bc

How To Seduce Brancen Delafuente (4)

book_age16+
19.5K
FOLLOW
92.3K
READ
billionaire
family
playboy
badgirl
drama
sweet
bxg
campus
cheating
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Abbegail Roquero is known as a partygirl Queen. Lahat ng party ay nakadikit ang pangalan niya. She's popular when she's on Bars. 'b***h' 'Playgirl'. That always linked her name. Yun ang tingin ng lahat sa kanya pero yun ang inaakala nila. The real Abbey they knew is really far from what they always describes her. That's her self defense because deep inside she's broke. Everything about her is broken. She's falling apart. Party is her diversion. Until she accidentally met Jame Brancen Delafuente, ang tinaguriang babaero sa magpipinsang Delafuente. Paano kung ang isang playgirl ay nahamon ang isang playboy at ang isang playboy ay nahamon ang isang playgirl? How will she able to seduce Brancen Delafuente?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "Look who's here again. Abbegial Roquero. You're such a party girl Abbey. Ginagawa mo na ata 'tong bahay mo." Bungad sa akin ng isang mestisang babae. Tiningnan ko ito sandali sa malamya kong mga mata. I forgot her name. Everybody knows me, I don't know them. Hindi ko alam kung paano nila ako nakilala. Maybe because Bars are my second home. If there's party then there's Abbey. Parating nasasabit ang pangalan ko doon. Maraming nakakakilala sa akin bilang party girl. At hindi lang yun, I am known as playgirl. I'm not. I'm better than that.   Ngumiti lang ako sa kanya ng matamis. Sinabayan ko ang beat ng tugtog ni Martin Garrix sa paggalaw ng ulo ko. Sinuklay ko paatras ang aking buhok habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa inuming iniinom ko at pasimpleng iginala ang tingin sa paligid. May naaaninag akong mga sumasayaw sa dance floor. May iba rin namang napapatingin sa direksyon ko.  "Diba si JK Delafuente 'yon? He looks wasted. Look Abbey. Mag-isa lang sa couch oh. Why don't you approach him? Lapitan mo kaya?" sabi niya sakin na nakaupo na sa aking tabi. Nag-order rin siya ng iniinom kong tequilla. Nilingon ko ang tinutukoy niya. Delafuente. I know them but I'm not interested with them. Tanging apelyido lang nila ang alam ko. Familiar ako sa mga mukha nila pero hindi sa mga pangalan nila kahit madalas ako dito sa 3DBar. Minsan lang naman sila napapadpad dito kahit sa kanila ang Bar na 'to. "Brokenhearted ata," sabi ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa iniinom kong drink. I'm not here to b***h around. I'm here to chill. Pangbawas stress. "OMG! Nandidito lahat ng Delafuente! God Abbey! Ang gugwapo talaga ng magpipinsan na yan!" tili niya sa upuan niya. Hindi ko na nilingon ang mga pinagsasabi niya. Marami na akong mga sakit sa ulo. Pitong sakit sa ulo. I don't want another one. Nilagok ko ang shot ko nang may mahagip ang mga mata ko. What the hell! Halos maibuga ko ang iniinom ko. Anong ginagawa niya rito?! And damn! Hindi lang siya ang natanaw ko kundi may isa pa! My two fakeboyfriends are here! Si Monday at Thursday! God! Hindi nila ako pwedeng makita rito ng sabay! I still need them! Malaking gulo 'to pag nagkataon. Mabilis akong umalis sa upuan ko. Halos yumuko ako at patagong naghanap ng lugar na pwedeng mapagtaguan. Hindi ako makalabas dahil nandoon na si Monday sa entrance! Makikita niya ako!Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan. Mabilis akong tumakbo doon sa liblib ng Bar. Sa pagkakaalam ko bawal ang hindi employee na pumasok dito. I'm dead! Baka maband pa ako sa Bar na 'to! Agad akong pumasok kahit na alam kong bawal ako doon. Ang bilis pa ng kalabog ng aking dibdib. I don't have a choice. Mamaya ko nalang siguro poproblemahin ang bagay na iyan pagkatapos kong makalusot sa dalawang 'yon. Natigilan ako sa kinatatayuan ko nang madatnan ko ang isang lalake na naghuhubad ng suot niyang damit. Hindi niya pa iyon halos nahuhubad pero nakikita ko na ang kalahati niyang tiyan. s**t! Abs! I can see his half naked abs! Nabuhusan ata ng kung ano ang suot niyang damit dahil narin sa mantsang bumakat doon. Napako ako sa kinatatayuan ko. Isa siyang Delafuente! If I'm not mistaken! What the f*****g hell! Siguradong hindi na ako makakabalik sa Bar na 'to. Isip Abbey! Total hindi niya naman ako kilala at baka mapagkamalan niya pa akong binubusohan ko siya ay nagpanggap akong kumakapa sa ere. Sa lahat ng naisip ko ito pa talagang magmumukha akong timang. Pinagpatuloy ko ang pagpapanggap bilang bulag. Nakapokus lang ang tingin ko kahit pansin na pansin ko ang paglukot ng noo niya habang sinusundan ako ng tingin at hindi kumbinsido kung bulag ba ako o hindi. God! Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na 'to! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagmukhang tanga!Napansin ko ang nanunuyang ngiti sa kanyang labi. Ginapangan agad ako ng kaba. Halatang may naisip siya! Nanatili akong kalmado. Patuloy parin akong kumakapa sa ere. Galing umarte Abbey! Napasinghap ako sa kalooblooban ko nang tuluyan niyang hinubad ang namantsahan niyang suot na damit. What the f*****g hell! Napakaperpekto ng imahe niya! Isa dalawa tatlo apat lima anim!!!!! Ang raming pandesal sa tiyan niya! Kahit hindi ako direktang nakatingin doon ay kitang kita ko naman sa peripheral vision ko! Pasimple akong napalunok ng laway. Ramdam ko rin ang namumuong pawis sa noo ko.Halos mangatog ang tuhod ko nang bigla siyang naglakad papunta sa akin. Pag aatras ako ay mahahalata niyang nakikita ko siya! What the hell! Delafuente nga ang lalaking 'to! He's seducing me! Tuluyan siyang nakarating sa harap ko. Kalmado parin ang ekspresyon ko at pinapanindigan na wala akong nakikita kahit sa kalooblooban ko ay may nagaganap nang gyira sa pagitan ng mga lamangloob ko. Nakuha niya pang iwagayway sa harap ko ang kamay niya para kumbinsihin ang sarili niyang bulag talaga ako. Sinikap kong ideritso ang tingin ko. Hindi ko sinundan ang kamay niya para hindi niya ako mahalata.Hinawakan niya ang kamay ko at idinampi sa abs niya. Halos mawala ako sa sarili kong katinuan nang naramdaman ko ang napakatigas at bawat umbok ng tiyan niya. Hindi ko na nakontrol ang sarili kong sumabog. "Kumusta pagiging bulag mo?" bulong niya sakin sa isang nakakaakit na boses.Umaapoy narin sa init ang magkabila kong pisngi. Mabilis ko siyang itinulak."p*****t asshole! Ang manyak mo! Walanghiya ka! Hindi purket napakaperpekto ng pagkakahulma ng tiyan mo ay gusto na yang hawakan! Bastos!" sigaw ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang lalong umiinit na magkabila kong pisngi. "Sa ating dalawa sino kaya ang mas manyak? Nagpanggap ka pa talagang bulag ka para matagal mong masilip ang abs ko." Tumawa siya ng malutong. Natikom ko ang bibig ko. Sa sobrang kahihiyan at inis na napala ko ay tumalikod ako. Rinig na rinig ko parin ang hagalpak niyang tawa. Ang kapal ng mukha! "Hey Miss? Hindi mo man lang ba pasasalamatan ang abs ko dahil dito naging malinaw ang mga mata mo? You can stare on my abs if you want to. Para mas lalong luminaw ang mga mata mo." Isang malutong ulit na tawa ang pinakawalan niya at sinuklay pa paatras ang buhok. Damn the asshole! Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Kahit na nakukuha ng perpekto niyang mukha ang atensyon ko, nakadepinang panga, mapupulang labi, matangos na ilong at nakakaakit na mga mata na ngumingiti rin dahil sa pagtawa niya ay sinikap kong magmukhang galit. Hindi ako magpapadala sa imahe niyang perpekto! "You're not even hot!" sigaw ko. Tumigil siya sa kakatawa at itinuon sa akin ang atensyon na may nanunuya paring ngiti sa kanyang labi. "Really woman? Because I caught you staring at my abs. And I'm 100 percent sure that I'm hot than your cheeks right now." At ngumisi agad ng malademonyo. Nalaglag ang panga ko. What the hell Abbey! Conceal that goddamn blush on your cheeks! What an evil creature! "Perv!" sigaw ko. Tuluyan akong tumalikod at lumabas doon. Ramdam na ramdam ko parin ang pang-iinit ng pisngi ko at sobrang init nun pakiramdam ko ay nakakapaso na ito. Paglabas ko ay nakasalubong ko pa ang isa niya pang pinsan. Delafuente's are oozing hot. Admit it Abbey. Dammit!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
28.4K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
630.2K
bc

That Night

read
1.1M
bc

The Professor's Wife

read
450.3K
bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
581.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook