bc

I LOST MY MEMORIES EACH MORNING (oneshot sad story)

book_age12+
24
FOLLOW
1K
READ
drama
twisted
like
intro-logo
Blurb

"I LOST MY MEMORIES EACH MORNING."

read at your own risk! this story belongs to @sachi ventura. ctto.

this story will surely poke your heart

chap-preview
Free preview
FIRST AND LAST EPISODE
"I LOST MY MEMORIES EACH MORNING." Nagising na naman ako sa isang puting kwarto habng nakahiga sa kama. Hinilot ko ang aking sentido nang maramdaman ang pagkirot nito. Agad naman akong natigilan nang pumasok ang isang lalaki. Matangkad ito, maputi at gwapo. Lumapit siya sa akin kaya kumunot ang noo ko. "Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Mapait naman siyang ngumiti at umupo sa tabi ko. "I'm Travis, your boyfriend. Dalawang taon na tayong magkarelasyon." Malungkot niyang saad. "I'm sorry, hindi kita makilala." "It's okay, baby." Hinaplos nito ang buhok ko. Laging ganito na lang ang nangyayari sa akin sa bawat paggising ko ay hindi ko maalala ang nangyari. Kung sino ba ang magulang ko o anong klaseng buhay ang mayroon ako. "Travis iho, gising na ba si Heaven?" May lumapit na isang matandang babae sa amin. "Opo tita, kagigising niya lang po." Sagot ni Travis. Maluha-luhang lumapit sa akin ang matandang babae at niyakap ako ng mahigpit. "Heaven, anak. Natatandaan mo ba ako?" Tanong nito pero dahan-dahan akong umiling. Mukhang nalungkot naman siya sa naging reaksyon ko. "Okay lang 'yon anak, ako ito ang iyong ina." Sabi niya. "Ipapaalala ko ang lahat sa'yo tulad ng lagi kong ginagawa." May nilabas siya na isang album kung saan naglalaman ng mga litrato ko mula noong pagkabata ko at kinuwento kung sino ako. Ganoon rin ang ginawa ni Travis, kinuwento niya rin ang mga nangyari sa loob ng dalawang taon tuwing kami ay magkasama. Kung paano siya manligaw at kung paano ko siya sinagot. "Walong buwan na ang nakakalipas simula noong masangkot ka sa isang aksidente kaya ganito ang lagay mo ngayon, pero huwag kang mag-alala dahil hindi ako susuko sa'yo anak." Hinawakan ni mama ang kamay ko. "Pasensya na po kung nagdudusa kayo ng dahil sa akin." Sabi ko pero umiling lang siya at pinunasan ang mga luha sa mata ko. "Wala kang kasalanan kaya huwag kang humingi ng tawad." Sabi ni mama. Maya-maya ay umuwi muna si mama dahil may kailangan pa siyang asikasuhin sa bahay kaya naiwan si Travis upang magbantay sa akin. "Ayokong matulog, Travis." Mahinang sambit ko at sinubukang pigilan ang antok ko. "Bakit naman, baby?" Hinaplos nito ang kamay ko. "Alam ko sa tuwing gigising ako ay mawawala lahat ng ala-ala ko at malilimutan ulit kayo." Saad ko dahil alam kong nahihirapan rin sila sa sitwasyon ko. "Don't say that, magpahinga ka na Heaven. I love you." Sabi nito saka hinalikan ang noo ko. Dahan-dahan namang akong napapikit at ilang saglit ay nakatulog na rin ako. Kinabukasan ay nagising ulit ako sa isang puting kwarto habang nakahiga sa isang kama pero sa pagkakataon na 'to, naalala ko na ang lahat nang nangyari kahapon. Hindi ko nakalimutan. Napatingin naman ako sa pintuan ng magbukas ito at nakita si Travis na lumapit sa akin pero agad akong natigilan nang may sumunod sa kanya na isang buntis na babae. "Heaven, alam kong hindi mo ako maalala pero gusto kong humingi ng patawad sa'yo dahil nakabuntis ako. Please forgive me." Malungkot nitong saad. Mapait akong ngumiti. "Magkakilala ba tayong dalawa?" "I'm Travis and she's Vera your sister." Sabi ni Travis. "Ikakasal na kami." "Congratulations." Sabi ko saka napakagat sa labi nang maramdaman kong namuo ang luha sa aking mga mata. "Let's go, Travis. Sinasayang mo lang ang oras mo sa isang taong paulit-ulit ka lang kinakalimutan." Sabi ni Vera at hinila si Travis. "I'm sorry, Heaven and goodbye." Huling sabi ni Travis bago lumabas ng kwarto. Hindi ko na napagilan at kusang tumulo ang luha sa aking mga mata. Sana nakalimutan ko na lang ang nangyari kahapon, sana hindi na lang nila pinaalala ang lahat sa akin. Ang taong kasama ko sa pagbuo ng ala-ala ay siya rin mismo ang wawasak sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Great Ethan Lee

read
4.1K
bc

The Bounty Hunter and His Wiccan Mate (Bounty Hunter Book 1)

read
102.6K
bc

Billionaire's Wrong Bride

read
974.1K
bc

The Bounty Hunter and His Phoenix Mate (Bounty Hunter Series Book 3)

read
62.7K
bc

He Cheated So I Did Too With My Obsessive Boss

read
4.2K
bc

The Billionaire’s Discarded Bride

read
36.8K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
8.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook