Chapter FOUR

1067 Words
Anastasia PoV; "Huwag!!... hindi!!.. Hindi!!" takot na sambit ko. Walang kapaguran ang mga paa ko sa kakatakbo't lakad kahit nanginginig ang buo kong katawan. Dahil hinahanap ko ang liwanag. Nandito na naman ako sa isang lugar na punung puno ng misteryoso kung saan madilim may linawanag man nanggaling sa linawag ng buwan ngunit hindi parin sapat dahil natatabunan ng nag lalakihan mga puno at mga dahon nito. Tanging maririnig mo lang ay iba't ibang ingay nanggaling man kung saan. Na di ko alam kung ingay ng hayop o anong klaseng ingay ba iyon? Ang hinahanap kong linawanag ay nanggaling sa isang pinto. Iyon... iyon lamang daw ang lagusan para makalabas ako dito. Na bigla na lang daw ito lumilitaw kong saan man ito nanggaling. Di parin ako tumitigil sa kakatakbo. Ma's lalo ko pang binilisan ang pag takbo ko nang may napapansin na akong parang may mga matang naka masid sa akin sa bawat paligid na nadadaanan ko. Hanggang sa napahinto ako dahil may naririnig na ako ng kakaibang kaluskos sa damuhan. Na parang tumatakbo din papalapit sa akin.. "Hindi!!!... wag!!!.. kung anong nilalang ka man!... diyan ka lang!!!. wag kang lalapit!.." Ang pag takbo ko naman ulit. Saka ko lang napansin na hindi na ako naka tapak sa lupa. Tanging tumatakbo na lang akong naka lutang at parang may pumipigil sa akin at may kung anong bagay na humihigpit sa tiyan ko. Pag tingin ko sa may tiyan ko may mga ugat na naka pulupot na sa akin. Nag pupumiglas ako na siyang lalong pag higpit naman lalo nito sa pag kakapulupot sa akin. "Ahh!!" napapadaing na ako dahil nauubusan na ata ako ng hangin dahil sa mahigpit na nga nitong pag kakapulupot nito hanggang sa gumalaw na ito at hatak hatak ako. Hanggang sa makarating kami sa nag iisa at sobrang laki na puno. At nanlakihan naman ang mga mata ko dahil sa nag gagandahang mga liwanag na nakapalibot dito. Dahan dahan naman akong binaba ng ugat na nakapulupot sa akin saka kumalas sa tiyan ko. Manghang mangha ako sa nakikita ko ngayon. "To-totoo ba ito?... napaka ganda naman..." at lumapit pa ako sa puno. Sobrang dami ng mga alitaptap na ito pala ang nasisilbing ilaw sa malaking puno na ito. "Te-teka anong... lugar na ba ito?... ngayon lang ito lumitaw sa panaginip ko..." "Anastasia!!" "Gising uyy!! Anastasia!!!" Rinig ko naman ang boses ng kaibigan ko sa kabilang ibayo. "Uyy!! Anastasia gising na!!" Sabi na nga ba eh nanaginip na naman ako. Dahan dahan ko naman minulat ang mga mata ko. "Hays!! buti at gising ka na!! Kanina pa kita ginigising dahil umuungol ka diyan nag we-wet dream ka na naman ata eh!" maktol naman nito. "Baliw! grabi ka naman, wet dream talaga hahah!!" "Eh' ano na naman ba napapanaginipan mo at panay ungol ka, teka bangungot na ata?" Napa buntong hininga naman ako, saka bumangon sa higaan at umupo sa gilid ng kama. "Napanaginipan ko na naman ulit." Napakunot noo pa itong tumitig sa akin. "Alin? yong lugar na naman ba na punung- puno ng misteryoso na lagi mong kini kwento?" Bahagya na naman akong tumango. "Hays!! ayan ka naman tigil tigilan mo na kasing manood o mag basa ng nakakatakot o tungkol man sa napaka misteryosong ganapan ako'y natatakot na sayo eh, kinikilabutan tuloy ako ohh." sabi nito na pinakita pa nga sa akin ang mga nag tatayoan na mga balahibo nito. Napangisi naman ako. "Sorry naman po... hinahanap ko kasi kung anong ibig sabihin non ba't ko lagi napapaniginipan ang mga ganon." "Hmm' wag mong mamasamain ang sasabihin ko sayo ngayon Tasia ha,... hmm... mag pa psychiatrist ka na lang kaya." Natahimik naman ako at napaisip. "Sige na.. malay mo naman ayan ang makakasagot diyan sa mga napapanaginipan mo." "Sa mga baliw lang iyon ano kaba Melisa!" "Hahaha hindi ahh! Grabi ka naman hindi ko din sinabing nababaliw ka, ang alam ko sa psychiatrist kasi mga ganyan sayo ang mga pasyente eh yung mga nanaginip ng mga ganyan kakaiba na napaka misteryoso." "Saan mo naman nalaman iyan?" "Sa mga napapanood ko sa kdrama." "Ayon!.. sa kakanood mo ng kdrama may natutunan ka na naman eh no." natatawang sabi ko dito "Oo nga' tara try natin e research ang psychiatrist at yang napapanaginipan mo lagi." "Hay naku Melisa bahala ka diyan! Ako'y maliligo na male late na tayo sa klase." nag tungo na nga ako ng banyo. Nag madali na din itong kumilos. * * * Hi' guy's I'm Anastasia De Luna 26 year's old. 4th year college na at Fine Art Major ang kursong tinake ko. Sa araw nag aaral sa gabi naman nag tatrabaho. hep! wag mag isip ng ano ha' isa po akong waitress sa isang sikat at pang mayayaman na bar. Minsan din rumaraket sa mga hotel janitress, staff, marami pang ibang paraan para matustusan ko lamang ang mga gastusin ko sa pag aaral. Kaya Kunting push na lang matatapos ko na ang pakikipagkera ko't makakamit ko na ang diploma inaasam asam ko. Kaylangan kumayod para matupad ang pangarap, na maging isang mahusay na artist yung tipong makikita ko ang mga painting ko sa mga kilalang Gallery. Ang saya ko siguro non'. Bukod sa pag pi-painting, hilig ko din mag basa ng mga misteryosong kwento. Kaya kung ano ano na ang na iisip ko ngayon lalo na ang mga napapanaginipan ko. Tungkol naman sa pamilya, wala akong problima dahil kahit ampon lang ako ng mga De Luna, nakikita ko parin ang pagmamahal nila sa akin na tinuring parin nila akong parang tunay na anak. Oo ampon lang po ako. Napulot lang daw nila ako sa kangkong'an charriizz.. Nakita na lang daw nila ako sa may harden nila. Hinanap din nila kung sino nag iwan sa akin doon ngunit wala parin silang nakuhang inpormasyon tungkol sa akin, kaya hanggang sa naisipan na din ng mag asawa na kupkopin ako dahil wala naman din daw silang anak. Baka ako na daw ang sagot sa matagal na nila inaasam na magkaroon sila ng anak. "Ano arat's na?" tanong ko kay Melisa na nag aantay na pala ito sa labas ng pinto. "Naku' jusmeyo marimar!! Tasia ilang minuto na ako nag aantay ang bagal bagal mong kumilos!" biglang singhal naman nito sa akin "Hahah, Oo na sorry na po." "Bilis male late na talaga tayo!" naka busangot parin na sabi nito at nag patiuna nang lumabas ng dorm namin. "Hahaha oo na po"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD