Chapter 8

2305 Words
Ala-sais imedya impunto na ngunit hindi pa rin ako lumalabas ng silid ko. Hindi ko kasi gusto makita o nakasalubong si Alejandro dahil masama ang loob ko sa demonyong iyon dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin na-isasauli ang cellphone ko. Kagabi sinubukan kong kunin ito sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin bagkus nagkulong ito sa may guest room. F*ck! Bwisit ka talaga sa buhay ko, Alejandro! Maaari akong bumili ng bago ngunit hindi ko magagawa dahil na sa cellphone na iyon ang lahat ng kailangan ko, naroon ang lahat-lahat kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko nakuha iyon. Na sa kalagitnaan ako ng inis ng biglang kumatok at magsalita si Cecil. “Ma‘am! Bumaba na po kayo at mag hapunan na!” sigaw nito sapat na iyon upang umabot sa pandinig ko. Hindi ko siya pinansin bagkus mas isiniksik ko ang sarili ko sa malambot kong kama dahil wala na akong planong kumain ng hapunan. Sa mga lumipas na araw naging maayos naman kami ni Alejandro, hindi na ito tulad ng dati na bantay sarado ako ngunit ayun nga hindi ko alam kung may mga kasunod pa rin ba sa akin ngunit dito sa bahay ay malaya ko ng nagagawa ang gusto ko. “Señorito, ayaw po lumabas ni Ma‘am,” dinig kong sumbong ni Cecil kay Alejandro. Mukhang na sa labas ang demonyo. Hindi ko sila nakikita ngunit dinig na dinig ko naman ang usapan nila. Wala akong narinig na komento si Alejandro baka bumaba na para kumain. Ngunit iyon ang inakala ko dahil kusang bumukas ang pinto ng silid ko at iniluwa nito ang lalakeng may yamot na mukha. Sino pa ba? Edi si Alejandro. Pinanood ko lamang itong tumayo malapit sa gilid ng kama ko, pumamewang pa ito at blanko ang ipinupukol niyang tingin sa akin. “Ayaw mo na namang kumain? Why? It is because of your f*cking phone?” malamig niyang sambit. Anong akala niya magdadala ako ng ganyan? Nang pananakot niya? Sinabayan ko ang bawat malalamig niyang tingin, sinabayan ko iyon ng mas doble pang malamig na tingin. Magkasubukan kami ngunit siya na ang kusang umiwas at nalamukos na lamang ang sariling mukha dahil siguro sa frustration sa akin. “I can buy you a new one pero ang cellphone na iyon ay akin na.” dagdag pa niya. Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya, muling tumibok ang ugat sa sintido ko dahil sa nararamdaman inis sa kanya. Masasabi ko lang na maging maayos na kami ngunit nagkakamali pala ako dahil hindi pa rin kami nagkakaintindihan. Ilang beses pa ba ako pagpapasensya at hayaan ang bawat disappointment na ginagawa niya sa akin? Ilan! “That's my phone! Naroon lahat ng mahahalagang contacts ko even my number sa bank account ko!” pagpipigil ko pang sigaw. Ayoko masayang ang pinaghirapan kong kalayaan kaya hangga't kaya ko ay nagpipigil akong huwag sumambulat ang galit ko at tuluyan ng makipag-away sa kaniya. “For pete's sake! I give you my black card! Billions ang laman n‘on!” sambit niya ramdam ko na ang pagkainis niya ngunit wala akong pakialam. “Can you please give me back my phone? Please?” gusto kong masuka dahil ginamit ko na ang pinaka-sweet kong boses para lamang mapapayag siya. Ngunit hindi siya natinag sinamaan lamang niya ako ng tingin. Ano bang problema ng demonyong ito at nagiging ganito na naman siya? I thought we're okay? Bakit ganito na naman? “I thought we're okay?! Ano na naman problema mo?!” inis kong bulyaw sa kanya dahil hindi ko na talaga siya maintindihan. “You have your own phone right? Can you please. Please! give me back my phone?” hapong-hapo kong sambit, ayaw ko ng makipag-away nakakaubos ng pasensya. “No.” tanggi niya. “What's wrong with you, Alejandro! Cellphone lang iyon ngunit bakit kailangan mo pang kunin sa akin? Hindi pa ba sapat na pati apelyido ko ay kinuha mo!” tulad ng kinatatakutan ko ay sumambulat na ang inis kong nararamdaman. Gusto ko man bawiin ang lahat ng sinabi ko ngunit huli na dahil nasabi ko na, isisigaw ko na ito sa pagmumukha niya. Nag taas baba ang magkabilang balikat niya, nagtagis din ang bagang niya alam kong nagtitimpi siya nakikita ko iyon. “This is bullsh*t!” bulong niya ngunit rinig na rinig ko pa rin. Hindi na ako nakapagtimpi at napatayo ako ng wala sa oras, hinarap ko siya. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang galit ko. I pointed my index finger to his chest. “You are the bullsh*ts here! Gusto mo laging ikaw ang nasusunod! Pag sinabi mo dapat sinabi mo! I am not your f*cking robot, Alejandro!” I shouted. “Bakit mo gustong makuha iyon kung wala kang tinatago huh?” napatigil ako sa sinabi niya. Narinig ko ang panunuya sa boses niya, naroon ang isang hint na para bang may iba siyang gustong ipunto. Naiwan sa ere ang dapat na sasabihin ko dahil hindi ko siya maintindihan, hindi ko alam kung bakit siya magkakaganito. “W-What are you talking about?” nauutal kong tanong ngunit kaysa sagutin ay nginisian lamang ako nito. May kakaiba sa bawat tingin at ngisi niya makikita roon ang sobrang pagseselos? Sakit at inggit? Gulong-gulo ako, iniisip ko kung ano bang nakita niya sa cellphone ko? Alam ko binura ko na ang mga number ng mga lalaking alam kong deleted na lahat. Mayroon pa bang naiwan? “Why? Ikaw ang sumagot sa sarili mong tanong, Cassandra! What the f*ck did you do? You fvcking cheater!” dumagundong ang boses nito sa apat na sulok ng kwarto. Halos mabingi pa ako sa isinigaw niya sa akin. Cheater? Sino ako? Hindi pa niya ako asawa ng makipag-date ako sa mga iyon! At kahit masama ugali ko ay hindi ko magagawang mag-cheat. “What the hell?” iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko alam ang dapat isagot sa kaniya. “Hinayaan kita makapagtrabaho tapos ito lang pala ang isusukli mo?” mahina lamang iyon, kalmado ngunit naroon ang galit. Napasabunot na lamang ako sa sarili kong buhok dahil wala talaga akong ideya sa sinasabi niya. I maybe a b*tch but I never cheat! Wala sa bokabularyo ko ang bagay na iyon. “Asan na? Give me back my phone, wala akong alam sa sinasabi mo.” pag-uulit ko at inalapag pa ang kamay ko sa harapan niya. “No!” tanggi niya at naglakad na ito palayo sa akin at walang pasabi na lumabas ng kwarto ko. “Alejandro!” malakas kong tawag sa pangalan niya ngunit hindi na talaga ako pinansin nito. Dahil sa pagkairita nasabunutan ko ng makailang ulit ang sarili ko dahil sa inis na nararamdaman. Hindi ko alam ang sinasabi niya na nag-cheat ako dahil hindi ko magagawa iyon for christ sake! Napansin ko si Toyang na nakasilip sa pinto kaya tinawag ko ito, nakayuko naman itong lumapit sa akin. “Alam mo ba ang ikinagalit ng taong iyon?” inis kong tanong sa kaniya. “Kasi nakita ko siya kaninang umaga hawak ang cellphone mo tapos ayun bigla na lang galit hindi ko po alam ang nakita niya,” sagot niya sa akin, napa tango-tango naman ako. “Pero Ma‘am narinig ko po siya na may binanggit na pangalan at pagkakarinig ko ay pina-iimbistiga niya po ito.” dagdag pa niya na nakapag pag gising sa diwa ko. “Ano?” “Steven po.” Napatawa na lang ako ng wala sa oras ng malaman ang puno‘t dulo ng away namin ngayon. Si Steven ay ang best friend ko na sa ibang bansa at ang huling usap namin ay bago ako ikasal kay Alejandro, ibig sabihin may limang buwan na ang nakaraan. “Hindi ba Ma‘am kaibigan mo iyon?” nagtataka naman akong tumingin ka‘y Toyang ng sabihin sa akin iyon. Pinagtaasan ko siya ng kilay bago ko siya tinanong kung paano niya nalaman. “Paano mo nalaman?” suspetsa ko sa kanya. “A-Ano po hindi po kasi kayo ‘yung tipo na nagloloko kahit po maldita kayo.” nahihiyang sambit nito na nagpawala sa inis ko. “Alam ko kaya nga please lang Toyang tulungan mo ako makuha ang cellphone ko,” wala sa loob kong sambit. Hindi kumibo si Toyang kaya hindi ko na rin naman inulit dahil alam ko hindi niya gawin iyan takot na lang niya ka‘y Alejandro. Wala na rin naman kami pag-uusapan ay umalis na lamang siya sa loob ng silid ko at ako ay nagtungo na lamang sa kama at doon ko binuhos ang lahat ng galit ko. “Bakit ba napaka-seloso mo!” kausap ko sa sarili ko. “Lahat na lang! Hindi ka nagtatanong bago mo ako akusahan ng kung anu-ano!” “I hate you, Alejandro! I hate you so much!” sigaw ko alam ko naman na hindi nila ako maririnig dahil sound proof ang kwarto ko. Hindi pa ako nakakahigang muli ng bumukas muli ang pinto ko, niluwa nito si Toyang na may dalang tray at laman n‘on ay mga pagkain. Walang gana ko lamang siyang tinignan hanggang sa malapag niya ang mga iyon sa center table sa may hindi kalayuan sa akin. “Pinapadala ni Señorito, kumain kana po daw.” Sambit ni Toyang. Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at nagtungo sa mga pagkaing dala niya. Gusto ko maging masaya dahil ang pagkain na sa harapan ko ay ang mga paborito ko ngunit pinangungunahan talaga ako ng galit. Bawat subo ki ng pagkain ay hindi ko ito malasahan at ma-enjoy. “Ma‘am?” tawan ni Toyang sa akin kaya bored na bored ko itong tinapunan ng tingin. “Ano po bang mayroon sa cellphone niyo at gusto niyong kunin?” she asked. Hindi ako nag-isip ng kahit na ano sa pagtatanong niya bagkus sinubo ko na ang huling pagkain na sa plato ko. Pinunasan ko muna ng tissue ang bibig ko bago ko siya tuluyang sinagot. “Naroon kasi ang mga mahahalaga kong contacts sa business ko and of course phone numbers ng mga kaibigan ko.” wala sa loob kong sagot. Nagtango-tango lamang ito sa sinabi ko at hindi na muling nagsalita. “Na saan siya ngayon?” out of nowhere kong tanong. “Office po, Ma‘am.” sagot niya. “Next time huwag mo na akong tatawaging Ma‘am at huwag ka na rin magpo-po, nagkakaintindihan ba tayo?” Kumislap ang mga mata niya sa tinuran ko at masayang nilinis ang pinagkainan ko at muling nagpaalam sa akin. Dahil kailangan kong makuha ang cellphone ko ay lakas loob akong pupuslit ngayon sa kwarto ni Alejandro. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ko, sinulyapan ko pa ang maliit na orasan sa isang side table at alas-otso na pala ng gabi. Hindi na ako nagsuot ng sapin sa paa dahil magbibigay lamang iyon ng ingay at baka mahuli pa ako. Nang makarating ako sa harapan ng silid ni Alejandro ay dahan-dahan ko itong binuksan at pumasok ako roon. Wala naman especial sa kwartong ito dahil guest room lamang ito. Wala na akong sinayang pa na mga oras at mabilis na hinanap ang cellphone ko na itinago niya. Na sa limang minuto na ako sa paghahanap ngunit wala pa rin akong makitang cellphone ko. Nang bubuksan ko na sana ang pintuan ng malaking closet na narito ay narinig ko ang mga yapak ng kung sinong tao ang papunta sa silid na ito. Sa takot ko ay mabilis akong pumasok sa loob ng closet niya at isiniksik ang sarili ko sa kumpulan ng mga damit niya. Pagbukas pa lang ng pinto ay sumalubong na sa aking pandinig ang malalim at malamig ang boses. “Anong balita? May balita na ba kayo sa lalaki ng asawa ko?” maanghang nitong sambit sa kausap niya sa sariling cellphone. “F*ck! Hanapin niyo siya at wala akong pakialam kung anak pa siya ng Cancio Estate na iyan! Nag-I love you sya sa asawa ko!” Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa sinambit niya napakaseloso talaga ng walanghiya! Nabasa siguro niya ang huling pag-uusap namin ni Steven, iyon siguro ang pinuputok ng butsi niya. “Wala akong pakialam basta hanapin niyo siya at mag-uusap kami, wala akong pakialam kung nasaan siyang sulok ng mundo basta ha—” Hindi ko na ulit siyang narinig na nagsalita, hindi ko siya makita kaya hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa mga oras na ito. “Call you later, bye.” paalam niya sa kausap niya. “Bakit amoy pabango niya ang kwarto na ito?” kausap nito sa sarili na nagpa kaba sa sarili ko. Wala sa sarili kong inamoy ang sarili ko at napatampal na lang ako ng sarili kong noo ng maamoy ang pabango ko. Bakit ngayon ko pa naisipan maglagay nito. Nakalimutan ko na napakabangis pala ng pang-amoy nito. Narinig ko ang yapak niya papalayo at ang tunog ng pinto ng magbukas ito at magsara ulit marahil siguro ay lumabas ito ng kwarto kaya dali-dali akong lumabas ng closet niya. Ganun na lamang ang pagkatigalgal ko ng makilala kung sino ang nakatayo sa likuran ng pinto. “H-Honey?” awkward kong tawag sa kanya ngunit siya ay tinignan lamang ako ng blanko. “Get out.” naiinis na utos sa akin at pinag buksan pa ako ng pinto. “H-Honey naman iyong ano kasi—” “Get out! Hindi ko ibibigay ang cellphone mo!” galit nitong sigaw sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang naglalakad papalabas ng kwarto niya. Nang tuluyan na akong makalabas ay walang pag-iingat niya itong sinarado ng malakas. “Bwisit!” iyon na lamang ang nasabi ko bago ako tuluyang nagtungo sa sarili kong kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD