“Cassandra...” “Cassandra ako 'to...” May bumubulong sa akin ngunit kaysa pakinggan ito mas pinili kong huwag na lamang. “Cassandra pakinggan mo ako...” pag-uulit niya. Hindi ko na kinaya kaya naitakip ko na lang ang dalawang kamay sa magkabilaang tainga ko. Sandali lang iyon dahil bigla na lang tumahimik ang buong paligid. May kung anong humila sa akin, naramdaman ko na lang na nakahiga ako sa malambot na kama at damang-dama ko ang malamig na bagay na umiihip sa akin. Pinakiramdaman ko pa ang buong paligid saka ko lang naisip na nasa condo pala ako ng amo ko. Ibubuka ko na sana ang mga mata ko ng makarinig ako ng magakakasunod na tapak. Ang ingay kasi nito dahil nga dinig na dinig sa bawat tapak nila. Gusto kong umirap dahil ba para ipakita na mamahalin ang mga sapatos nila? Narinig

