Beatrice Point Of View “F*ck you! F*ck you, Cassandra! argh!” Pagpasok ko pa lang sa harapan ng pinto ay alam kong dinig na kung sino man ang na sa loob ng bahay ngayon. Nanginginig ang sumalubong sa akin ang bobong katulong dito sa bahay at sinubukan kunin sa akin ang mga maleta ko ngunit ibinato ko ito sa kaniya. Gusto kong magwala, gusto kong manakit dahil sa ginawa sa akin ng Cassandra na ‘yan! Pinalayas ako ni Alejandro ng ganitong oras ni hindi man niya pinakinggan ang paliwanag ko. Palagi na lang si Cassandra! Cassandra! Pagpasok ko ng living room ay dumiretso ako sa malaking itim na sofa at doon sumalampak. Hinugot ko ang isang pirasong sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan ito at hinithit. Kahit papaano ay nawala ang galit ko, ilang hithit pa ‘yon bago ko nakita si Daddy na pab

