Mukha akong tanga dahil kanina pa akong tawag nang tawag at buntot ng buntot pero hindi pa rin niya ako binabalingan ng tingin o maski ang sagutin. Hindi ko na talaga alam kung anong problema niya sa pagkakataong ito. “Alejandro!” sigaw ko. “Honey! Alejandro!” “Ano ba!” sigaw ko dahil sa frustration na nararamdaman. “Anong problema mo!” nagtitimpi kong tanong habang sinusundan siya at ngayon ay pababa na ito ng hagdan. Sinundan ko pa rin siya at dahil malaki ang bawat hakbang niya ay kailangan ko pang patakbo maabutan lamang siya. Nang maabutan ko siya ay sinubukan ko itong pigilan gamit ang pagpigil sa kaliwang braso niya. “Really, anong problema mo?” sa pagkakataong ito ay puno ng banayad ang pagtatanong ko. Pero kaysa sagutin ako ay tinignan ako nito na puno ng lamig at walang

