Chapter 1

2948 Words
PRICK "Congrats guys! I already know that you would win to this competition again." Slang na bati ni Oliver samin pagkabalik namin sa backstage. Kakagaling lang namin ni Luke sa labas para tanggapin ang trophy at awards dahil sa pagkapanalo sa kasalukuyang competition. "You must congrats yourself first, Olivia, for being the best manager." I winked that made him chuckled. Si Luke naman pinalo ang puwet niya bago siya lagpasan. Napairap ako nang makita na mas nag-enjoy siya sa ginawa ng partner ko kesa sa compliment ko. Syempre ano nga ba ang laban ng magandang katulad ko sa lalaking lalaki ang gusto? Anyway nagpaalam na rin ako sa kanya afterwards since may victory party kami at kailangan ko pang magbihis. Sa locker lang naman ang punta ko dahil may baon na naman akong party dress. By 7:00 pm, dumaan muna kami sa isang restaurant for dinner. Bukod kay Olivia at Luke, may iba pa kaming kasama; make up artist, choreographer et.al. Isang oras lang naman ang tinagal namin sa pagdidinner pagkatapos diretso na kami sa paborito naming bar which is Old Mate's Place ang name. It was a rooftop bar. Kaya kapag may kinaiinisan kang tao sa dance floor, itulak mo na lang. Just kidding! Actually this is the last month na nandito ako sa Sydney. I admit, nalulungkot akong iwan ang lugar na kinasanayan ko na. Hindi ko alam na ganito pala kahirap sa pakiramdam. Noong nagdesisyon ako, hindi naman ako nahirapan. So I don't get why I'm frustrated right now. I mean, I will leave this place with reason. Maybe it's just adjustment take a lot of time. Besides, my dear sister needs us. Kahit hindi pa sabihin ni Daddy, uuwi talaga ako ng Pilipinas para sa kanya. She already lose two mother and I wasn't there during her hardest times. Gusto kong makabawi dahil sa lahat ng kapatid ko, si Rain talaga ay may malaking naitulong at pinakaclose ko. At least, makabawi man lang ako sa lahat ng ginawa niya through being there in her recovery stage. Gusto ko rin makita ung ex niya sa personal. Noong sinamahan ko kasi siya last month sa Pinas para puntahan si Aki, hindi ko ito nakita kahit nakapag-usap naman sila. Hindi naging maganda ang resulta which is nadala ko rin ng gabing iyon. Now that I mentioned relevant infos about that night, unwanted memories suddenly popped up in my mind. "Hey! Are you alone?" Nilingon ko ung nagsalita at bahagya siyang pinasadahan ng tingin. He's wearing a button down striped long sleeve polo and ripped jeans. At kahit hindi ko tanungin, alam kong may lahing banyaga ang isang ito. "What do you mean by alone?" I flirted back because I found out that he wasn't bad at all. "Being with someone tonight or in terms of relationship?" "If you want both then do as what you please, my lady." I chuckled and stared back at him in seductive way. "I'm with my sister and I might be in a relationship tonight." He grinned as he get what I was meant. Afterwards niyaya niya ko na pumunta sa liquor stall. Pumayag agad ako. Libre niya raw eh. Along the way, nagpakilala kami sa isa't isa. He is somewhat goofy so it wasn't boring to talk with him. Nakailang baso na nga kami ng cocktail. Aware naman ako na hindi ito ang gusto niya, ang makipagkuwentuhan sakin buong magdamag. Hindi ko lang alam kung bakit ang dami pa niyang pasikot-sikot. Hindi niya na lang ako sunggaban eh. Papatulan ko naman siya agad. "Excuse me for a minute, Craig. Restroom lang ako." Paalam ko nang makaramdam ng tawag ng kalikasan. Mukhang hindi na kinayang buhatin ng tiyan ko ang lahat ng ininom. "Sure." Aniya kasabay ng pagtayo ko. Ngumiti pa ko sa kanya bago tumalikod at binagtas ang daan patungo sa restroom. Kinuha ko rin ang phone ko sa clutch nang mapansin na mukhang natagalan ako sa pagtambay. Mamaya hinahanap na pala ako ni Rain. Luckily, 15 minutes pa lang naman ang nakakalipas simula ng maghiwalay kami. Wala rin siyang text. Baka hinahanap pa rin niya si Aki o kausap niya na ngayon? Me: where are u? Nakapasok na ko sa restroom no'ng sinend ko ung text. Dumiretso agad ako sa unang bukas na cubicle na nakita ko then pagkalabas ko, tsinek ko ulit ang phone if may reply ang kapatid. I protruded my lips as I saw nothing in my Notification Center. Nagpasya na lang ako na magretouch lalo na't napansin ko na kumupas ang suot kong lipstick. Inayos ko rin ang pagkakaside part ng ringlet kong buhok. Straight at jet black talaga ang natural na buhok namin but I find it boring so I changed mine. Bukod sa pinakulot ko ito, pinalagyan ko pa ng highlights. The result was perfectly good kaya ito na ang naging style ko sa nagdaang tatlong taon. So far, I don't have a plan to change it. Sa kalagitnaan na ko ng pag-aayos ng suot kong strapped dress nang makarinig ng hingal. Hindi ko naman sana iyon papansinin kung hindi ko lang talaga naririnig ng malinaw. The sound created by someone is something similar to a person who have a convulsion. It gives me the fear and chill because I know that I'm just alone in this restroom. Nilingon ko pa ang main door habang naglalakad palapit sa pinakahuling cubicle kung saan ko naririnig ang ingay. If ever kasi na multo ang makikita ko, alam ko na agad kung saan ako tatakbo. Napakagat ako sa ibabang labi nang makita ang siwang. Nandito lumalabas ang ingay na nanggagaling sa loob. Nanginginig kong tinulak ang pintuan gamit ang mga daliri ko. Mabilis na nanlaki ang dalawa kong mata nang bumukas ito at binulgar ang nasa loob. I did nothing but to scream from the bottom of my lungs and run out. "What the f**k!" I exclaimed in disbelief and irritation. Walang pakialam kung pagtitinginan man ako ng mga tao sa paligid. Pinilig ko ang aking ulo para iwala ang imaheng nakita pero kingina lang! ayaw akong tantanan! The image of woman getting startled because of my presence, keep spinning on my mind, together with the man who just looked at me like what he's doing is no big deal at all. Mga hayop! Akala ko pa naman may kinoconvulsion na, ibang convulsion pala ang nangyayari. I'm scared for nothing. The heck! Sanay naman ako makakita ng ganong scene pero hindi ko lang talaga inaasahan na iyon ang makikita ko sa cubicle kaya nagulat talaga ko. Sa dinami-dami naman kasi, bakit sa restroom pa? Gusto pala ng public, ba't hindi maglive sa f******k? Kagigil! "Ma'am Winter!" Kasabay ng malakas na pagtawag sa pangalan ko, napaigtad ako sa higaan ng marinig ang tatlong beses na pagkalabog ng pintuan. Padarag akong bumangon at tinungo iyon. "What?!" Singhal ko pagkabukas ng pintuan. At ang maid, halos manginig na sa takot ng makita ang galit kong mukha. "Ma'am kasi...a-ano.." I arched my brow, signifies that I'm demanding for her explanation. Because seriously? Simula pa lang no'ng una, sinabi ko na sa kanila na ayoko sa lahat ang binubulabog ang pagtulog ko ng walang dahilan. My goodness! "Ma—malilate na po kayo sa klase niyo." Then she bended her head downward with shame. "Klase? Ngayon na ba 'yon?" Tiningala niya ko. Iniiwasang magkasalubong ulit ang paningin namin habang paulit-ulit na tumungo. "Oh right!" Bulalas ko ng agad maalala ang sinabi ng kaharap. Nagulat siya pero hindi ko na iyon pinagtuonan pa ng pansin. Tumalikod ako at nagmamadaling tinungo ang bathroom. Holy s**t! Malilate pa ata ako sa first day ko sa MIU. Nasilip ko pa naman ung oras sa phone ko. I only have thirty minutes left until the class starts. Minadali ko pa tuloy ang pagligo ko para lang magkaroon ng panahon para sa make up session. 8:40 AM na ko nakarating sa mismong harap ng classroom. Iniexpect ko ng may prof since ten minutes akong late kaya napag-isipan ko na rin ang sasabihing dahilan. Pero sana hindi na lang pala ako nag-isip. Hindi rin naman kasi kinailangan. Tinanong lang ako kung enrolled ako sa klase niya then pinapasok na ko agad pagkasabi ko ng 'yes'. Dumiretso ako banda sa kanan kung saan may nakita akong bakanteng upuan. "Does someone sit here?" I asked to my potential seat mate. Naninigurado lang. Mamaya nakareserve pala ito para sa kaibigan. Ayoko naman na mamahiya sa unang araw pa lang ng klase. Inilingan ako ng lalaki kaya tinanggap ko ng doon ako uupo. Nilapag ko sa armrest ang backpack purse ko at hinarap siya. "I'm Winter Arguelles." "Peter Cenina." He smiled. "Ow? Akala ko may katabi na kong superhero." He bit his lower lip to stifle his chuckle. "Shifter ka?" I shook my head. "I came from Australia." "Oh! That's kinda far. What made you transfer all the way here?" "Family problem." I simply replied na hindi niya na inusisa pa. Imbes tinanong niya na lang ako tungkol sa naging buhay ko sa Australia. Mukhang wala naman sa kanya kung dadaldalin ko siya habang nagsasalita ang prof sa harapan kaya tinodo ko na. Sampung minuto ata kaming nagbubulungan at palihim na nagtatawanan dahil sa mga kuwento at biro ko. Nakisali rin ung dalawang lalaki na nakaupo sa unahan namin. Good thing, hindi kami napapansin ng prof kahit panay ang lingon nila sakin. Nawala lang ang focus ko sa kanila nung aksidenteng napabaling ang tingin ko sa harapan. With arrogant, cold and firm posture, a familiar man entered the classroom like he is somewhat rules supreme. Naglakad siya papunta sa gawi ko kaya mas nakikita ko ng malinaw ang mukha niya. Confirm! It was him. The guy I saw one month ago in restroom. What a coincidence! Siguro kanina hindi niya ko napansin o nakita but once for a while, our eyes met. Nalagpasan niya ko ng tingin pero agad din iyong bumalik isang segundo lang ang nakalipas. His face may not have any expression but I can see how curious his eyes was, how it wandered around to seek for an answer. Pero ipinagpatuloy niya pa rin ang paglalakad, keeping his posture firm and inevitable. "Hey dude! San ka galing?" Bati ni Elias pagkalagpas niya sakin. Kung siswertehen nga naman, sa likod ko pa siya nakaupo. "You're half hour late." "I have a clock, Elias." Coldness trailed to his deep voice. "Yeah," Elias chucked. "But you didn't use it. It was first day of being a third year dude and you're very much late." "Even I'm late, we're still equal. When I ask you what did Croco explaining about, I bet you can't answer me." I don't know what Elias did but I never heard anything right after. Hindi ko na rin nilingon pa sila dahil ano naman ang pake ko? Yeah, I found out that he's really handsome but he's a prick fucker so no thanks na lang. Imbes binaling ko na lang ang atensyon sa unahan but of course, para lang masabi na nakikinig. Although kung saan-saan na lumilipad ang utak ko. I even poked and asked Peter if where's the cafeteria? Para naman after ng klase, diretso na ko roon. Sa pagmamadali kasi kanina, hindi na ko nakakain. Hindi ko naman alam na pwede pa lang malate ng kalahating oras myghad! "Hey, may kasama ka? You can join us." Yaya sakin ni André pagkatapos magdeklara ng prof ng class dismissal. He's already wearing his backpack and seemed ready to go. I smiled at him. "Maybe next time. I'm with my twin sister kasi." "Ow? We'll go first then." "Sure. See you na lang mamaya." He nodded at me with sweet smile. Ganon din si Peter at Marcus bago nila ko iniwan. Maya-maya lang ay umalis na din ako after matanggap ang reply ni Rain. Plano ko sana na daanan siya sa COB pero sinabi niya sakin na nasa cafeteria na siya kaya dumiretso na ko roon. So I still end up in following my original plan. Sa hamba pa lang ng glass door ng cafeteria, natanaw ko na agad ang kapatid na nakaupo sa isang table kasama ang isang babae. I guess, it was her bestfriend. Era ata ang pangalan sa pagkakatanda ko. "Szcharina!" I called. Nilingon niya ko agad pero agad din ang pag-iwas niya. Hindi pa siya nakuntento. Bumaling pa talaga siya sa kaibigan niya na para bang hindi niya ko nakita o narinig. My side lips rose up and about to walk towards her when I caught something first. Napalingon ako sa kanang banda kung saan ko naramdaman ang mga pares ng mata na bumaling sakin kanina sa pagsigaw ko. And there, I found the guy with his friends. Our eyes even met for seconds and just seconds huh? But the coldness of his hooded eyes almost made me wear a wool jacket. Iirapan ko na sana siya lalo na't wala siyang karapatang sungitan ako. Duh? Ako ang may pangalan na Winter dito 'no. Di ba dapat ako ung cold sa aming dalawa? But then, my eyes immediately darted to a guy besides him. Bukod sa kapareho niya ng expression ang isang 'to, medyo pamilyar sakin ang mukha nito. I think, I saw him. Hindi ko nga lang matandaan kung saan. "You looked familiar." Tuluyan kong hinarap ang grupo. Ang titig ay nasa pamilyar na lalaki. Pilit na inaalala kung saan ko nga ba siya nakita. He looked at me too, slightly confused. After a while, there's a glitch effect that puts my memory back out the sudden. May segundo pa na hindi ako makapaniwala lalo na't hindi maipagkakaila na gwapo ang isang ito. Like I can't believe that he's more handsome in personal. "You're Achilles Mirabueno right? Szcharina's ex." Instead of answering me, he shut his mouth more. I also witnessed how his expression darkened before he looked away. Hindi ko alam kung bakit mas binigyan lang ako nito ng dahilan na dumaldal. "Sissy!" Tawag ko ulit sa kapatid. Ilang sandali rin akong naghintay na lumingon siya pero hindi niya ginawa o kahit ginawa niya man, ganon pa rin naman ang kalalabasan. Sasabihin ko pa rin ang sasabihin ko. "Gwapo naman pala ng ex mo. I'm so proud of you! Ang galing mong pumili." The guy beside Achilles laughed. Ito ang dahilan kung bakit bumalik ang tingin ko sa kanila mula kay Rain na halos ibaon ang mukha sa mesa. Parehong-pareho sila ni Achilles na ayaw sa compliment dahil salubong ang kilay nito habang walang emosyon akong pinagmamasdan. Sus! Sila na nga ang pinuri. Weirdo! "You're unbelievable." The guy who just laugh said. "Thanks." I smiled sweetly. He laughed again. "I'm Darius Mirabueno." "Winter Arguelles–oh? Mirabueno? Magkapatid kayo?" Turo ko kay Aki. Darius chuckled sexily. "No. The three of us are cousins." Sabay lingon kay Aki at prick fucker. Tumaas ang kilay ko ng bahagya. "So you're a prick fucker too?" "Fucker what?" Natatawa niyang ulit. "Because he was." Tingin ko kay prick fucker. His side lips rose up with sarcasm. Imbes na matakot sa pagtalim ng titig niya, pinili ko na lang na iignora ito. "I'm sure naman na si Aki hindi. Rain won't choose a man who f**k girls wherever he want—" "Scythe Winter!" I frowned as I immediately recognized that soft voice. Sabay-sabay din namin nilingon si Autumn na sa akin nakadirekta ang tingin. She don't have that sharp stares but her pair of almond eyes shadowed with warning. "What are you swearing about?" She asked then took a peek at Darius' table. "Nothing." I denied right away. Nagsimula na rin akong umatras at tuluyan ng tinalikuran ang grupo pagkaraan ng ilang sandali. Before I leave, I saw Autumn smiled apologetically at Mirabueno cousins. Well, that's her nature. Tagalinis ng mga kalat namin. Kahit hindi naman talaga ko nagkalat. I'm not swearing either. I'm just asking for a facts. Kinagabihan, nasa kwarto na ko at kasalukuyang kinakalikot ang cellphone ko nang lumabas sa newsfeed ko ang recent post ni Darius. It was just his selfie pics but it urges me to stalk his entire profile. Marami akong nakita, iba't ibang tao. So I realized that his sphere of influence are wide like mine. Ibang-iba kay Aris na kahit isang picture ng kaibigan ay wala. Puro photoshoots niya lang at mga architectural drawings ang pumupuno sa profile. Aki, on the other hand, is a private person. Kung hindi niya lang ako in-accept, siguradong wala kong makikitang picture niya. Ngayon alam ko ng may karapatan talaga siyang iisnob ang friend request ko sa sss ng tatlong buwan dahil hindi maipagkakailang may ibubuga rin siya. After kong magpost sa IG stories, natulog na rin ako lalo na nung mapansin ko na madaling araw na pala. Kaya naman tinanghali na ko ng gising kinabukasan. Pero hindi naman ako nagmadali dahil isang subject lang naman ang papasukan ko sa araw na ito at ten o'clock pa ang time sched. Nakapagworkout pa nga ako bago nagshower, kumain at bumyahe papunta sa MIU. "Hi!" Bati sakin ni Peter pagkarating ko sa room. Nakasalubong ko pa ung prof sa first subject nila at pinagalitan pa ko dahil sa suot ko. But what she can do anyway? E suot ko na. Alangan naman bumalik ako sa bahay para lang masunod ang gusto niya 'no. "Hello." I greeted back. I also glanced at Aris who simply gazed at me from head to toe. Akala ko nga ay magkukunware siyang hindi ako pinapanuod pero hindi niya naman ginawa. He even stared back at me and gave me a 'what's-your-problem' look like I'm the one who did an illegal thing. I rolled my eyeballs as I sat on my chair. Hindi na siya pinatulan pa. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD