“Beatrice mag-usap nga tayo sandali,” sabi ko sa kaniya hinawakan ko pa ito sa braso upang mapatigil lang sa pagpasok niya sa silid dito sa guest room. Nagpapigil naman ito ngunit pinaspas nito ang braso niyang hawak ko at lumayo mula sa akin. Bored na bored na rin ang itsura nito na para bang kahit anumang oras ay tatalikuran na niya ako. Simula ng tumira siya sa bahay namin ay napansin ko na ang madalas niyang paglalandi ka‘y Alejandro. Hindi ko na gusto ang ginagawa niya madalas na rin siyang napapansin ng mga kasama namin dito sa bahay. Tinatanong na rin nila ako madalas kung bakit ganito na lang siya kung umaaligid sa asawa ko. Higit sa lahat ang pagpasok niya sa opisina ng asawa ko noong wala ako dito at na sa trabaho ako. May tiwala ako ka‘y Alejandro na hindi niya magagawang pa

