“Bakla! Buti dumating kana may malaki tayong problema!” humahangos na sabi ni Shiela. Pagpasok ko pa lang sa shop ko ay napansin ko na ang pagiging aligaga na lang dalawa. Nangunot din bigla ang maganda kong kilay ng makita ang ayos ng buong shop ko, para itong dinaanan ng bagyo sa ayos. Nagkalat ang mga damit sa lapag at ang ilan ay tila‘y sinukat pa at itinapon na lang pagkatapos maisukat. Hindi ko gusto ang nakikita ko. “What the f*ck is happening here, Berna and Shiela?!” hindi ko na naitago pa ang inis ko sa mga nakikita ko. Akala ko ay mawawala kahit paano ang init ng ulo ko, mali pala ako dahil mas lalo lamang dinagdagan nito ang inis ko. Nilapitan ako ni Berna na naluluha habang yakap-yakap ang mga damit na siya ang gumawa. Itinago ko ang pagkagulat ng makitang punit ang mga iy

