“Nanang Tibo, nakahanda na po ba lahat?” tanong ko ka‘y Nanang habang ina-ayos ang mga pagkain sa mesa. Kanina pa ako talaga gising dahil nga gusto kong ipaghanda ng almusal si Alejandro. Basta, gusto ko lang siyang ipaghanda dahil na rin sa natuwa ako sa kanya kagabi. “Ma‘am, heto na ‘yung pinabili mong pandesal,” agad na salubong sa akin ni Susan dala ang isang plastik na bagong lutong pandesal. Inabot niya naman ito sa akin na kinataas ng kilay ko. “Ma‘am?” takang tanong niya pa rin sa akin habang nakataas ang kamay niya, hawak ang plastik ng pandesal habang nakatingin sa akin. “Ilagay mo sa lalagyan.” sambit ko na nagpalaki ng mata niya. Nakanguso itong sumunod at nagtungo sa lababo upang kumuha ng lalagyan. “Ako na nga bumili tapos ako pa maglalagay sa lalagyan? Ang bad mo, Ma‘

