Sabado ngayon at pareho naming day-off ni Alejandro at ngayon ay nakahiga kaming dalawa sa kama at nanood ng pelikula. Isang oras na kaming ganito magkayakap habang nanonood. Masasabi ko na isa sa pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Sandali pa akong nagulat ng lumipat nang pwesto si Alejandro at isinubsob ang mukha niya sa bandang tiyan ko. Napa bungisngis pa ako ng makiliti ako sa balbas niyang patubo na ata dahil may kagaspangan na ‘yon. “Wala pa bang laman ‘to?” tanong ni Alejandro at hinawakan pa nito ang litaw kong tiyan. Hinimas-himas pa niya ito at paminsan-minsan ay dinadampihan ng halik. Napakagat labi na lang ako ng maalala ko na nagtataka pala ako ng pills dahil hindi pa talaga ako handa na magkaroon ng baby. Tandang-tanda ko pa kong paano ako bumili nito pagkatap

