CAUGHT
"Winter!"
I rolled my eyes as I heard Aris’ voice behind. Hindi ako huminto at lalong hindi ko siya nilingon. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nagtitipa ng reply sa chat ni Luke.
"Sandali!" aniya sabay hila sa siko ko. Wala tuloy sa oras akong napalingon sa kanya.
"I thought, we already broke up?" I shot back with poker face.
Dudugtongan ko pa sana na tutal kaya niya naman ngumiti at makipagbiruan sa kaibigan as if hindi kami magkaaway kaso hindi ko na natuloy. May lumagapak kasing kung ano malapit lang samin na s’yang dahilan para dumako ang atensyon ko roon.
My lips parted for a moment when I found out that it was Szcharina. She has wide eyes while looking on our way. It took a while before I realized why she has reaction like that.
Agad akong lumapit sa kanya pero bago siya hinarap, dinampot ko muna ang cellphone niyang nalaglag.
"Alam kong nagulat ka pero wag munang ilaglag ung phone mo. Kakabili mo lang nito eh."
Tumikhim siya kasabay ng pagtanggap niya sa inabot ko. Sandali niya iyong tinignan. Siguro chinicheck kung may nabasag then nag-angat siya ng tingin sakin. Panandalian nga lang since tumagos din ung walang ekspresyon niyang mata sa likod ko. Kung saan nakatayo si Aris.
"Don’t worry, huli ka na sa balita. Break na kami."
"Nakakadalawa na kayo sa lahi namin ah o uso lang talaga ung pasurprise?" Singit ni Darius. Dahilan para sabay kaming mapasulyap ni Rain. Namataan namin siyang nakahalukipkip habang palipat-lipat ang tingin saming magkapatid..
"Akala ko ba kayong dalawa ang pinakaclose? Why Rain seemed clueless?"
"We truly are. The reason why I couldn’t tell her." Sagot ko saka bumaling kay Rain para imuwestra siya sa kausap. "I know that she would react this way. Tahimik lang ‘to ngayon pero kapag kaming dalawa lang, siguradong tatalakan niya ko."
Disagreement written all over my sister’s face but I choose to ignore it. Patuloy lang ako sa pagkukuwento.
"Kaya nga sa pinsan mo ko makikitulog mamaya eh." Ngisi ko na ikinalukot ng mukha niya. Grabe din siya kung makatingin. Kulang na lang lumampasay ako sa sahig dahil sa talim nito.
Malandi akong tumawa. "Sabi ko nga nagbibiro lang."
Hindi siya nagsalita pero nanunusok ang kanyang tingin.
Lumabi ako sa ideyang malamang kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan niya. Though hindi ko siya masisisi. Kahit kambal kami, magkaiba pa rin kami ng pananaw sa bagay-bagay.
Rain is always the conservative type, smart girl and sentimental. The reason why she won't ever understand my views in dating. Why I entered in relationship without taking it seriously. Hindi katulad niya na kapag pumasok sa relasyon, parang 'yon na ung first and last niya. Parang si Autumn din.
I find their ways boring and maybe for them, my ways were too voluptuous. Kanya-kanya naman tayo. Hindi ko pwedeng ipilit na tama ang pananaw ko at mali ang kanila o vice versa.
Pero madalas, ako talaga ung nasisilip. Lalo na ngayon na nalaman nilang nakikipagdate ako kay Aris. Parang gusto kong isipin na nag-usap ang dalawa dahil pareho ang naging reaksyon nila.
Naiintindihan ko naman na nag-aalala sila bilang kapatid but they should trust me. Hindi naman ako marupok. Oh well... depende kung sino ang nanunuyo.
"Tapos ka na sa plates mo?" Salubong sakin ni Cindy pagkapasok ko ng classroom.
"Hindi pa. Ikaw?"
"Yup. Kahapon pa."
"Sana all." Tukso ko na ikinangisi niya. Nilapag ko ang bag sa upuan pero hindi muna ako umupo. Humilig lang ako sa backrest ng nasa unahang upuan saka pinag-ekis ang mga braso ko.
"Hirap ng CADD. Hindi ko alam kung paano ang gagawin do'n."
Tumaas ang kanang kilay niya. "Sus! Nand'yan boyfriend mo. Magpatulong ka! Sayang naman ung buhok mong nalagas para lang ipaglaban siya sa pilantropong 'yon."
I glared at her. Pero imbes na natakot, mas lalo lang lumapad ang ngisi niya. Suminghap ako at marahas siyang inirapan.
"Gusto mo rin malagas buhok mo?"
She chuckled. "Ito naman di mabiro. Pero dali na, magpatulong ka na kay Aris. Sigurado akong hindi ka non tatanggihan."
"Ayoko nga. Baka sabihin niya jinowa ko lang siya para pagawin ng mga assignment ko."
"Hindi ba?"
Matalim na tingin ang agad na pinukol ko kay Cindy. She smiled apologetically and even made a peace sign. Ambahan ko na sana, nakakadalawa na eh.
"But how did you two end up dating each other? Kahapon lang, para kayong aso at pusa. Konting bagay, pinagbabangayan niyo."
"Hindi ko rin alam." kibit balikat ko, hindi siniseryoso ang pagsagot. "It feels weird right? Baka ginayuma ako, di ko lang alam."
"Ay wow! Ikaw pa talaga ung ginayuma ah. Hindi ba siya—aray!" daing niya dahil sa bahagyang paghampas ko sa kanyang balikat.
Akala niya ata papayag ako na makaka-three strikes siya sakin.
"Ayan! Kanina ka pa kasi. Ako ba talaga ung kaibigan mo o si Aris?"
Sumimangot siya habang himas-himas ang balikat niya.
"Ikaw syempre kaya nga nagpapakatotoo ako sayo."
"Nag-aaway ba kayong dalawa?" Si Hydia na hindi napansin na nakalapit na pala samin. May hawak-hawak siyang kape at may suot na salamin na sigurado akong walang grado.
Sabay namin siyang hinarap ni Cindy.
"Hindi. Naglalambingan lang kami." Ngisi ko. Ganon din ang ginawa ng kaharap ko.
"Mapanakit na lambingan." ani pa niya.
Tumaas ang kilay ni Hydia habang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Ang weirdo niyo." Iling niya saka nilagpasan kami para maupo sa kabilang upuan. Kapwa kami natawa ni Cindy at maya-maya lamang, nagpasya na kong bumalik sa upuan ko.
Like the usual, hectic ang sched namin o baka ako lang ‘yon? Ako pa lang ung walang gawang plates kaya ako itong hectic. Ni hindi ko alam kung bakit Architecture ang kinuha ko gayong napakatamad ko naman at walang time management. Dinaig pa ko ni Aristotle na ngayo’y pachill chill lang sa cafeteria samantalang ako, dito sa tambayan sa CAFA, nagrarush ng gawa.
But alright! Tanggap ko naman. Tanggap ko naman na kasalanan ko ‘to. Kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon.
We don’t usually lock the door in this room but I did this time. Ayokong magpaistorbo. Nagpamusic na rin ako para marelax ang utak ko habang gumagawa.
I was focus the whole time na hindi ko namalayan kung gaano ako katagal na nasa loob lang ng kwarto. Alas dos pa ang next class ko kaya hindi ko kailangang magmadali. Though hindi talaga maiiwasan na may mangyaring mga maliliit na aksidente.
"Gosh!" Stress kong sambit habang nakatingin sa damit kong natuluan ng pintura. Pinanuod ko pa ang marahang paglawak nito sa damit ko bago binaba ang hawak na brush.
"Bakit nga ba hindi ako nagbaon ng damit?" Bulong-bulong ko pa pagkuwa’y tumayo at tinungo ang pinto. Lumabas ako at dumiretso ng restroom. Bahagya pa kong may nakasalubong na mga kaklase na tinanong kung anong nangyari sakin. Of course, I told them an obvious answer.
Sampung minuto at natapos ako sa paglilinis ng parte ng damit kong namantsahan. Piniga ko pa iyon na s’yang dahilan para magusot. Pinagpag ko rin para masiguradong wala ng tubig na matitira at para mabilis matuyo.
"Dito ka lang pala."
Tiningala ko si Aris nang marinig ang boses niya di kalayuan. Ramdam ko rin ang presensya niya pagkabalik at pagkapasok ko rito sa tambayan pero nauna nga lang siyang magsalita. Dahilan para tuluyan niyang maagaw ang atensyon ko mula sa ginagawa.
Nakatayo siya sa harap ng gawa ko habang nakatitig sakin.
"Tinatapos ko lang ung plates ko. Why?"
"Kanina pa kita hinahanap. Did you already eat?"
Umiling ako at bago siya tinabihan, nahagip ko ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga.
"Don’t worry, busog pa naman ako."
"Kahit na. Kumain ka na muna sana." wika niya sa iritadong tono. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon pagkuwa’y naupo ulit. Hindi na pinansin ang pagdilim ng titig niya sakin.
I’m sure, aalis din yan mamaya at iiwan akong mag-isa ulit. Lalo na’t mag-aala una na at may klase pa siya. Irregular student ako kaya hindi kami pareho ng schedule.
Tumikhim siya pagkaraan ng ilang sandali. Siguro na-gets niyang hindi niya ko mapipilit na kumain kahit buong oras niya pa kong pagmasdan ng may pagbabanta.
He then moved and walked towards the door. Nag-angat ako ng tingin at pinanuod ang pagmartsa niya palabas. Mukha naman siyang hindi galit dahil hindi naman malakas ang pagkakasarado ng pinto. Pero baka galit din? Hindi niya kasi ako nilingon kahit isang beses o nagpaalam man lang na aalis.
I pursed my lips as I stared at the door. Did I piss him off? Are we going to fight again?
Shit! Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Kung ano kami noon, parang hanggang ngayon ganon pa rin. Wala atang araw na hindi lumilipas na hindi kami nagkakaroon ng tampuhan.
Malalim akong bumuntong hininga. Ilang segundo at dumapo ang tingin ko sa phone ko sa sofa. Tumayo ako at kinuha iyon.
@nikearistotle:
• wru??
• hindi mo kasama sina Cindy?
• Winter?
Napakagat ako sa ibabang labi nang mabasa ang sunod-sunod niyang pagmessage. Sobrang abala ko kanina na nawala na sa isip ko na magpaalam. Maybe hindi ko rin in-expect na hahanapin niya ko because that’s not him. Hindi siya ang tipong makikiusisa sa kung ano man ang ginagawa ko sa mga oras na ito o kung saang lupalop ako nagpunta.
Or mali lang ako ng pagkakakilala?
Pinindot ko ang chat box para magreply pero ilang segundo na ang lumipas, nananatili lang akong nakatitig sa screen. Nasa utak ko na kanina na magsorry pero hindi ko alam kung bakit nakatunganga lang ako. ‘Na para bang hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
The door creaked and absentminded, my eyes darted on there. Huli ko nang napagtanto kung sino ang pumasok, kung kailan nakalapit na siya sakin ng tuluyan.
"Magbihis ka muna at kumain. Ako na ang tatapos nito." ani Aris saka hinawi ng konti ang vellum ko para malapag ang supot ng pagkain na dala niya sa mesa. Inabot niya naman sakin ung blue shirt niya na napag-alaman kong college shirt niya pagkatanggap ko.
My left brow shot up. "This is your college shirt."
"I know," he scoffed.
"You sure, you want me to wear this? Hindi mo na ‘to magagamit." Ulit ko dahil hindi nga siya nagsusuot ng damit na nasuot na. Sinisigurado ko lang naman na hindi siya nagkamali sa pagbigay. It was his college shirt after all. Pre-order ang isang ‘to kaya matagal ulit bago mapalitan.
"Just wear it, Winter." May riin ang pagkakasabi niya sa pangalan ko. Senyales na kailangan ko ng tumigil sa pagtatanong. Suplado!
Sinimangutan ko siya pero tumayo rin ako sa pagkakaindian sit sa sahig at naupo sa couch. Itataas ko na sana ang damit ko para hubarin nang maalala na nand’yan nga pala siya.
"Huwag kang lumingon. Magbibihis ako."
He glanced at my way with boring expression. Like there’s nothing to be seen on me so why did he bother to do it. Bigla akong nairita dahil do’n. Feeling ko, nainsulto ang pagkababae ko.
"Watch me then," hamon ko. "Let’s see if you still wear that face."
"Enough with your recklessness, Winter. Just do what I told you to do." He replied without looking at me. He already busied himself on my undone plates too. So I doubt he would feel how sharp my stares were.
Humalukipkip ako at bahagya siyang inirapan. Tinuloy ko na rin ang paghuhubad ko at pagbibihis. Afterwards, I pick up the food and started to eat it.
It was a lunch meal, a beef broccoli with cup of rice. Bukod sa bottled water, may kinuha rin siyang orange juice para sakin. Bigla tuloy nawala ang inis ko sa kanya dahil sa masarap na pagkaing dala niya.
Ang unfair minsan kapag alam ng boyfriend mo kung paano ka hulihin ‘no? Bigyan ka lang ng paborito mong pagkain, okay na agad kayo. Konting lambing lang, wala na agad ung tampo mo.
Hindi ko na tuloy alam kung kilala ko pa ba ang sarili ko. Hindi naman kasi ako ganito karupok noon. Or it’s just I’m like this when it comes to Aris?
"Birthday ni Aki next week."
Tumigil ako sa pagnguya nang marinig ang sinaad niya.
"Really? Anong date?"
"21,"
"Magkalapit lang pala kami ng birthday,"
Although October 1 pa naman ang birthday namin at halos tatlong linggo pa simula ngayon. Kaya medyo wala pa sa tatlo ang magplano. O baka nakalimutan talaga nila na magbibirthday na kami?
Special pa naman ang taon na ‘to since after so many years, magsi-celebrate ulit kami ng magkakasama dito sa Pilipinas. ‘Yung debut magkakasama rin naman pero sa London iyon ginanap.
It was grand and extravagant celebration because Tita Rosie was the one who planned it. Laging taliwas ang opinyon naming dalawa pero pagdating sa pagdiriwang na iyon, nagkasundo kami sa unang pagkakataon.
Mula sa photoshoot, tema at sa mga bisita, lahat ay sumisigaw ng karangyaan. Kaya hindi na ko nagtaka kung bakit milyon-milyon ang ginastos noon sa debut naming apat. Worth it naman ang naging kinalabasan. I couldn't agree more how we looked royalties that night of October 1st.
"Where’s the venue anyway?" usisa ko pa.
"I’m not sure. Maybe sa bahay nila." Sagot ni Aris na ngayo’y katabi ko na sa upuan.
Tapos niya na ang plates ko. Ako naman ay kanina pa natapos sa pagkain. Inuubos ko na lang ung juice ko as of the moment.
"I already expected it. Simple lang si Achilles kaya siya ung tipong kaswal lang magcelebrate ng birthday."
Hindi siya agad sumagot pero ang mga mata niya ay nakadirekta sakin. Sumimsim ako sa inumin ko habang nakipagtitigan sa kanya.
Problema ng isang ‘to? Kung makatitig, akala mo wala ng bukas. Bigla tuloy akong naconcious sa mukha ko. Baka may kanin pa ko sa bibig, nahihiya lang siyang magsabi.
"What?"
I puckered my forehead, trying my best not to get drown by his stares. My heart was hammering too and I f*****g don’t know why! Nakakainis! Bakit ba ako kabado?
"Before you think of attending his party, make sure that you finish all your assignments."
Nabawasan ang kaba ko nang may mahimigan sa kanyang tono. He sounded like a mother. I can’t help but raised my side lips.
"Yeah Mom." I playfully answered and giggled. His eyes darkened but it didn’t scare me in any way. Mas lalo lang lumapad ang ngisi ko nang makita ang pagkapikon niya.
"I’m just kidding, babe! Sorry." bawi ko nang maisip na baka ito ang pagmumulan ng away namin.
Kinain ko na rin ang distansya sa pagitan naming dalawa. Dahilan kung bakit siya umismid at tinapunan ako ng maintrigang tingin.
Sa halip na magpaliwanag, ngumiti ako at pinatakan siya ng halik sa pisngi. Mukhang alam niya ng ganon ang gagawin ko dahil hindi nagbago ang ekspresyon niya. Ako pa nga iyong nagulat nang tinama niya ang labi ko sa kanya pagkaraan ng ilang beses na paghalik sa kanya.
Napakurap ako at bahagyang umawang ang bibig. Nagkatinginan kami ni pero panandalian nga lang dahil muli niyang nilapat ang kanyang labi sa akin.
Napapikit ako. At naging mariin iyon nang maramdaman ang pagdaloy ng elektrisidad sa aking katawan dahil sa paghawak niya sa mukha ko.
What’s wrong with me? Hindi ito ang unang pagkakataon na hinalikan niya ko kaya bakit ako kinakabahan? Ba’t feeling ko, baguhan ako sa ganito? Bakit excited ako na abangan ang susunod na mangyayari?
Aris shoved his mouth against mine. The reason why I lost from my own thoughts. Out of instinct, I tilted my head as my right hand held his elbow. Lumapit din ako sa kanya lalo. Ni wala ng pakialam kung nakapatong na sa kanya. The only thing that matter to me right now was his long, deep kiss. Kung paano ko iyon gantihan.
I’m already heated by it. Bawat pag-angkin niya sa labi ko ay tinutumbasan ko ng parehong lalim at mapaghanap. Bawat pagsiil niya sakin ng halik ang pagpapaubaya ko sa sarili ng lubusan.
His arms crept around my back and after a swift motion, I found myself kneeling in front of him. Hindi na nagawang makapag-react sa biglaang pag-angat. Nagmimistula akong mannequin kung buhatin niya ng walang kahirap-hirap.
Tumigil siya. Nagdilat ako at natagpuan siyang nakasandal sa backrest ng sofa. Ang mga mata ay namumungay habang titig na titig sakin.
Napakagat ako sa ibabang labi habang taas-baba ang aking dibdib. Nahihingal sa bahagyang pagkawala ng hangin. Ganon din si Aris. Naghahabol ng hininga ngunit patuloy pa rin ang paghaplos niya sa aking likod.
His rough hand and little caresses woke up something that supposed to be bedridden for a long time. Dagdagan pa ng umbok na nararamdaman ko mula sa aking hita. My face heated and only above knows what I’m thinking at the moment. s**t lang!
Bumaba ang mga mata ko sa kanyang labi. Basa ito at mapula. Once again, I’m tempted to invade it. Kaya naman hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na pagmasdan ako ng matagal.Tinukod ko ang dalawang palad sa backrest at agad siyang siniil ng halik.
He growled at my aggressive move. I was ashamed about it for a second but eventually, I forgot everything and just think of my hunger, of how should I meet the satisfaction I want. Kakain ko lang pero para akong hindi nakakain ng ilang araw sa lagay ko. Gutom ako. Gutom na gutom sa mga halik niya.
"Pre, nand’yan ka—s**t!"
Kung gaano kabilis bumukas ang pinto, ganon din ito kabilis kung magsarado. At ganon din kung maghiwalay kami ni Aris sa isa’t isa. Sobra din ang pagtahip ng aking dibdib lalo na’t nagulat talaga ako sa malakas na pagkalabog ng pinto.
Ito rin ang humugot sa akin sa katotohanang nasa school kami. Ano man ang nasa isip ko ay hindi mangyayari dahil hindi ito katanggap-tanggap.
Pagkaupo sa sofa, nilingon ko agad ang pinto kahit huli na para makita kung sino ang pumasok. Nakasarado na ito at baka tumakbo na palayo ang lalaki. I know though who was it because his voice were very familiar.
Pero sana hindi na lang namin kakilala. It freaking made me embarrass knowing that Elias caught us. I don’t think I can face him anymore. Damn! Malas naman!
• • • • • •