“T-Toyang?” hindi makapaniwalang sambit ko. Narinig ko pa ang hagikgik niya sa kabilang linya. Hindi ko napigilan ng magtuluan ang mga luha ko sa mata. Matagal na kasi noong huli ko siyang nakausap at hindi ko na rin siya natawagan pa dahil nawala sa isip ko. Naupo ako saglit sa gilid ng kama at pinunasan ang mga luha ko sa parehong pisngi. [Ako nga! Kumusta kana? Hindi mo kasi ako tinawagan kahit binigay ko na ang numero ko kaya ako na ang tumawag,” may pagtatampo niyang usal. Natawa na lang ako dahil hindi ko maimagine na marunong pala siyang magtampo. Nasan na ba ang Toyang na makita palang ako namumutla na sa takot? Iyong Toyang na laging natataranta pag kaharap ako? Ang bilis talaga magbago ng panahon. “Sorry, marami kasing nangyare kaya nawala sa isip ko. Pero tatawagan talaga ki

