginip ko na maraming alitaptap na ngayon naman ay mga paru-paro ang nakapalibot sa kaniya.
Ang pag balik ng mga mata ko sa babae na di parin humaharap sa akin at abala parin ito sa pag pipitas ng mga bulaklak, parang di ata niya ako napansin na andito.
"Umm' A-ate?!"
Tawag ko dito, na parang nag slow motion naman ang buong paligid namin nung pagharap na nito sa akin, kasabay ng paglakihan ng mga mata ko.
"A-anong?!.... I-ikaw??!!... at a-ako?!!.. Mag.. mag ka-mukha!!"