Chapter FIVE

1118 Words
Anastasia PoV: Sakto naman pag pasok namin mag uumpisa pa lang ang Lecture ng Prof namin sa pilosopiya. "Peww!! muntikan na tayong ma late ah." si Melisa na uminat pa nga. "Sabi ko naman sayo na hindi tayo male late ehh, ayaw mong maniwala." Pinandilatan lang ako ng mata nito. Mataray talaga tong kaibigan ko kaya pag pasensyahan niyo na. Nag simula na din mag sulat sa white board si prof. "Guys sino ang nakakaalam o nakabasa na about sa Reincarnation?" "Reincarnation?" kunot noo naming sambit ni Melisa nag katinginan pa nga kami. "Oo nga no' parang ito na lang ata ang di ko pa nababasa." "Hmm' marahil marami pa ang hindi nakakaalam nito." "Subukan niyong mag research." Agad naman namin nilabas ang cellphone upang mag research. Mga ilang minutong pag re-research namin. "Prof?" "Yes Ms. Reyes?" "Ang "reincarnation" ay isang konsepto sa maraming relihiyon at pilosopiyang nag papahayag ng paniniwala na pag katapos mamatay, ang kaluluwa o espiritu ng isang tao ay muling isinilang sa isang bagong katawan o anyo ng buhay. Nakasaad pa po dito na ang proseso na ito ay itinuturing na isang pag papakatino o pag buo ng maraming pag kakataon para sa espiritu na makaranas ng iba't ibang aspeto ng karanasan ng tao." "Hmm' okay... pero there's more." "Prof' may tanong po ako." ang pag taas naman ng kamay ni Melisa "Go ahead" "Meron din po bang mag kamukha I mean kamukha niya parin yong taong iyon pagbalik niya dito sa lupa?" "Resemblance in reincarnation ang tinutukoy mo Ms. Dela Cruz, mamaya na natin pag usapan iyan." Na agad ko naman hinanap sa pambansang Google ang Resemblance in Reincarnation. "Mag kamukha o Resemblance in Reincarnation." "Ang konsepto ng reincarnation ay mas kilala sa pag-uugma ng espiritu o kaluluwa sa bagong katawan pag katapos ng kamatayan, at hindi ito kinokonekta nang eksaktong pagiging magkamukha ng pisikal na anyo. Ang ideya ay mas naglalaro sa aspeto ng espirituwal na pag-unlad, karmic na impluwensya, at hindi talaga sa pagiging kamukha. "Uyy! mamaya na iyan, makinig ka muna kay Sir." suway naman sa akin ni Melisa. Pag tuon ko naman kay Sir. Prof: Narito ang mga iba't ibang anyo sa iba't ibang kultura at relihiyon." wika pa nito at may pinakita naman ito ng mga pictures sa malaking projector ng iba't ibang painting tungkol sa reincarnation. Habang abala pa si Prof sa loptop niya. Ngunit parang nangangati ang mga mata ko at gustong bumalik ulit sa binabasa ko. Sa mga tradisyonal na paniniwala, ang pagkakaroon ng parehong hitsura o pisikal na anyo sa pag kabuhay ay hindi isang sentral na aspeto ng reincarnation. Sa halip, ang konsentrasyon ay mas naka-angkla sa pag-akyat o pagbaba ng espirituwal na antas at ang pag-usbong o paglusaw ng karmic na impluwensya. Prof: Narito ang apat na halimbawa. Una na dito ang Hinduismo: Sa Hinduismo, ang konsepto ng "samsara" ay naglalarawan ng walang katapusang siklo ng pag-ulan ng mga kaluluwa sa iba't ibang anyo ng buhay. Ang layunin ng isang tao ay makawala sa samsara sa pamamagitan ng "moksha," kung saan ang kaluluwa ay nagtatagumpay sa siklo ng pag-ulan at nag-aambag sa dakilang kalayaan. Pangalawa Buddhismo: Ang mga Buddhista ay naniniwala sa konsepto ng reinkarnasyon o "samsara" rin, ngunit may kakaibang konteksto. Sa halip na maging patuloy na siklo, layunin ng mga Buddhista ang makamit ang "nirvana" o paglaya mula sa paghihirap at siklo ng reinkarnasyon. Pangatlo Sikhismo: Sa Sikhismo, mayroong paniniwalang nagbabalik ang kaluluwa sa iba't ibang anyo ng buhay, ngunit ang layunin ay ang panghuli at huling pagbalik sa Diyos. At ang pang apat naman ay ang Mga Tradisyonal na Paniniwala: Ang ilang mga katutubong kultura at pilosopikal na sistema ay mayroon ding mga konsepto ng reinkarnasyon. Halimbawa, sa ilalim ng mga paniniwalang HIndi, Griyego, at mga tradisyonal na relihiyon sa Asya, maaari ring makita ang mga elementong may kinalaman sa reinkarnasyon. Kunway tingin ulit kay Sir. Binalik ko ulit ang mga mata ko sa cellphone. Maaring may mga kwento o mga paniniwala na nagmumula sa kultura o relihiyon na nagsasabi na ang isang tao ay maaaring magkaruon ng pagkakatulad sa hitsura sa kanilang mga past life, ngunit ang aspeto na ito ay hindi pangunahing bahagi ng karamihan sa mga konsepto ng reincarnation. Nag patuloy parin ako sa pag babasa. Kahit na abala na si Prof kakapaliwanag sa iba pang topic. Ang ideya na ang mga tao ay maaaring magkaruon ng pagkakatulad sa pisikal na anyo sa kanilang mga "past life" ay mas kilala bilang "resemblance in reincarnation" o "physical resemblance in reincarnation." Subalit, mahalaga na malaman na ang konsepto ng pagkakaroon ng magkatulad na pisikal na anyo sa iba't ibang buhay ay hindi kabilang sa pangunahing aspeto ng tradisyonal na konsepto ng reincarnation. Sa pangkalahatan, ang reincarnation ay mas nakatuon sa transmigrasyon ng espiritu o kaluluwa sa ibang katawan o anyo pagkatapos ng kamatayan, at hindi sa literal na pagkakaroon ng magkaparehong hitsura o pisikal na anyo. Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magkatulad na hitsura ay masasalamin sa ibang mga paniniwala o kwento, at ito ay maaaring mag-iba-iba depende sa kultura, relihiyon, o pananampalataya ng mga tao." "Makakalimutan niya lahat ng nakaraan niya" patuloy ni Prof. Nang pag angkat ko naman ng mukha ko dahil nasa harapan ko na pala ang Prof namin. Ta nakatuon na din ang tingin nito sa cellphone na hawak hawak ko. "Ooppss lagot hehe" sa isip ko naman at dahan dahang tinago iyon sa bag ko. "Ang ideya ng reincarnation ay may kaugnayan sa pag lipat ng espiritu o kaluluwa sa ibang katawan pag katapos ng kamatayan. Depende sa mga paniniwala o tradisyon, ang karanasan sa nakaraang buhay ay maaaring magkaruon ng iba't ibang implikasyon sa kasalukuyang buhay. "Sa ilalim ng ilang mga tradisyon, itinuturing na nakakalimutan ng isang tao ang mga detalye ng kanyang nakaraang buhay upang magtaglay ng malayang karanasan sa bagong buhay. Ito ay paraan ng paglinis o pag-reset ng kaluluwa upang makaranas ng bagong mga pag kakataon, pag-usbong, at paglago. Sa ibang salita, ang pag limot ay maaaring isang bahagi ng proseso ng reincarnation upang bigyan ang tao ng pagkakataon na magbago, matuto, at bumuo ng iba't ibang mga karanasan." "Gayunpaman, mahalaga ring tandaan na ang mga paniniwala tungkol sa reincarnation ay iba-iba depende sa kultura, relihiyon, at pilosopiyang sinusunod ng isang tao. Hindi lahat ng sistema ng paniniwala sa reincarnation ay naniniwalang dapat makalimutan ng isang tao ang lahat ng detalye ng kanyang nakaraang buhay. May ilang mga tradisyon na naniniwalang ang alaala ng nakaraang buhay ay maaaring manatili o ma-access sa ilalim ng tamang mga kondisyon o pamamaraan." "Sa pang kalahatan, ang mga detalye ng reincarnation at ang pag kakaroon o paglimos ng alaala ay nag lalaro depende sa kultura at paniniwala ng isang tao."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD