How Jame Brancen Delafuente kiss a girl Nagpahatid nalang muna ako sa bahay. Kailangan kong maging maganda kung pupunta ako sa 3DBar. Ang raming magaganda doon tapos ako nakadress lang ako at hindi pa akma sa pupuntahan ko? No way. Pagdating ko sa bahay ay naligo ulit ako. Ilang oras akong nagbabad sa bathtub. Binuhos ko na ang natitirang shower gel ko. Leche, ang raming babae niya doon! Kailangan ako ang umangat sa kanilang lahat. Nakakainis! Pagkatapos kong maligo ay nanghalungkat ako ng magandang mairarampa sa 3DBar. Isang red tight dress ang suot ko. Nakayakap ito ng mahigpit sa katawan ko. Below the knee at isang killer stilleto. Nagmake-up ako at ikinulot ang dulo ng buhok ko. Now I look great! Tamang tama lang ang oras. Gabi na. Ang tagal ko palang nag-ayos.

