“Sisiguraduhin kong hindi na makakatapak dito ulit si Beatrice,” seryosong saad nito. Pinagmasdan ko lamang ito, kunot na kunot ang makapal ang kilay at wala kang mababa-hiran ng kahit na anong emosyon sa mukha niya. Ni hindi ko nga alam kong galit pa ba siya o ano dahil blanko ang mga ito. “Sinaktan ka pa niya sa mismong pamamahay ko!” dada pa rin niya pero sa pagkakataong ito ay lumayo mo na siya sa akin at nagtungo sa banyo ng silid namin. Pinagmasdan ko lamang ang papalayo niyang pigura, napagmasdan ko tuloy kong gaano kagwapo ang likuran niya. Suot pa rin nito ang damit niya sa pagtatrabaho, pagpasok kasi namin sa kwarto inatupag niyang tignan ay ang mga kalmot ko sa braso. Inisa-isa niya ang mga ‘yon habang nakatiim ang bagang niya. Muli itong bumalik sa kinaroroonan ko ngunit

