Maaga akong bumangon dahil ngayon araw ang first day ko sa trabaho ko bilang isang kasambahay. Alas-singko palang ata at nakapaghilamos na ako at naisuot ko na rin ang uniporme na ibinigay sa akin ni boss kahapon. Masama pa nga loob niya noong ibinigay sa akin ito, labag na labag sa loob niya kaso wala na rin siyang nagawa dahil si Sir Steven na ang nagsalita. Ang lakas pala n'on kasi nagagawa niyang patahimikin si boss. Napapaisip na nga ako baka may lihim silang relasiyon. Sayang sobrang gwapo pa naman nilang dalawa tiyak na iyak ang mga babae kung sakali. Dahil alas-singko palang ng umaga napagpasiyahan ko ng lumabas ng kwarto ko. Nakalimutan ko bang sabihin na ang kwarto ko ay ang guest room na tinulugan ko kahapon? Yes! Ang sosyal ng mga amo ko kasi wala silang head quarters para sa

